Love story, romance novel written in Tagalog

Friday, September 26, 2008

Nobelang Tagalog: Page 40

tinututulan ng kanyang nararamdaman para sa kasintahan. Hindi niya pinapansin ang mga sinasabi ni Hernan tungkol kay Irene.
Hindi na pumasok pa ng library si Hernana kaya iniwan na siya nito. Sa loob ng library habang siya’y nakaupo, binuksan niya ang cell phone ng dalaga. Sa phone book ay napansin niyang hindi nakasulat ang kanyang pangalan doon at ang mga message nito’y pawang nakapangalan kay Jerick, Brandon at iba pang pangalang hindi niya kilala. Napansin rin ni Josh na iba ang sim na nakasalpak, hindi iyon ang kadalasang ginagamit ng dalaga kaya wala doon ang kanyang pangalan at mga message. Ngunit bakit nandoon ang pangalan ni Jerick?
Kunti lang ang tao na nandoon sa silid ng library, pagkakataon upang makapag-aral siya para sa pasulit mamaya. Ngunit sa mga oras na iyon ay hindi man lang siya nagkaroon ng gana upang magbasa sa kanyang lesson at sa isa sa mga librong nakahilera sa bookshelf na siyang paborito niyang basahin sa tuwing may bakanteng oras. Hindi man niya pinansin ngunit naguguluhan si Josh tungkol sa sinasabi ni Hernan sa kanya.




Chapter V


Oras na para sa pangalawang subject nila kung saan magkakaroon ng major exam. Nagsidatingan na ang mga kaklase. Ang kaninang bakanteng upuan ay okupado na ito ngayon. Lumingon siya sa bandang kanan kung saan nakaupo si Hernan na nakikipagkwentuhan sa kanilang mga kaklase.
Hindi mapalagay ang binata laging detretso sa labas ng pinto ang kanyang paningin. Bakante ang upuang nasa kanyang bandang kaliwa, ang upuan ni Jerick. Hindi ganoon ang pag-aalalang nararamdaman ni Josh sa tuwing absent ang kaibigan subalit sa kapag maging bakante rin ang upuang nasa kanyang harapan ay hindi na ito normal para sa kanya.

Nobelang Tagalog: Page 39

“Tapos na, magdamag nga ako kagabi eh,” tumawa si Hernan, “Magdamag sa paglalaro ng computer games.” Natawa na rin si Josh sa sinasabi ni Hernan, ang isa sa makukulit din niyang kaklase. Patuloy sa paglalakad ang dalawa.
“Maiba tayo Josh,” wika ni Hernan na natigil sa kakangiti. “Gaano mo kamahal si Irene?” Hindi sumagot si Josh. “Alam kong napakahalaga sayo si Irene at ‘di mo yan pwedeng ilihim sa akin dahil halata na kayo sa buong klase. At isa pa, halos magkapareho kayo ng scores sa tuwing may mga pasulit tayo. Napansin ko rin na kahit absent siya, mayroon pa ring naipasang assignment.”
“Natural lang ‘yon dahil magkaibigan kami,” pangatwiran ni Josh. “At dahil isa siya sa best friend ko, oo, mahalaga siya sa akin,” dagdag niya.
“Okay, karapatan mo yan na hindi sasabihin sa akin ang totoo. Tama man kami o mali, isa lang masasabi ko sayo. Pare, payong kaibigan lang, h’wag ka sanang magalit,” napahinto si Hernan. Huminto rin si Josh sa paglalakad. Lumingon ito sa kausap. Napapansin niyang seryoso si Hernan. “Kung nakakabuti sa akin, walang dahilan para magalit.”
“Kilala kita Josh, isa kang matalinong tao, at alam ‘yan ng lahat. Napakaswerte ni Irene na naging malapit sa ’yo. Nakita namin kung paano mo siya pinapahalagahan. H’wag mong ibigay ang lahat, magtira ka naman kahit kunti man lang para sa sarili mo. Maraming humahanga sa kagandahan niya, pero sa tulad kong kapitbahay niya,” umiiling si Hernan, “Not all glitters are diamond Mr. Santillan.”
“At bakit mo ‘yan nasabi?”
“Simply lang, dahil kilala ko siya. Magkalapit lang ang bahay namin. Nasabi ko na, ‘wag mong isipin na nakialam ako sa inyong dalawa, at lalong hindi ko sinisiraan si Irene, kung hindi, gusto ko lang imulat ang iyong mga mata.”
“Gaano ba siya kasama para sa’yo.” Wika ng binata na sinasabayan lamang ang mga sinasabi ni Hernan.
“Ayaw kong maghusga ng kapwa, dahil isa rin ako sa makasalanang sinasabi nila. Matalino ka, time will come at malalaman mo rin ang totoo. Let us see kung ano ang masasabi mo.”
Bumalik sa isipan ni Josh ang mga nakapanibagong kilos ni Irene noong nakaraan. Mga kilos na ‘di niya inaasahang magawa ng dalaga. Ngunit pilit itong

Nobelang Tagalog: Page 38

naiwan ni Irene ang kanyang cell phone dahil sa sobrang pagmamadali hindi na namalayan nito na may nakaligtaang gamit.
Kinuha ito ni Josh at ibinulsa lang muna dahil humahapdi na ang kanyang tiyan sa gutom. Ngunit habang kumakain ay ‘di niya inaasahang tumunog ito. Tiningnan ni Josh kung sino ang tumawag. Brandon ang pangalang naka-display sa LCD ng cell phone. “Sinong Brandon?” sa isip niya. Sagutin na sana niya ito, ngunit naisip niyang baka magalit na naman sa kanya ang dalaga kapag nalaman nitong pinakialaman ang kanyang gamit kaya hinayaan na lang niya itong tumunog. Makailang beses tumunog pero natigil ito sa paglipas ng ilang sandali nang walang sumagot.
Sa kabilang dako, nag-aalala ng husto ang ina ni Irene dahil anong oras na ngunit wala pa rin ang anak. Nakailang beses na rin siyang tumawag sa cell phone nito pero hindi niya makontak ang dalaga. Lalong nanghina ang katawan ni Martha lalo na ngayong umuwi na ng probinsya ang kanilang katulong na si Cilia upang magbakasyon. Napadalas ang pag-iyak ng ina sa kanyang kalagayan. Halos hindi na umuwi pa ng bahay ang anak. Mahigit isang buwan na rin ang nakaraan buhat nang umalis ang asawa subalit hanggang ngayo’y hindi pa rin umuwi. Walang tawag kahit sa telepono man lang. Bagay na ikinasama ng loob ng ina.
Ang dami ng gamot na nakaimbak sa kanyang medicine cabinet noong nakaraang lingo ay hindi nagbago. Hindi na ito nabawasan pa at wari’y kinalimutan na ni Martha ang pag-inom sa mga iyon salungat sa payo ng doctor.
Sa school kinabukasan habang nagmamadaling naglalakad si Josh ay nasalubong niya ang isa sa kanyang mga kaklase at nalaman niyang walang pasok sa unang subject nila. Isang pagkakataon upang makapagreview pa siya sa susunod na subject. Papunta na sana siya sa library nang tawagin siya ni Hernan ang kaklase na kanyang nakausap ilang minuto pa lang ang nakalipas.
“Josh, sandali.” Lumingon ang binata. Si Hernan ang kanyang nakitang humahabol sa kanya. Huminto si Josh upang hintayin ang kaklase. “ Saan ba ang punta mo?” ani Hernan na humihingal. “Ang bilis mo namang maglakad.”
“Nagmamadali kasi ako para makapag-aral sa susunod nating subject. Nakapag-review ka na ba para sa pasulit mamaya?”

Nobelang Tagalog: Page 37

“Mine, hindi na ako pwedeng magtagal, kailangan ko nang umalis.” Nabigla si Josh sa naging disisyon ni Irene. Biglang nagbago ang lahat pagkatapos makausap ang tumawag sa kanyang cell phone kanina.
“Hindi ka na ba kakain”
“’Wag na, sa bahay na lang. Naghihintay na kasi si Mommy” balisa ang dalaga.
“Bakit may problema ba si Tita?” kinabahan si Josh dahil alam niyang may sakit ang ina.
“Guto mo, samahan na kita, wala naman akong gagawin ngayon.”
“Ha? ‘wag na. Magpahinga ka na lang mine, okay?”
Walang nagawa si Josh. “Okay, sandali lang,” dinukot nito ang perang nasa kanyang bulsa ng kanyang shorts at inabot ito kay Irene. Napangiti ang dalaga. “Akala ko ba nakalimutan mo na.”
“I am a man of my own word. Siya nga pala may major exam tayo bukas, huwag kalimutang pumasok.”
“Of cource mine, asahan mo. I love you mahal ko,” humalik muna ito kay Josh bago umalis. Ihatid na sana ni Josh hanggang sa akayan ng jeep ngunit tunmanggi ang dalaga. Sa ilang beses na raw niyang bumabalik sa lugar na iyon , alam na raw niya ang umuwing mag-isa pangatwiran ni Irene kay Josh. Ganoon pa man hindi mapalagay ang binata kaya lihim niya itong sinundan.
Nagtaka si Josh sa kanyang nakita nang dumeretso lamang si Irene at dinaanan lang nito ang terminal ng jeep na sakayang papunta sa kanila. Pagdating sa kabilang kanto mabilis itong pumara ng taxi, bagay na huling nakita ng binata. Sinundan pa iyon ng kanyang mga mata hanggang sa tuluyan ng naglaho sa kanyang paningin ang sinasakyang taxi ng dalaga. Sa isip ng binata ay napaka-importante ng lakad ni Irene dahil sa sobrang pagmamadali nito.
Bumalik na si Josh sa shop nang masiguro niyang nakauwi na si Irene. Nang nasa loob na si Josh, nakaramdam siya ng gutom kaya naalala niya ang pagkaing kanyang naihanda kanina bago umalis ang kasintahan. Isinara niya ang pinto upang hindi makapasok ang ingay na gawa ng paligsahan sa labas. Tahimik na ulit ang buong silid. Pumunta na sana siya sa kusina upang kumain nang napansin niyang may nakapatong na cell phone sa keyboard ng server kaya nilapitan niya ito. Tama ang kanyang hinala na

Nobelang Tagalog: Page 36

kanyang pisngi. Hindi niya alam ang kanyang nararamdaman sa tuwing dumarampi ang mainit na hininga ng dalaga sa kanyang pisngi.
Lumuwag ang mga braso na iyon sa paggapos sa kanya. Ngunit patuloy pa rin ang malayang mga halik ng dalaga. Napapikit ang mga mata ng binata at napaupo sa upuan nang humarap ang dalaga sa kanya. Hindi niya namalayang napayakap na rin siya sa malambot na katawan ni Irene.
Sumakay ang dalaga sa kandungan ni Josh kasabay ng pagdikit ng dibdib ni Irene sa kanyang dibdib. Hindi na nakaimik pa si Josh nang naramdaman niyang dumapo ang mainit na labi ng dalaga sa kanyang mga labi. Dahan-dahang bumaba ang kamay ni Irene sa pinakapribadong bahagi ng kanyang katawan.
“Wait, no…. ‘wag mine,” wari’y natauhan si Josh. Nagulat ang dalaga at napatigil ito sa kanyang ginagawa. “This is not the right time,” dagdag ng binata. Nakatitig sa kanya si Irene at halatang napahiya ito. “I’m sorry,” ani ng dalagang dahan-dahang tumayo mula sa pagkaupo nito sa kanlungan ni Josh. Inayos ang sarili. Niyakap siya ng binata.
“I’m sorry din. Sana maintindihan mo ako. Iingatan kita, upang kung sa sakaling hindi man maging tayo sa bandang huli, wala kang maisumbat sa akin. Hangga’t hindi pa tayo kasal, walang dahilan para gawin natin ang bagay na ito.”
“Nahihiya ako sa ’yo mine. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Pakiramdam ko, malaki na ang pagbabagong nangyari sa aking pagkatao. Hindi na ako ang dating Irene na nakilala mo.”
Napakunot ng noo si Josh. “What do you mean,” lumuwag ang kanyang pagyakap sa dalaga. Tinitigan nito ang lumuluhang mga mata ni Irene. Dahan-dahan niya itong pinunsan sa pamamagitan ng kanyang mga palad ang pisngi ng dalagang dinadaluyan ng luha. Hindi sumasagot ang dalaga sa tanong ni Josh, sa halip ay umiiling lang ito.
Pagkalipas ng ilang sandali, ay tumunog ang cell phone ng dalaga. Agad niya itong sinagot. Napapansin ni Josh na parang sekreto ang usapan nila ng taong nasa kabilang linya kaya hinayaan na lang ito ng binata. Pumunta itong kusina upang maghanda ng kanilang makain. Ngunit ilang minuto lang ang nakalipas nang sumunod sa kusina ang dalaga at dala na nito ang kanyang bag.

Nobelang Tagalog: Page 35

“H’wag na, maupo ka na lang d’yan at magpahinga.” Nagpupumilit pa rin ang dalaga. “Okay, your wish is my command darling.” Hinayaan niya ang dalaga na mag-ayos sa mga nakakalat na bond papers sa mesa.
Pumasok na ng kwarto si Josh para magbihis. Pagbukas niya ng ilaw ay sumalubong sa kanyang mga mata ang drawer na lagayan ng perang kita ng dalawa nilang shop sa loob ng dawalang lingo bago ito maidiposit sa bangko. Siya lang ang pwedeng magbukas nito dahil sa kanya lang pinagkatiwala ang susi ng drawer bago umalis papuntang ibang bansa ang kanyang kuya. Naalala niya ang hiningi ni Irene sa kanya. Nanghinayang ang binata sa halagang kukunin niya mula sa drawer na iyon. Naiisip niyang kahit siya mismo ay hindi nagawang kumuha ng ganong kalaking halaga para sa isang hindi tiyak na patutunguhan ng pera.
Binuksan ni Josh ang drawer. Napabuntong hininga ang binata. Kumuha siya ng halagang sinabi sa kanya ni Irene. Hindi niya lubos maisip na magagawa niya ang bagay na kailan ma’y hindi niya nagawa. Ganyan ba kalaki ang pagpapahalaga niya sa babae?
Pagkatapos magbihis ni Josh ay lumabas na ito ng kwarto. Lumamig ang buong silid. Nakabukas ang aircon pati ang server ay bukas din. Wala ang dalaga. Napansin ni Josh ang nakadisplay sa screen ng monitor, ang friendster ni Irene na kanyang ginawa noong bago palang silang magkakilala. Tiningnan ng binata ang mga pictures nilang dalawa na magkayakap. Kompleto pa rin ito at walang nagbago sa background na kanyang nilagay doon.
“Mine, nasaan ka ba?” ilang beses niyang sinambit ang pangalan ni Irene ngunit walang sumasagot. Naisip niyang baka lumabas ito, pero paano, hawak ng binata ang susi kaya ‘di mabubuksan ng dalaga ang pinto kung gustuhin man niyang lumabas. Puntahan na sana niya sa kusina nang may biglang yumakap sa kanya.
“Huli ka!” sinundan iyon ng mga halakhak ng dalaga. Ramdam ni Josh ang init ng katawan ni Irene na mahigpit na nakayap sa kanyang likuran. Nalalanghap niya ang mabangong buhok ng dalaga na tumakip sa kanyang mukha. Magkadikit ang kanilang mga pisngi. Muntik ng matumba ang dalawa.
“Mine, tigilan mo nga ‘yan, matumba tayo.” Nakiliti ang binata nang hinalikan ng dalaga ang kanyang batok at leeg. Patuloy ang paggapang ng mga labi ng babae sa

Nobelang Tagalog: Page 34

May bumabang pasahero kaya huminto ang bus. Nagising si Irene.
“Malayo pa ba tayo mine?” tanong niya sa binatang nakahawak sa kanyang kamay.
“Mga ten minutes na lang nandoon na tayo sa amin.” Bulong sa kanya ni Josh. Hinigpitan pa ng lalaki ang pagkahawak sa kanyang kamay at sinundan iyon ng isang mainit na halik sa kanyang pisngi. Pinikit ulit ng dalaga ang kanyang mga mata.
Sa likod ng kasiyahang nadarama ni Josh ay nandoon pa rin ang pagtatanong sa kanyang isipan. Ayaw din niyang pilitin ang dalaga na sabihin sa kanya kung saan mapunta ang perang hiningi sa kanya dahil ayaw niyang magalit na naman ito sa kanya.
Huminto ang bus. Ikalawa na ng hapon nang sila’y nakarating. Mula sa kanilang binabaan ay may ilang metro pa ang layo bago mkarating sa shop ng binata. Naglakad ang dalawa. Kahit maiinit pa ang araw ay ‘di na napansin pa ni Josh dahil sa lambing na pinakita at pinadama sa kanya ni Irene.
“Mine, gusto ko ngayong monthsary natin doon ta’yo sa bahay.”
“Hindi ba nakakahiya sa Mommy mo?”
“Trust me mine, okay? Walang problema si Mommy pagdating sa relasyon nating dalawa. Gusto nga niya na lagi kang bumibisita sa bahay para may makausap siya.” Napangiti lang ang binata dahil alam niyang hindi ‘yon mangyari sa kalagayan niya.
Malayo pa lang sila sa shop ngunit napansin na ni Josh na nakasara ang shop nila. Maingay ang paligid at maraming tao. Naalala niyang fiesta pala sa kanila. Wala si Jerome dahil may presentasyon sila sa school na kanyang pinapasukan. Magaling si Jerome sa larangan ng sayaw kaya lagi itong kasama sa kanilang grupo lalo na sa tuwing may okasyon tulad ng fiesta.
Dinukot ni Josh ang susi sa kanyang bulsa. Nang nakapasok na sila sa loob ay isinara ulit ito ni Josh ang pinto dahil alam niyang walang maglalaro sa araw na iyon. Madilim ang loob ng shop kaya agad nitong binuksan ang ilaw.
“Have a seat mine, aayusin ko lang ‘tong nakakalat na bond papers,” ani Josh sabay abot ng upuan sa dalaga.
“Ako na ang mag-ayos niyan, magbihis ka nalang muna mine,” inagaw nito ang mga papel na hawak ni Josh.

Nobelang Tagalog: Page 33

“Promise mine?”
“Promise, now, pwede ko na bang malaman kung ano ‘yong hinihingi mo?”
“Kailangan ko kasi ng pera. Mga limang-libo lang mine.” Nagulat ang binata sa kanyang narinig.
“Ha? Pero mine ang laki naman ng halagang ‘yan, ano bang bibilhin mo?”
“”Pwede bang ‘wag mo na akong tanungin pa, sabihin mo na lang kung may maibigay ka o wala ‘yan lang ang gusto kong marinig!” Napabuntong hininga si Josh habang kagat nito ang kanyang labi. Napaisip ng ilang sandali. Malapit na sila sa mall.
“Ano ba! Ang hirap mong kausap. Bibigyan mo ba ako o hindi, bababa na ako!”
“Sandali lang okay?” medyo napataas ang boses ni Josh.
“Manong pakitabi na lang po d’yan sa may kanto,” ani Josh sa driver ng taxi.
Naunang bumaba si Irene dahil nagbabayad pa ang binata ng pamasahe nila sa taxi.
“Lets go mine, nagbago na ang isip ko,” wika ni Josh matapos itong makababa sa taxi.
“Nagbago? Hindi mo na tutuparin pa ang promise mo kanina? ‘Di mo na ako bibigyan sa hinihingi ko sa ’yo, ganon ba?”
“Hay naku! Sino bang nagsabi sa’yo niyan?” bahagyang napangiti si Josh.
“Ang ibig kong sabihin, hindi na tayo matuloy sa Mall.”
“Bakit, saan tayo pupunta?” napatanong ang dalaga.
“Uuwi na doon na lang tayo maglunch sa shop namin. I’m sorry sa disisyon ko na ‘di na tayo matuloy pa sa Mall.”
“Hindi mo pa sinabi sa akin kung may maibigay ka ba sa akin o wla.”
“’Yan ang dahilan kung bakit kailangan nating umuwi ngayon kasi wala naman akong dalang pera dito,”
Tuwang-tuwa ang dalaga sa kanyang narinig. Ang kaninang masungit na mukha ay napalitan ng matamis na ngiti.
Sa bus na kanilang sinakyan pauwi ay gulong-gulo ang isip ng binata. Hindi man lang sinabi sa kanya ng dalaga kung ano ang gagastusan nito sa sa limang-libong hinihigni sa kanya. Pinagmasdan ng maiigi ni Josh ang mukha ni Irene na nakatulog sa kanyang upuan. Kailan ma’y hindi niya magawang tanggihan ang dalaga sa ano mang hihilingin nito sa kanya.

Nobelang Tagalog: Page 31

“Saan ba tayo? Ihatid mo na ba ako sa bahay? Ayaw ko pang umuwi” ani Irene na biglang naiba ang expression ng mukha at bigla itong nakasimangot.
“No, I mean, kakain tayo sa labas, sa Mall.”
“Sa Mall?” napatanong ang dalaga. Lumingon ito kay Josh.
“Yea, ‘di mo ba ako sasamhan?”
“Pero…” hindi na natapos pa ni Irene ang kanyang gustong sabihin nang naramdaman niyang hinawakan nang mahigpit ni Josh ang kanyang kanang kamay.
“Come on mine, wala kang dapat ikabahala.” Tumawag ng taxi si Josh. Huminto ang taxi sa kanilang harapan at agad namang binuksan ni Josh ang pinto upang makapasok si Irene.
“Saang Mall ba tayo?” habang tumatakbo ang taxi.
“Sa dating tagpuan.”
“Sa Mega Mall?”
“Yup!” ginapos ng kaliwang kamay ng binata ang dalaga kaya hindi na nito nagawa pang umilag sa nakaw na halik ng binata.
“H’wag ka ngang makulit mine, akala mo nakalimutan ko ang malaking atraso mo as akin.”
“Ang hindi pagsama sa’yo sa party?” hindi sumagot ang dalaga.
“Okay, aaminin kong mali ko ‘yon at isang uri ng pagkukulang. ‘Di mo ba ako mapatawad?”
“O sige, patawarin kita pero sa isang kondisyon”
“Kondisyon?” napakunot ng noo ang binata.
“At ano naman ‘yang kondisyon na yan?”naguguluhan si Josh. Sumandal si Irene sa kanya at nilapit nito ang kangyang mga labi sa pisngi ng binata.
“Alam mo mine, nahihiya sana ako sa’yo, pero… wala na akong ibang tao pang malapitan maliban sa ’yo na alam kong mabait at mapagkatiwalaan.” Hindi mintindihan ni Josh ang pinagsasabi ng kasintahan.
“So what is it?”
“Promise mo muna sa akin na pagbigyan mo ako.” Hindi masagot ang binata. Iniisip kung ano ang hihilinging ng dalaga sa kanya.
“Kung kaya kong ibigay bakit hindi?”

Page 31

Chapter IV


Hindi na nakasabay pa si Jerick sa tanghalian na sinasabi ni Josh dahil may tumawag sa kanyang sa cell phone at naghihintay na raw sa kanilang bahay ang nasabing tao. Kailangan na niyang umuwi.
Open si Jerick kay Josh sa ano mang lakad nito lalo na kung patungkol sa babae maliban na lang sa pagkakataong katulad sa mga oras na iyon. Matagal nang napansin ni Josh na may tinatago ito sa kanya ngunit ‘di na niya ito binigyan pa ng pansin.
Nais sanang pigilan ni Josh si Jerick upang makasabay ito sa lunch na kanyang pangako sa dalawa. Subalit mukhang napakaimportante ang lakad ni Jerick kaya hinayaan na lang niya. Sa kabila ng kanyang pagpigil sa kaibigan ay masaya siyang naging ganon ang nangyari parang sinasadya ng tadhana ang lahat para makasama niya si Irene.
Palabas na ng campus ang magkasintahan ngunit wala pa ring kibo ang dalaga at iniiwasan nito ang titig ni Josh sa kanyang mga mata.
“Umm… how’s my mine?” umpisa ni Josh habang naglalakad.

Wednesday, August 27, 2008

Nobelang Tagalog: Page 31

“Incridible! Ang galing…very impressive” napatawa si Jerick. Hindi pa rin kumikibo si Irene at wari’y walang narinig sa usapan ng dalawa. Pero alam ni Josh na naghintay lang si Irene na lapitan at kausapin niya.
Naudlot ang usapan ng magkaibigan nang mag-umpisa ang kanilang kasunod na klase. Tahimik ang lahat na nakinig sa lecture ng kanilang professor. Ngunit walang naintindihana si Josh sa kanyang narinig tungkol sa diskusyon. Sabik na siyamg matapos ang klase upang makausap ang dalaga. Napatitig siya ng madalas nito, sa halip na mag-jot down sa kanyang notes.

Nobelang Tagalog: Page 30

Bumalik sa kanyang upuan si Josh. “Great! You did it pare. Ang galing mo talaga…” kinamayan siya ni Jerick habang nakangiti sa kanya. Ngunit hindi man lang lumingon si Irene sa kanya at tila wala itong narinig sa usapan nilang dalawa ni Jerick. Gano man kalaki ang pagseselos na nasa kanyang loob ay nagawa pa rin nitong magkunwari kay Jerick at magpakita ng masayang mukha sa kaibigan.
“Kumusta…?” ani niya kay Jerick.
“Well, eto… okay lang kahit masakit pa ang ulo dahil sa inuman noong nakaraang gabi.” Sagot ni Jerick na bahagyang tumawang napakamot sa kanyang noo.
“Siya nga pala, pwede ba tayong magsabay kakain mamaya?”
“Aba! Yan lang pala… bakit hindi, basta libre mo kami…” tumawa ang kaibigan.
“Of course, magyaya ba ako kung hindi ko kayo libre?” napangiti si Josh. Ngunit wala pa ring imik ang dalaga.
“Oh, ano Irene… kanina ka pa d’yan na parang ang layo ng iniisip ah, may narinig ka ba?” kinukulit ni Jerick si Irene. Lumingon lamang ng bahagya ang dalaga kay Jerick. “Ano ba Jerick, ang kulit mo.” Wika ng dalaga. Tumatawa si Jerick habang kinikiliti nito si Irene hanggang sa ‘di nakapagtiis ang dalaga at tumawa na rin ito. Nanonood lamang ang nagseselos na si Josh sa dalawa.
“Kausapin mo nga ‘yang kaibigan natin Josh, kanina pa ‘yang walang imik.” Pangungulit ni Jerick. Kahit gusto ng binata na kausapin ang dalaga pero pinigilan niya ito dahil alam niyang hindi iyon ang tamang oras at lugar upang kausapin si Irene.
“So, kumusta ang pakiramdam?” wika ni Josh kay Jerick na halatang pinaparinggan nito ang dalaga. “Well, kung ako ang tatanungin mo, okay na ako, alam mo namang sanay ako d’yan… Ewan ko kay Irene kasi matagal ‘yang nagising kanina. Kung hindi ko ‘yan pinuntahan sa kanila, naku… hindi yan papasok.”
“Hinayaan mo na lang sana siyang makapagpahinga”
“Yon nga sana eh. Ako nga ang sarap pa sanang matulog… Eh paano ‘yong assignment natin para bukas, ‘di ko alam ‘yon kaya gusto kong magpatulong sa ’yo.” Napangiti si Josh.
“Everything is okay guys… eto na ‘yon, kayo na ang bahala.” Inabot ni Josh kay Jerick ang kanyang ginawang research paper para sa dalawa.

Nobelang Tagalog: Page 29

Kinabukasan sa klase naihanda na ni Josh ang kanyang mga visual aids para sa reporting sa umagang iyon. Nandoon na si Mr. Santiago ang kanilang professor sa subject na iyon. Ang matandang professor na mahigit dalawampung taon na sa pagtuturo kaya madali nitong malaman ang mag-aaral na hindi handa sa kanyang pinapagawa.
Nabaling ang tingin ni Josh sa dalawang bakanteng upuan sa bandang likuran ng klase. Wala pa si Jerick at Irene na kanina pa niyang hinihintay. Ika-walo na ng umaga at oras na para mag-umpisa ang binata sa kanyang pagrereport, ngunit wala pa si Irene. Kulang ang lahat para sa kanya kapag ‘di nito makita ang dalaga. Ilang sandali na lang at matapos na ang cheking of attendance ni Mr. Santiago at marahil ay magsimula na siya. Gusto niyang makausap ang dalaga tungkol sa kanilang lakad noong nakaraang araw at hihingi ng sorry dahil hindi siya nakasama sa party na pinuntahan nila ni Jerick.
“So, what’s the topic for this morning?” umpisa ng professor nila. Tumayo si Josh sa harapan, “ It’s all about Article III of the Philippine Constitution sir,” sagot ng binata. Umayos ang lahat sa pagkaupo at handa na itong makinig sa kanya. Naging malaya ang kanyang mga mata na matanaw ang kabuuan ng klase. Sa kanya ngayon nakatuon ang mga mata ng kanyang mga kaklase at ang bawat bibitawan niyang salita ay babalot ito sa katahimikan ng mga kaisipang nakikinig.
“Article III is all about people’s right,” umpisa niya. Ngunit naudlot ang diskusyon ni Josh nang biglang bumukas ang pintuan sa kanyang bandang kanan. Napatingin ang lahat sa dalawang pumasok sa klase. Si Irene at Jerick ang pumasok. “How sweet…!” bulyaw ng mga kaklase at sinundan pa iyon ng tawanan. Napangiti ang kanilang professor sa naging reaksyon ng kangyang mga studyante. Ngunit para sa binata, ito ang pinakamasaklap sa kanya. Paiba-ibang hilaw na ngiti ang gumuhit sa kanyang pisngi. Ngumiti lamang si Irene na tumingin sa kanya. Ang tawanan ng kanyang mga kaklase ay mas lalo pang lumakas. Pilit na pinapatuloy ng binata ang kanyang pagsasalita sa likod ng kanyang naramdamang pagseselos sa dalawa. Pilit niya itong itinago sa karamihan dahil walang dapat makakaalam sa relasyon nila ni Irene.
Maayos ang pagkapaliwanag ni Josh kaya wala ng masyadong nagtatanong pa pagkatapos ng kanyang report. Kalahating oras lang ang kanyang pagsasalita at natapos na ang kanyang report. Walang tanong ang kanyang matandang Prof. dahil maayos ang pagtalakay sa paksang kanyang binigay sa binata.

Nobelang Tagalog: Page 28

come across on your way?” ngumiti ng bahaya ang inang nakatitig sa kanya. Hindi nakapagsalita si Irene at namangha ito sa narinig.
“Mom, are you kidding?”
“No, I’m not…” napahinto ng sandali at huminga ng malalim, “I’m not kidding my beloved princess,” patuloy niya.
“Nagpatingin na naman ako sa doctor kahapon, at ayon sa findings niya ay mas lumala daw ang aking sakit.” Namutla at napanghinaan ng loob ang dalaga nang narinig niya ang sinabi ng ina. Alam niyang isa siya mga mga dahilan kung bakit nagkaroon ng ganitong sakit ang kanyang ina.
“Regular ka bang umiinom ng iyong gamot Mom?” wika niya habang hinahaplos ang likod ng ina. “Don’t worry Mom, walang mangyari sa’yo… Nandito ako, ‘di kita pababayaan.”
“Hindi pababayaan? Minsan ka na nga lang umuwi ng bahay dahil sa barkada mo. Noong nakaraang Sabado’t Linggo wala ka, kagabi, wala na naman. So what can I expect from you Irene… I saw my fate, one day, as I lay down on my bed, I will leave without your presence.” Hindi namalayan ng dalaga na tumulo na ang luha sa kanyang mga mata. Mahigpit nitong niyakap ang kanyang ina kasabay ng mga pangakong hindi na uulit sa kanyang pagsama sa barkada.
Mas dumami ngayon ang gamot na nakaimbak sa medicine cabinet sa kwarto ng kanyang Mommy at Daddy. Sa ibabaw ng mesa ay kapansin-pansin ang dyaryong nakabuklat at halatang tapos na itong nabasa. Isa pa rin sa mga tambak na isyu ang mga sundalong nagkaroon ng relasyon sa ibang babae bukod sa kanilang asawa. Kung saan ito nakadistino may asawa. Tinupi ito ni Irene dahil ‘di niya nagustuhan ang naturang isyu. Naalala niya ang kanyang ama na laging umaalis ng bahay na hindi nila alam ang totoong patutunguhan.
Mahimbing na nakatulog si Martha pagkatapos itong painumin ng gamot ng dalaga. Ayaw niyang mawala ang nag-iisang tagapagmahal at tagapagtanggol sa kanya sa tuwing pagalitan siya ng kanyang Daddy Arthur. Binantayan niya ito‘t doon na rin siya natulog as gabing iyon upang makasama man lang ng buong gabi ang inang uhaw sa kanyang pagmamahal.

Nobelang Tagalog: Page 27

niya ang boses ng Daddy niyang nagmamadaling pumasok sa kanilang kwarto ng Mommy niya. Bumaba ang ina. Tulad ng lagi niyang inaasahan na laging pumapawi ng kanyang sama ng loob sa tuwing pagalitan siya ng kanyang Daddy ang inang kailan ma’y lagi niyang kasama at handang umintindi sa mga pagkakamaling kanyang nagawa.
“Sa labas na ako magdinner ‘wag nyo na akong hintayin mamaya,” nakabihis ang amang mabilis nagpatakbo ng kanyang sasakyan palayo ng bahay. Napailing si Martha habang sinisilip sa bintana ng sala ang asawang papalayo sa kanila. Mabagal nang kumilos si Martha dahil nagkaroon ito ng sakit sa puso at pinagbawalan na siya ng doctor na magbuhat ng mabibigat at hangga’t maari ay iwasan ang malungkot at sobrang masaya.
Si Cilia ang kanilang katulong sa bahay ang nag-aasikaso sa lahat ng gawaing mabibigat sa bahay. May pera ang pamilya dahil bukod sa pagiging mataas na opisyal si Arthur sa Philippine Army, ay may malawak silang lupain sa Nueve Ecija na namana ni Martha mula sa kanyang mga yumaong mga magulang. Malaki ang bahay nila ngunit dalawa lang madalas ang tao nito dahil ngayong nakabalik na si Irene sa Manila ay barkada na naman ang punta nito lalo na nang nakilala niya si Jerick.
Nandoon pa rin ang sabaw sa mesa na hinain ni Cillia na kanina’y maiinit ngunit ngayo’y kasing lamig na ng nararamdaman ng kanyang mga magulang sa isa’t isa. Matagal ng ganyan ang kanyang Mommy at marahil ay sanay na rin itong ‘di makausap ang asawa kahit ngayong wala na ito sa serbisyo. Kung umalis ng Biyernes ng gabi, Biyernes na rin ng gabi ito darating. Kinikimkim ng ina ang lahat ng sama ng loob dalawampung taon na ang nakalipas.
Nabunutan ng tinik ang dalaga nang umalis ang amang ilang taon lang niya nakasama sa bahay kung tutuusin. “Mom, are you okay,” wika niya sa inang nakatitig sa larawan ng kasal nila ng kanyang asawa na nakasabit sa wall. ‘Di niya inaasahang may namumuong luha sa mga mata ng kanyang ina at umiiling ito at sinundan iyon ng mga buntong hininga.
Sa halip na kakain ay nawalan siya ng gana kaya sinamahan na lang nito ang kanyang Mommy sa kanilang kwarto ng Daddy niya. “Where will you be tomorrow if I’m gone? Can I rely you to manage yourself without expecting any helping hand to

Nobelang Tagalog: Page 26

kapag sinabi niya ito kay Jerick, ay marahil magtaka ang nahuli kung bakit pa nya kailangang gawin ang itago ang lahat kay Josh sa katutuhanang alam ni Jerick na magkaibigan lang silang dalawa ni Josh.
Lumabas ng kwarto ang dalaga pagkatapos mag-ayos ng sarili. “Mabuti nama’t lumabas ka na. Kanina ka pa hinihintay ng iyong ama sa baba dahil gusto ka niyang kausapin.” Kinabahan si Irene nang marinig niya ang sinabi ng kanyang Mommy na kausapin siya ng kanyang Daddy. ‘Di na ito nakipag-usap pa’t dumeretso sa baba ng sala.
Nasa kalagitnaan pa lang siya ng hagdan ay napapansin na niya ang kanyang amang nakaupo sa sofa. Kapansin-pansin pa rin ang matipunong katawan nito kahit matanda na. Magbago ang paligid ni Irene kapag umuwi ang ama galing trabaho. Isang taon itong hindi umuwi ng bahay galing Mindanao, isang taong malaya sa lahat niyang gagawin ang dalaga. Ngunit nagayong retiro na ang ama sa pagiging sundalo’y katapusan na ng lahat niyang kasiyahan.
Kasindak sindak ang mukha ng ama nang ito’y humarap sa kanya. “Saan ka galing?” halos ‘di makakibo si Irene nang marinig ang boses ng Daddy niya. Hindi na ito bago para sa kanya noong panahong bata pa siya’y talagang ganyan na ang kanyang pagkakilala sa taong nasa kanyang harapan ngayon. Nakinig lamang ang ina sa may itaas ng hangdan at alam niyang handa ito sasalo sa galit ng kanyang Daddy tulad ng lagi niyang inaasahan mula pa noong bata pa siya.
“D-dadd”, nanginginig ang dalaga, “G-galing po sa kaibigan ko,” wika niya. Alam niyang may mga kasunod pa itong mga katanungan tulad ng “Anong ginawa ninyo doon? Sino ang kasama mo nang umalis ka ng bahay? Ngunit hindi nangyari ang inaasahan nang tumunog ang telepono. Tumayo ito at agad tinungo ang telepono. Mahina ang boses habang ito’y nakipag-usap ng taong nasa kabilang linya. Hindi na rin ito bago para sa kanya dahil mula pa noong bata pa siya’y marami na itong tinatago sa kanila ng Mommy niya. “Tungkol sa trabaho, at walang ibang dapat makakaalam” katagang laging bukambibig ng ama sa tuwing ito’y lumalabas ng bahay kahit hatinggabi. Naiintindihan ng ina ang asawa kaya hindi na ito nagtatanong pa. Hindi naman sila pinapabayaan nito kahit ilang araw itong hindi umuwi kahit wala itong duty.
Dumaan sa harapan ang amang nagmamadali paakyat ng hagdan at tinitigan lamang siya nito na para bang nagbabanta sa kanya. “I have things to do” dinig na dinig

Nobelang Tagalog: Page 25

“Hey! Look Jerick, akala ko ba naintindihan mo ako sa haba na ng panahong magkasama tayo? Sa tingin mo ba’y makakaalis ako dito? Alam mo bang naturing silda ‘tong silid na ‘to para sa akin tuwing weekends? ‘Ni paglabas para bumuli ng kung anu-ano d’yan sa labas ay ‘di ko magawa, sasama pa ako sa lakad niyong first and foremost, ay walang kwenta? Now give me atleast one concrete reason na maging dahilan upang samahan ko ka’yo sa lakad n’yo kagabi?” namumula ang binata at tila nabuhos nito ang lahat ng galit at inis na nararamdaman sa dalaga at sa kaibigang nasa kanyang harapan. Hindi makakibo si Jerick at nagulat sa mga sinasabi ng binata. Natahimik ang madaldal na Jerick at parang nabasang sisiw na nakaupo sa tabi ni Josh. Natahimik ang paligid at naghintay lamang si Jerick na magsalita si Josh na noon ay panay ang buntong hininga.
Ilang minuto ang nakalipas, dahil hindi sanay magtampo ang binata sa sobrang bait nito’y naghingi ng patawad sa kaibigan. Hindi niya magawa ang hindi makipagkibuan kay Jerick dahil kahit papaano’y may pinagsamahan silang dalawa. At isa pa, walang batayan ang kanyang pagseselos sa kaibigan kung pagseselos man ang kanyang nararamdaman na puot sa kanyang dibdib. Alam niyang ‘di pa kumakain ng tanghalian si Jercik kaya inanyaya niya itong kumain.
Wala pa ring kibo si Jerick habang kumakain at sa isip niya’y bakit ganoon na lamang ang naging reaksiyon ni Josh nang nalaman niya ang nangyari tungkol sa lakad nila ni Irene kagabi. “May relasyon kaya sila?” sa isip lamang niya dahil hindi siya sigurado. Ano kaya ang maging reaksyon niya kapag malaman niyang totoo ang kanyang hinala na may relasyon ang dalawa?
Masakit ang ulo ni Irene nang ito’y nagising dahil sa katok ng pintuan ng kanyang kwarto. Nag-alala ang ina dahil hindi pa ito kumain ng agahan at anong oras na’y ‘di pa lumalabas sa kanyang kwarto. Tulala ang dalagang nakaupo sa kanyang higaan. Hindi niya maalala kung paano siya nakarating ng bahay sa sobrang lasing. Si Jerick, siya ang naalala niyang kasama sa party at naisip niyang ang binata rin ang naghatid sa kanya pauwi ng bahay.
Ngunit biglang natauhan ang dalaga nang maalala niyang hindi dapat malaman ni Josh ang tungkol sa kanilang lakad kagabi. Agad nitong tinawagan si Jerick upang pagsabihang hangga’t maari ay hindi ipaalam kay Josh ang tungkol sa kanilang lakad dahil alam niyang magagalit ito sa kanya. Subalit ay nagdalawang isip ang dalaga dahil

Nobelang Tagalog Page 24

Abalang-abala ang walang tulog na si Josh sa paggwa ng kanilang report para
sa klase kinabukasan. Gumagawa ito ng visual aid bilang isa sa mga requirements ni Mr. Santiago ang kanilang Prof sa Political Science class. Dahil araw ng Linggo, ay punong –puno ang kanilang shop kaya natagalan ang binata na tapusin ang kanyang ginagawa.
“Too much work, makes Peter lazy.” Nagulat si Josh nang marinig niya ang boses na iyon. Lumingon ang binata at si Jerick ang kanyang nakita na nakangiti sa kanyang likuran. “Hey, whats the matter?” huminto ang binata sa kanyang ginagawa at niligpit nito ang mga papel na nakakalat sa mesa. “Napaaga ka yata sa pagpasyal Jerick?” wika niya habang binibigyan ng upuan si Jerick. “Ha, ha, ha, maaga pa ba sa’yo tong tanghaling tapat?” tumawa si Jerick.
“Umalis ako ng bahay. Sino ba namang makakatulog habang binabalot ka ng sermon. Pabalikbalik parang ‘di nakakaintindi ang kinakausap. Hay naku, oh, ano Josh kumusta ka na?” pinagmasdan lamang ni Josh si Jerick at unti-unti nitong nakilala ang totoong pagkatao.
Walang gana si Josh na makipag-usap sa kaibigan lalo pa’t wala itong tulog. Nakikinig lamang ito sa mga kwento ni Jerick tungkol sa lakad nila ni Irene noong nakaarang gabi. Ayaw na ayaw sana ni Josh na pag-usapan nila ang mga bagay na iyon dahil naiinis lang siya sa tuwing maalala niya si Irene at ang lalaki sa kanyang harapan ngayon, ay siya pang binabalikbalik ni Jerick sa kanyang pandinig.
“Ibig mong sabihin, lasing na lasing si Irene kagabi?”
“Ewan ko sa babaeng ‘yon, malakas palang uminom? Wari’y sanay sa inuman. Sayang Josh, kung nandoon ka lang kagabi, siguro maenjoy ka rin lalo na’t kasama mo siya.”
“Ganon ba? Anong oras na ka’yo nauwi? I mean, magkasabay ba kayo?”
“Maiwanan mo ba ang kasama mong ‘di na malakad?”
“What?” kumunot ang noo ni Josh at halos magkasalubong ang dalawang kilay nito. “Oo, kaya hinatid ko na lang siya hanggang sa kanila. Hay naku, ‘di ko inaasahang magbuhat ako ng lasing kaninang madaling araw. Ang bigat!” napailing si Josh sa sinabi ni Jerick. Matagal bago nakapagsalita ang binata.
“Nagtatampo yon sa’yo, bakit kasi ‘di mo siya sinamahan…”

Monday, July 14, 2008

Nobelang Tagalog:Page 23

computer mo. Mas binigyan mo pa sila ng panahon kaysa sa akin. Okay fine! ‘wag mo akong problemahin ayos lang kami ni Jerick… mabuti pa siya may panahon para sa akin na kaibigan niya. Hindi tulad mo!”

Magsalita pa sana si Josh ngunit pinutol na ni Irene ang linya. Sinubukan niyang tawagan ngunit nabigo ang binata dahil naka-off ang phone ng dalaga. Batid ni josh na galit sa kanya si Irene. At ngayon lang nalaman ni Josh na umiinom pala si Irene. Mahilig sa party, sa mga sosyal na lugar. Siguradong lasing iyon pag-uwi. Sino ang aakay sa kanya sa paglakad? Sa pagsakay ng taxi at ang maghahatid sa kanya hanggang bahay nila. “She doesn’t understand my sintuation. My God, what is she doing right now?” Hindi siya dapat mag-alala dahil nandoon naman si Jerick ang kanyang best friend sa college, pero iba ang pakiramdam ng binata habang kasama nito si Irene.

Sumikat na ang araw at masakit ang sinag nito na pumasok mula sa bintana ng kanyang kwarto. May napapansin kaya ang tulad niyang kanina pang nakatitig sa monitor ng kanyang laptop at ang paghiga’y di man lang naisipan?

Samantalang si Irene ay tulog na tulog at wala pa sa sarili nang gisingin ito ng kanyang ina para kumain. Galit na galit ang kanyang ama nang nalamang umaga na dumating ang anak. Ngunit dahil tulog sa sobrang lasing nang umuwi ay ‘di na ito nakausap pa ng ama. “Bumalik na naman ‘yang anak mo sa barkada ha, sabihin mo sa kanya kung ano ang gusto niya sa buhay niya!” galit na wika ni Arthur sa asawa habang pinupunasan nito si Irene. “Ano ka ba Arthur, ngayon lang ‘yan kasi may party ang kaibigan niya kagabi,” pangatwiran ng inang nais ipagtanggol ang anak sa maling nagawa.

Kung hindi lang dahil sa barkada ay patapos na sana ang dalaga sa pag-aaral. Isang taon itong nahinto dahil sa galit ng ama nang nalaman nitong hindi pala pumapasok si Irene sa school. Natuto itong magbisyo at sumama sa barkada hanggang sa napabayaan nito ang pag-aaral. Bilang parusa ay ipinadala siya sa probinsya ng kanyang ama kasama ng kanyang ina. Isang taon itong di nakabalik ng Manila.

Lahat ng gusto ng dalaga’y ibibigay ng kanyang ina kaya kinausap niya ang kanyang Mommy dahil gusto niyang mag-aral ulit kaya binigyan siya ng isa pang pagkakataon ng kanyang ama. Mga bagay na tinatago ng dalaga kay Josh dahil nahihiya siyang malaman ng binata ang kanyang mga ginagawa noon.

Nobelang Tagalog:Page 22

ganang pumasok pa kaya umuwi na rin ito. Tumawag si Jerick sa kanyang cell phone at nagtanong kung bakit hindi na siya bumalik pa sa klase. Nagkunwaring masakit ang kanyang ulo kaya umuwi na ito.

Ilang beses na siyang nagpadala ng text messages pero wala man lang reply kahit isa. Halos hindi makatulog si Josh sa pag-iisip na nagtampo sa kanya si Irene. Ayaw niyang magalit sa kanya ang dalaga. Ilang beses na ba siyang tumawag? Sa telepono katulong ang sumasagot, ayaw namang sagutin sa cell phone.

Wala ng nagawa pa si Josh kung hindi ang maghintay sa susunod na mangyari. Kasabay sa ritmo ng orasan ang bawat tibok sa kanyang dibdib. Hindi makatulog ang binata kaya naisipan niyang tawagan si Jerick, ngunit wala ring sumasagot nakailang tawag na rin siya.

Sabado ng gabi, ngunit sa mga oras na iyon ay ‘di man lang tumunog ang kanyang cell phone o di kaya’y ang telepono na kanyang hinihintay. Hindi niya alam kung natuloy ba ang sinasabing party na pinuntahan ni Irene. Sinubukan na naman niyang tumawag sa babae ngunit di pa rin niya ito makontak. Lumipas na ang hatinggabi, ngunit dilat na dilat pa ang mga mata ng binata. Pinilit niya ang makatulog ngunit laging bumabalik sa kanyang isipan ang dalaga. Tumayo ang binata mula sa pagkahiga upang kumuha ng tubig sa kusina. Subalit nahinto siya nang tumunog ang kanyang cell phone na nakalagay sa ilalim ng lampshade ng kanyang kwarto. Tumawag si Irene. Agad niya itong sinagot.

“Hello… mine, saan ka ngayon?” nag-alalang tanong binata.

“Saan pa eh di sa party.” Sa pandinig ni Josh ay lasing ang dalaga kaya mas lalong nag-alala ito.

“Oh my God! S-sinong kasama mo d’yan ha?”

“Sino pa bang ibang kasama ko kundi si Jerick. Alangan naman ikaw diba?”

“Anong oras ba kayo uuwi niyan?”

“Mamaya pa, nasa kalagitnaan pa lang ng program.” Nag-alala ng husto ang binata sa kanyang narinig.

“Saan ba kayo?”

“Sa Bay Walk. Bakit pupunta ka ditto? H’wag na Mr. Santillan, ‘wag mong iwanan yang pinakamamahal mong shop baka nakawin pa yan. Magsama kayo ng mga

Nobelang Tagalog:Page 21 Chapter 3

Chapter III

Sabado kinabukasan at may party na pupuntahan ang dalaga kaya nakiusap ito kay Josh na samahan siya. Ngunit sa kabila ng paglalambing ng dalaga’y tumanggi pa rin ang binata at sinabing ‘di siya makasama at inulit-ulit nitong pinaliwanag na hindi niya pwedeng iwan ang shop nila. Matagal ng alam ni Irene ang sitwasyon ng binata na kahit Sabado’t Lingo ay ‘di siya maaring umalis at iwanan ang shop. Bagay na lubhang kinalungkot ni Irene at nagtampo ito kay Josh. Hindi na ito pumasok sa klase at maagang umuwi. Sinundan ng binata dahil baka kung saan ito pumunta. Nilakad lang ni Irene ang bahay nila dahil medyo malapit lang ito sa school. Hindi alam ng dalaga na sinundan siya ni Josh. Nang matiyak na ng binata na sa bahay nila ang punta ni Irene, agad itong bumalik sa klase.

“Anong nangyari?” tanong ni Jerick sa kanya nang Makita nitong halos maligo sa pawis si Josh. “nasaan si Irene,” dagdag niya.

“Umuwi na.”

“Umuwi na? Bakit, ‘di ba siya papasok?”

“Ewan ko sa kanya. Nagtampo kasi ‘yon sa akin.”

“Nagtampo? Bakit?” namalayan ni Josh na mukhang nagtaka si Jerick at kakaiba ang expression ng mukha nito.

“Magpasama sana sa akin sa party bukas, alam naman niyang hindi ako pwedeng sumama at pinaliwanag ko sa kanya ang dahilan ngunit ayaw niyang makinig.”

“Gano’n ba? Bakit ‘di niya sinabi sa akin, kung ‘di ka pwede, nandito naman ako ah? Huwag kang mag-alala Josh, sasamahan ko ‘yong kaibigan natin bukas sa party niya.” Hindi nagustuhan ni Josh ang mungkahi ng kaibigan. Naiinis ito, gusto niyang tutulan at pigilan si Jerick at sabihing hindi pwedeng sumama kay Irene, ngunit ayaw niyang mahalata na nagseselos at baka maghinala pa si Jerick na may relasyon sila ni Irene kaya ‘di na lang ito kumibo.

Lumabas ng school si Josh dahil hindi ito mapalagay sa sitwasyon nila ng dalaga. Tumawag sa telepono, ngunit ang sumagot ay ang katulong nina Irene at sinabing ayaw daw makipag-usap ang dalaga sa kanya. Walang nagawa ang binata at nawalan ito ng

Nobelang Tagalog:Page 20

Balik sa shop, tumunog ang telepono at agad itong sinagot ni Josh. Basag na boses ang narinig ni Josh mula sa kabilang linya. Boses ng isang lalaki at parang lasing ito. Halos magkasalubong ang kilay ng binata dahil masakit sa tainga pakinggan ang boses na iyon. Kitang-kita ni Irene ang expression ng mukha ng kanyang kasintahang si Josh kaya lumapit ito sa kinatatayuan ng binata.

“Sino ‘yan mine?” tanong niya. Tinignan lamang siya ni Josh at patuloy itong nakikinig sa nagsasalita mula sa kabilang linya. Nanatiling nakatayo ang dalaga sa tabi ni Josh at hinihintay ang sagot ng kanyang katanungan. Hindi na nagsalita si Josh, pinakinggan lang nito ang kausap sa kabilang linya. Paglipas ng ilang minuto’y ibinaba ang telepono. Malalim na buntong hininga ang narinig ni Irene.

“Sino ‘yon mine?” inulit ng dalaga ang kanyang tanong sa binatang bumalik sa pagkaupo. “Wala… kaibigan yata ni Jerick hinahanap siya at parang lasing.”

“S-si Jerick? Diba umuwi na?”

“Oo nga eh, baka saan na naman ‘yong madaldal na iyon pumunta kaya ‘di nahanap ng barkada.”

“Pero, paano niya nalaman ang telephone number ninyo dito?”

“Matagal na kaming magkakilala ni Jerick at alam ng mama niya ang telephone number namin dito baka nagtanong ‘yong kaibigan niya sa mama ni Jerick.”

“Ano naman ang sabi ng lalaki sa ’yo mine?” usisa ng dalaga.

“Wala, may usapan lang daw sila ni Jerick pero ‘di dumating ang koneho kaya ‘yon tumawag dito.” Sagot ng binata.

“Teka lang, sino ba yang mine na tinukoy mo ha, kanina ka pa mine ng mine d’yan eh?” tanong ni Josh. Ngumiti si Irene sa kanya.

“Eh… s-sno pa ba kung ‘di ikaw.”

“Ako?” matamis na ngiti ang gumuhit sa labi ng binata.

“Oo, may iba pa ba?”

“Ang sweet ah,” ginapos ng yakap ni Josh si Irene.

“Mula ngayon, mine na itawag mo sa akin. Okay?”

“Okay… mine.” Sinundan iyon ng mga matatamis na halik ng binata. Larawan ng kasiyahan ang pagsasama ng dalawa ngunit nanatili pa rin itong sekreto sa mga mata na nakapaligid sa kanila.

Nobelang Tagalog:Page 19

Masaya si Josh nang natiyak na niya ang tunay na naramdaman ng dalaga na siya ang mahal nito at hindi si Jerick. Ngunit sa kabila ng pagiging masaya niya’y guilty siya sa kanyang pagseselos kay Jerick. Inamin niya sa sarili na galit siya kay Jerick dati dahil sa pagiging malapit nito kay Irene. Ngunit ngayong tiyak na ang lahat gusto niyang humingi ng patawad sa kaibigan pero hindi maari baka malaman ni Jerick na sila ni Irene at malabag niya ang kasunduan nila ng dalaga.

Sa klase kinabukasan ay late na nang dumating si Jerick namumula pa ang mata at parang wala pang tulog. Iba ang itsura kaysa sa dating porma nito. Amo’y alak at ang kahapo’y madaldal na Jerick ay tahimik ngayon at mukhang wala sa kanyang sarili, nakatunganga ito at lagging blanko kapag kinakausap ng mga kaibigan.

Tapos na ang klase pero di ito batid ng isang tulog na si Jerick. Nagalala ang dalawa at nagtaka sa pinkita ni Jerick sa oras na iyon. Tinatanong nina Irene at Josh kung anong nangyari sa kanya ngunit di ito sumagot ng maayos. Napainom lang daw siya dahil birthday ng kaibigan niya kahapon. Walang nagawa ang dalawa kung di ang samahan si Jerick sa may sakayan ng jeep pauwi sa bahay ng binata. Hindi umalis ang dalawa hangga’t di nakasakay si Jerick sa jeep.

Naiwan ang dalawa at nakapagpasyang mamasyal muna sa mall bago umuwi. Masayang kumakain ng lunch ang dalawa sa food court ng Mega Mall. Manood pa sana sila ng movie ngunit di na natuloy dahil kinapos na sila sa oras kaya dumeretso na lang ang dalawa sa shop kung saan naghihintay si Jerome. Walang problema kay Irene at gusto pa nga nitong lagi siyang pumupunta sa shop nina Josh para makasama niya ito lagi.

Maghapong kasama ni Irene si Josh. Tinuturuan ng binata si Irene kapag mayroon itong hindi naintindihan sa kanilang lesson at ginawan ng assignments. Napakasweet ng dalawa magkasama man o hindi. Oras oras ay tumatawag si Josh kay Irene sa telepono. Nagpapaalala kung kumain na ba o hindi ang dalaga at lagging may kasamang “ingat, ‘wag mong pabayaan ang sarili mo” mga katagang lagging laman ng mga textmessages ni Josh.

Balik sa shop, tumunog ang telepono at agad itong sinagot ni Josh. Basag na boses ang narinig ni Josh mula sa kabilang linya. Boses ng isang lalaki at parang lasing ito. Halos magkasalubong ang kilay ng binata dahil masakit sa tainga pakinggan ang

Nobelang Tagalog:Page 18

ay naramdaman na naman niyang dumapo ang labi ng dalaga sa kanyang pisngi. Halos di makagalaw ang binata nang hinalikan ito ng babae. “I love you too Josh,” bulong ng labing dumapo sa kanyang tainga. “Alam kong nagseselos ka sa tuwing kasama ko si Jerick, pero kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. At wala ‘yon kumpara sa’yo, magaling lang ‘yon sa kalukuhan. Matagal ko ng alam na mahal mo ako, at napakasaya ko ngayon dahil sa wakas, nasabi mo rin ang matagal ko ng hinhintay na ipagtapat mo sa akin ang lahat,”dagdag ng dalaga.

Sa pagkakataong ito’y nagkaroon na ng katuparan ang pangarap ni Josh na mayakap ng mahigpit si Irene na matagal na niyang pinapangarap. At ang mga halik nito sa dalaga ay nagkaroon na ng kalayaan at nawala na ang selos na nagging dahilan ng puot sa kanyang dibdib.

Napagkasunduan ng dalawa na hangga’t maari ay itago nila ang kanilang relasyon ay manatiling lihim sa mga tao sa kanilang paligid pati kay Jerick. Napakasaya ng dalawa sa mga oras na iyon. Ngunit paglipas ng ilang minuto’y tumunog ang cell phone ni Josh, message mula sa kanyang kapatid na si Jerome. Nagtatanog kung bakit wala pa siya sa shop ikatlo na ng hapon. May pasok ang kapatid baka mahuli na ito sa klase. Kaya humingi ito ng paumanhin sa dalaga dahil kailangan na niyang umuwi. Naintindihan ni Irene ang lalaki kaya magkasabay na lumabas sa park ang dalawa at sinabayan sa sakayan ng jeep pauwi sa kanila. Hinatid muna ng binata ang dalaga hanggang bahay at pagtapos ay umuwi na rin ito.

Padabog na magsalita si Jerome at batid ni Josh na naiinis at galit ang kapatid dahil matagal siyang nakauwi. ‘di niya ito pinapansin sa halip ay kumakanta pa si Josh habang nagpalit ito ng damit. Nagtaka ang kapatid sa pinakita ng kuya nito. Ngayon lang niya nakitang lagging nakangiti ang kanyang kuya at kumakanta pa. Gusto man niyang magalit ay walang magawa kaya umalis na lang ito upang pumasok kahit late na sa unang subject.

Hindi mapakali si Josh ilang oras pa lang ang nakalipas ay namis na niya si Irene. Tinawagan sa telepono at tinatanong kung kumain na ba ang kanyang mahal. Gusto niyang lagi silang magkasama, kaya sa pagtulog ang pangarap ay bumilis na sana ang oras upang muli’y makita’t makasama ang dalaga.

Nobelang Tagalog:Page 17

Hindi naintindihan ng binata ang mga sinasabi ng dalaga. Naawa siya sa kanyang nakita dahil umiyak na ang babae. Dinukot ni Josh ang kanyang panyo sa kanyang bulsa at dahan-dahan nitong pinunasan ang bawat kumpol ng luhang dumaloy sa makinis na pisngi nito. Ayaw man ngunit hindi napigilan ni Josh na dumapo sa braso ni Irene ang kanyang mga kamay habang humingi ito ng patawad sa dalaga.

“I’m sorry kung medyo tumaas ang boses ko kanina. Sa totoo lang, hindi ko kagustuhan ang layuan ka, pero pakiramdam ko nabobored ka kapag ako ang kasama mo. Ngunit kapag si Jerick, masaya ka. Don’t worry masaya na rin ako ‘pag nakita kitang masaya.”

Patuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata ng dalaga. Hindi inaasahan ng binata na isandal ni Irene ang kanyang likod sa kanyang dibdib. Natigilan ang binata sa pagsasalita nang naramdaman nito ang init na nanggaling sa katawan ng babae. Ang hiya niyang naramdaman ay hanggang isip na lamang. Sa halip na iwasan ang mga gapos ng mga braso na iyon ay ‘di na niya magawa. Napayakap sa kanya si Irene.

“Oo, maaring lagi mo akong nakitang tumatawa kapag siya ang kasama ko, pero kahit kailan ay hindi ‘yon ang sukatan ng pagiging masaya ko, kung hindi, sukatan ng sakit kong naramdaman. Dahil sa tuwing kasama ko siya, lumalayo ka sa akin. Ngayon, sabihin mo sa akin kung bakit mo ‘yon ginawa?”

“Oo… ginawa ko ‘yon hindi dahil gusto kitang iwasan, kun’di, di ko kaya ang sakit kong naramdaman sa tuwing Makita kitang kasama mo siya at malambing ka sa kanya. Marahil ay ‘di mo ako maintindihan at natakot ako na kapag malaman mo ay iiwas ka na sa akin.”

“Bakit, ano ba ang hindi ko dapat malaman, at bakit naman ako iiwas sa’yo?” bahagyang lumuwag ang pagkayakap ng dalaga. Napabuntong hininga ang binata.

“I’m sorry…” wari’y nanginginig si Josh sa kabang dumurog sa kanyang dibdib.

“Sorry for what?” tanong ng babae.

“For loving you… mahal kita. But… but… its okay, wag mo ng bigyang pansin mga sinasabi ko okay? I mean… ahhhmmm… I know, di ako bagay sa’yo.” Namumula ang binata. Ngumiti si Irene sa kanyang reaction at ang mahigpit na yakap na iyon ay bumalik sa pakiramdam ni Josh at mas lalong hinigpitan pa ito kaysa sa dati. Mayamaya

Nobelang Tagalog:Page 16

Dapat bang magisip siya ng ganon sa kanyang kaibigan?

Kinabukasan sa loob ng klase, ay nahuling dumating si Josh. Nandoon na ang dalawa magkatabi. Pumasaok ang binata, tahimik, maamo ang mukha. Dumeretso sa likuran ng dalawa hindi man alng lumingon sa magkatabing Jerick at Irene. Napansin ng dalawa si Josh na dumaan sa kanilang gilid. Kaya pagkaraan ng ilang minuto lumapit ang dalaga sa kanya at umupo ito sa kanyang tabi.

“Uhhm, Jo… Josh, can I disturb you for awhile?” mahinong tanong ng dalaga.

“Bakit? May problema ba kayo ni Jerick?” makahulugang ngiti ang gumuhit sa pisngi ni Josh at tinitigan nito ang dalaga. Hindi maalis sa kanyang isip ang mga pangyayaring kanyang nakikita sa dalawa kaya sa loob-looban niya’y inis ang tanging laman.

Ngunit ganoon pa ma’y di niya matanggihan ang dalaga kaya nang breaktime na nila’y humiwalay si Jerick sa dalawa upang makapag-usap ng maayos sina Irene at Josh.

Sa may park sa labas ng school ay nakaupo ang dalawa sa ilalim ng punong acasia.

“So…? Any problem the two of you?” umpisa ni Josh habang humihinga ito ng malalim na tila walang ganang makipag-usap.

“We don’t have problem Mr. Santillan!”

“And then, why do we need to talk each other?”

“Alam mo Josh, nakakainis ka, di mo ba alam na… na…” di itinuloy ng dalaga ang gusto niyang sabihin.

“Na nainis ka sa akin? Hindi. Akala ko kasi ako lang ang naiinis sa sarili ko. At bakit ka naman naiinis sa akin, may nagawa ba akong mali sa’yo?”

“Meron! At hindi mo iyon napapansin dahil manhid ka!”

“What do you mean?”

“Pinapahirapan mo ako Josh…” wika ni Irene na namumula na ang mga mata palatandaan ng pagdungaw ng mga luha.

“Hindi ako ang manhid, hindi kita pinapahirapan…”

“Ang paglayo mo sa akin, nakakatuwa ba ‘yon? Akala mo ba na natutuwa ako sa tuwing umiwas ka sa aming dalawa ni Jercik ha…!” napabulyaw ang dalaga kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha at tuluyan na itong umiyak.

Nobelang Tagalog:Page 15

“Pero tol, kain ka muna bago ka umalis, maaga pa nman ah,” pilit ni Jerick sa kanya.

“Oo nga Josh, kainin mo muna yang pinabili mo sa amin sayang naman yan,” dagdag pa ni Irene.

“Di bale na lang, sa bahay na lang ako kakain,” tanggi ng binata.

“Oh segi na nga, hayaan na natin siya Jerick na makipagkita sa kanyang babae,” biro ni Irene.

“Kung meron man akong kadate, ikaw ang pinakaunang makakaalam,” wika ng binata sa dalaga habang nag-umpisang humakbang papalayo ang mga paa.

“Tol ingat…”

Hindi na nakinig pa si Josh, mabilis itong naglakad palabas ng mall. Naiwan ang dalawa dahil gustong mamasyal ni Irene kasama si Jerick.

Nasa labas ng ng mall si Josh nang tumunog ang kanyang cell phone, message galling kay Irene.

“Bakit mo kami iniwan? May problema ba? Ingat ka ha… I miss you”

Halos nahihimutok ang dibdib ni Josh sa inis nitong naramdaman. “Bakit mas masaya siya kapag si Jerick ang kasama,” tanong niya sa sarili. Naiinis siya kay Irene, kay Jerick, at sa kanyang sarili. Hindi natuloy ang nais niyang mangyari na magtapat na sana sa dalaga.

Sa shop, mabigat ang pagmumukha ng binata nang ito’y dumating. Nagtaka si Jerome kung bakit ang aga ng kuya niya para sa kadalasang oras ng pag-uwi nito. Kinausap ng kapatid, ngunit di sumasagot ang binata. Tahimik itong nakaharap sa computer. Hindi na lang pinakialaman ni Jerome si Josh at pumasok na lang ang kapatid.

Kaugalian na ni Josh na sa tuwing magalit ito o nagtatampo ay sumusulat ito ng mga composition na naglalaman ng kakaibang damdamin at reflection, galit, at imanihasyong naglalayon na maibsan ang puot na kanyang naramdaman.

Isa sa mga composition na iyon ay ang kanyang sinulat na; “The Human Curse” na nanalo sa compitition sa pagsusulat noong high school pa siya.

Ngunit sa mga oras na iyon, ay walang nagawa si Josh kung di ang maghintay ng message mula sa kanyang cell phone galling kay Irene. Hindi mapakali at kung anu-ano na lang ang pumapasok sa kanyang isip tungkol sa dalawa.

Nobelang Tagalog:Page 14

“Tol, ikaw na ang bahala n’yan, bumili ka ng makain natin kahit anong magustuhan mo ok lang sa akin,” ani Josh habang ibininalik ang wallet sa kanyang bulsa.

“Kahit ano? Wala atang kahit ano ditto ah, eh panu yan kung walang kahit ano?”

tawang-tawa si Irene sa kanyang narinig.

“Ok, hintayin n’yo ako rito bibili lang ng kahit ano,” wika ni Jerick habang patayo ito sa kanyang upuan.

“Teka lang sasamahan kita Jerick,” habol ng dalagang humawak sa braso ni Jerick. Hindi alam ni Josh ang kanyang naramdaman sa kanyang nakita. Magkasabay ang dalawa na bumuili ng pagkain samantalang naiwan si Josh sa upuan.

Hindi mapakali ang ang binata, dinukot nito ang kanyang cell phone at naglalaro na lang ito habang hinihintay ang dalawa. Matagal nakabalik sina Jerick at Irene, pero walang magawa si Josh kung ‘di ang hintayin ang dalawa kahit naiinis na ito.

Halos isang oras bago nakabalik ang dalawa. Malayo pa lang ay kitang kita na ni Josh na masaya ang dalaga habang kasama nito si Jerick. Bakit nasasaktan ang binata sa kanyang nakita?

“Josh, sorry ah, medyo matagal kaming nakabalik, si Jerick kasi ang daming kalukuhan kaya tuloy ‘di kami nakapagisip kung ano ang bibilhin,” ani Irene na nakangiting lumingon kay Jerick.

“Pasensya ka na tol ha, he, he, he, ang hirap kasing hanapin ng kahit ano eh,” tumawa ang dalawa. Ngumiti lamang ng bahagya si Josh kahit hindi nakakatuwa para sa kanya ang ginagawa ng dalawa.

Kumain na ang tatlo, ngunit tahimik pa rin ang binata. Nakahalata ang dalawa na mukhang may problema sa kanilang kaibigan kaya natigil sa kanilang kadaldalan.

Pagkaraan ng ilang minuto ay tumayo na si Josh at nagpaalam na umuwi hindi man lang kumain sa pinabili niyang pagkain. Soft drink lang ininum niya.

“Ah… pasensya na kayo ha, kailangan ko ng umuwi,” wika niya sabay suot ng kanyang bag.

“Sorry… but I have to go,” dagdag niya.

“Josh, may problema ba?” tanong ng naguguluhang si Irene.

“ Wala, ano kasi… ah,…ah… ah, oo may lakad kasi ang kapatid ko ngayon kaya hindi ako maaring magtagal,” pangatwiran niya sa dalawa.

Saturday, July 12, 2008

Nobelang Tagalog:Page 13 Chapter 2

Chapter II

Tuwang-tuwa si Irene sa mga jokes ni Jerick nang maabutan sila ni josh na nagkwentuhan sa canteen ng school. Naging malapit na kaibigan na rin ni Irene si Jerick ang best friend ni Josh dahil laging magkasama ang tatlo sa klase man o sa labas ng school. Sa lahat ng activities ay laging magkasabay ang tatlo at kapag may mawala isa man sa kanila ay nalulungkot ang grupo.

Samantalang si Josh habang tumatagal ay tumitindi ang kanyang nararamdaman para sa dalaga pero lihim niya ito kahit sa kanyang best friend na si Jerick. Natatakot siya na baka layuan siya ni Irene kaya hanggang sa mga oras na ‘yon ay di pa rin niya nasabi ang kanyang totoong naramdaman sa kaibigan.

Ngunit sa kabila ng lahat, sa kabila ng pagtatago ng binata sa kanyang nararamdaman ay hindi niya ito napigilan at sa di inaasahang pagkakataon ay nasabi niya ito. “Bahala na” ang tanging nasa isip niya. Hanggang kailan niya matitiis ang pagkukunwari?

Walang pasok sa last subject ang tatlong magkakaibigan. Maaga ang uwian kaya napag-usapan nilang mamasyal muna sa Mega Mall.

Halos maluha sa katatawa si Irene sa mga jokes ni Jerick, tahimik at walang kibo naman si josh na nakikinig sa dalawa.

“Tol, wake up! Nakatulog ka na yata d’yan eh…” panggulat ni Jerick nang makita niyang walang kaimik-imik si Josh.

“Josh, umm… may… problema ka ba?” mahinahong tanong ni Irene sa kaibigan.

“Wala, okay lang ako don’t worry,” sagot ng binata sa dalawa habang nakasandal sa upuan ng buss.

Patuloy sa pagkukuwentuhan ang dalawa hanggang sa dumating sila sa Mall. Bumaba na ang tatlo at dumeretso na sa food court upang kumain muna bago mamasyal. Ang saya ng dalawa, subalit ang di nila alam kung bakit walang kabuhay-buhay ang pagmumukha ni Josh.

Naghanap ng mesa ang tatlo at umupo. Dumukot ng pera si Josh mula sa kanyang wallet at ibinigay niya ito kay Jerick.

Nobelang Tagalog:Page 12

“Ang alin doon?” tanong niyang nagkukunwaring nakalimot.

“Ang last part ng sentence mo kanina,” paalala ng dalaga.

“Ah ‘yon ba, ang ibig kong sabihin, ay… magpaalam ka muna sa boyfriend mo bago ka pupunta dito baka magalit ‘yon sa akin,” pagtatapat ng binata.

“Boyfriend?”

“Yeah… boy friend mo. Mahal mo, or whatsoever you call him.”

“Hindi ko na kailangang magpaalam pa sa kanya,” tugon ng dalaga.

“Bakit? Nag-away ba kayo?” tanong ulit ng binata.

“Sino namang aawayin ko, eh… wala naman akong boyfriend,” pagtatapat ng dalaga.

“Ha, ha, ha, funny Miss Mendoza,” hindi napigilan ng binata ang mapatawa ng bahagya.

“Sa ganda mong ‘yan, wala? Hello, it’s imposible,” dagdag niya.

“Well, its up to you kung ayaw mong maniwala Mr. Josh Santillan, pero ‘yan ang totoo” ngumiti ang dalaga.

Tuwang-tuwa ang binata sa narinig ngunit ayaw niya itong mapansin ng dalaga dahil natakot siyang baka magbago ang pagtingin ni Irene sa kanya’t lalayo ito.

Maybe I’m just a friend for her,” wika sa sarili habang pinagmasdan ang dalaga.

Hindi nagtagal at natapos nila ang kanilang hinahanap na kailangan nila sa kanilang project. Kaya nagpapapgawa ng account sa friendster si Irene kay Josh. Agad naman itong ginawan ng nahuli. Matatanggihan ba niya ang dalaga?

Nalibang ang dalawa sa kanilang ginagawa kaya hindi na nila napansin ang paglipas ng oras. Gabi na, kaya hindi nagtagal at nagpaalam na si Irene upang umuwi. Sinamahan ito ni Josh sa sakayan ng Jeep at hinintay ng binata na makasakay ang dalaga bago ito bumalik sa shop nila.

Unang pagkakataong nakasama niya ang babaeng pinapangarap sa buong buhay niya. Hindi niya makakalimutan ang araw na ‘yon at ang kasiyahang kanyang nadarama.

Nobelang Tagalog:Page 11

“Ang sipag mo naman Josh. Ang swerte ng maging asawa mo.”

“Ha, hindi naman po ganon, kailangan lang talaga kaya ko ‘to ginagawa.”

“ Pumupunta din ba dito ang girlfriend mo?” tanong ng babae.

“Girl friend?” bahagyang tumawa si Josh.

“Oo, girl friend mo. H’wag mong sabihin sa akin na wala.”

“Exactly! I mean, wala pa yan sa isip ko.”

“Ganon ba? Ah… sorry for asking you that.”

“No, its okay, don’t say sorry.” Tumayo ang binata upang ligpitin ang kanilang kinakainan. Tumulong pa sana ang dalaga ngunit pinigilan ito ng binata.

Nang matapos na si Josh sa paglilinis, ay inanyaya na nito si Irene na mag-umpisa na sila sa kanilang gagawing research tungkol sa kanilang project.

Di masyadong marunong si Irene sa operation ng computer kaya laging nasa kanyang likod si Josh upang turuan ang dalaga. Sobrang kasiyahan ang nadarama ng binata habang kasama niya ang dalaga.

“Hindi ka ba nabobored dito?” tanong ni Irene sa binata habang tinuturuan siya nito.

“Sobra, pero walang magawa,’di ko naman maaring iwan ‘to,” tugon ni Josh.

“ Gusto mo lagi kitang pupuntahan dito?” alok ng dalaga. Nagulat ang binata sa kanyang narinig. Mas lalong gumaan ang kanyang pakiramdam nang sabihin ito kanya ng dalaga.

“Bakit hindi? Pero… kailangang magpaalam ka ng maayos sa Daddy at Mommy mo, at saka sa… sa…,” tumigil sa pagsasalita si Josh habang nagdodownload ng picture mula sa internet. “Ang ganda oh, gusto mo ba ‘to?” Tanong niya kay Irene. Nakita ni Irene ang picture na ‘yon, red rose, ang kanyang paborito. Gumuhit ang matamis na ngiti ng dalaga habang pinagmasdan ang rose na nasa monitor.

“Ang sweet ha, alam mo, paborito ko yan,” wika niyang lumingon ng bahagya sa binata’t muntik magkasalobong ang kanilang pisngi sa sobrang lapit nito.

“Pero ‘di mo pa natapos ang gusto mong sabihin kanina.”

“Ha?” sandaling napatigil ang binata habang inabot nito ang sukli sa kanyang customer na nagbabayad. Wala ng naglalaro kaya wala ng makakadisturbo sa usapan nilang dalawa. Bumulik sa pagkaupo si Josh.

Nobelang Tagalog:Page 10

“Mamaya na ‘yang mga tanong mo, kain muna tayo binibini… okay?” wika niyang nakangiti kay Irene. Hindi natapos ng dalaga ang gusto niyang sabihin dahil naunahan na ito ni Josh kaya kumain na lang ito.

“Bakit ka pa naghanda, eh busog pa naman ako kakakain ko lang ng lunch namin.”

“Iba ‘yong sa inyo’t iba rin dito sa amin. At saka, ayaw kong magutom ka,” pilit ng binata. Hindi kumibo si Irene sa sinabi ni Josh. Inabot niya ang isang basong juice sa dalaga at kumain na ang dalawa.

“Feel at home okay? Pasensya ka na dito ha… wala tayong maayos na mesa.”

“Sino ang may-ari nito?” habang kumakain ay nagsimulang magtanong ang dalaga.

“Kuya ko ang may-ari nito,” ani Josh.

“Ganon, kayo pala ang may-ari nito,” anya habang umiikot ang paningin sa paligid ng silid.

“Wow, ang sarap namang magkaroon ng ganito,” dagdag ni Irene.

“Eh di, magpagawa ka rin sa Daddy mo para magkaroon ka ng ganito,” mungkahi ni Josh. “Sana, pero mahirap ang may ganitong business kapag wala kang alam,” tugon ng nahuli.

“Kung sa bagay, may point ka rin,” sang-ayon ng binata.

“Hindi rin kasi ako madalas makalabas ng bahay kaya, ‘yon… ‘di ako makapagrent ng computer doon sa shop na malapit sa amin.”

“Bakit naman?” tanong ni Josh na may halong pagtataka.

“Strict masyado ang Daddy ko,”

“Ganoon ba,” sandaling napatigil ang binata. Napaisip na naman siya tungkol sa sinasabi ni Irene.

“Kapatid mo ba ‘yong nandito kanina?”

“Si Jerome, oo, kapatid ko ‘yon at siya ang nagbabantay nito tuwing may pasok ako sa umaga,” paliwanag ni Josh.

“Kaya ‘di ako pwede matagalan sa pag-uwi galing sa school. Sabado at Linggo, dito lang ako, ako kasi ang nagmamanage nito at siya naman sa kabilang shop namin,” dagdag niya.

Nobelang Tagalog:Page 9

isang anak nila.” Tumagilid ng bahagya si Irene sa kanya at nalalahanghap nito ang bango ng buhok ng dalaga na nadadala ng hangin at sumagi ito sa pisngi ng binata.

Hindi na makapagsalita pa si Josh ngayong magkalapit na ang kanilang mukha at dikit na dikit ang kanilang mga braso.

Tulad ng kadalasan, kalahating oras lang at nandoon na sila kina Josh. Sa pagbaba ng jeep ay pinaunang pinababa ni Josh si Irene at pagkatapos ay sumunod na rin ito.

“Malayo pa ba mula rito ang bahay n’yo Josh?” tanong niya sa lalaki habang tinatakip sa kanyang mukha ang kanyang panyo dahil mainit ang sinag ng araw.

Hinubad ni Josh ang kanyang sombrero at isinuot ito sa ulo ni Irene. Hindi tumanggi ang dalaga.

“Malapit na tayo,” sabi niya. Sumunod lamang si Irene kay Josh. May nakitang computer shop ang dalaga, at nang dumating sila sa tapat nito ay niyaya siya ni Josh na pumasok sa loob. Sumunod naman si Irene. Malawak sa loob ng shop at napakalamig nito. May ilang nagrerent, nagchahcat at ang iba naman’y naglalaro ng online games.

“Mabuti naman at nandito kana kuya, hinihintay na kasi ako ng mga kaklase ko sa school para sa practice ng sayaw namin,” wika ng binatilyong nakabihis sa may pinakadulo ng nakahilerang computers. Naguguluhan si Irene.

“Segi iwan mo na kami, ako na ang bahala rito. Maaga kang uuwi mamaya ha, magpatulong ako sayong maglipat ng unit dito may papalitan tayong monitor,” paalala ni Josh sa lalaking iyon habang binibigyan ng upuan ang dalaga.

Umalis na ang binatilyo, napalingon kay Irene at ngumiti lamang ito habang papalabas sa pinto. Kapansin-pansin ang pagkahawig ng mukha nila ni Josh.

Nawala sa paningin ni Irene si Josh kaya lumilingon ito sa kanyang likuran.

“May problema ba?” wika ng boses na galing sa kusina. Lumingon si Irene at si Josh ang kanyang nakitang may dala-dalang dalawang basong puno ng juice at tinapay na nakapatong sa malaking platter at palapit ito sa kanya.

“Halika, meryenda muna tayo bago tayo magresearch,” ani Josh at nilagay nito ang dalang platter sa maliit na mesa. Lalong naguguluhan ang dalaga sa kanyang nakita.

“Josh… sino ang…”

Nobelang Tagalog:Page 8

“Huwag mo naman akong tawaging po, pinapatanda mo ako eh,” bahagyang tumawa ang dalaga.

“Alright! Your wish is my command… Ms. Irene Mendoza.” Nagtawanan ang dalawa.

Mula noo’y naging close na ang dalawa at kahit saan magpunta si Josh ay kasama niya si Irene. Tinutulungan niya ang babae sa mga assignment nila, sa mga project at lagi na ring pumupunta ang binata sa bahay ng dalaga.

Araw ng sabado. Naisipan ni Irene na pumunta sa bahay nina Josh upang magpatulong sa binata magresearch hinggil sa kanilang term paper. Hindi niya alam kung paano pumunta sa bahay ng lalaki kaya tinawagan niya ito sa telepono.

“Hello good afternoon,” wika ng boses na nasa kabilang linya.

“Good noon din po, pwede po bang makausap si Josh?” tanong ng dalaga.

“Yes, speaking. Sino po sila?”

“Hi, si Irene to. Josh, pupunta sana ako d’yan sa bahay n’yo, okay lang ba?”\

“Sure! Segi. Pero… alam mo ba ang pagpunta rito?” tanong ng nahuli na halatang excited sa sinasabi ni Irene.

“Yan nga ang problema ko eh kasi ‘di ko pa alam.”

“No problem, hintayin mo ako d’yan at sunduin kita sa bahay ninyo,” ani Josh.

“Talaga? Segi, hintayin kita dito ha…” wika ng dalaga at ‘di nagtagal ay nagpaalam si Josh sa kabilang linya at nagmamadali para sunduin si Irene.

Kalahating oras ang nakalipas nang dumating si Josh sa bahay nina Irene. Handa na ang dalaga, kaya pagkatapos makapagpaalam sa ina ni Irene ay agad na silang umalis.

“Makailang beses na akong pumunta sa inyo, pero ‘di ko pa nakita ang Tatay mo,” tanong niya sa kanyang katabing si Irene habang nakasakay sila sa jeep.

“Lagi po kasing may lakad ang Daddy ko lalo na ngayong kakaretero lang niya sa trabaho,” tugon ng dalaga.

“Ah, ganon ba. Anong trabaho pala ng Daddy mo dati?”

“Isa siyang sundalo, Kapitan, pero wala na retired na siya.”

Natahimik si Josh pagkatapos niyang marinig ang sinabi ng dalaga. “Ganon ba? Ilan ba kayong magkapatid?” tanong ulit ng binata pagkatapos ng ilang sandali. “Ako lang mag-

Nobelang Tagalog:Page 7

“Tamang-tama. Kung okay lang sa’yo, sabay na lang tayong kakain,” anyaya ng binata. Sumang-ayon naman ang dalaga sa sinabi ni Josh kaya magkasabay ang dalawang bumaba mula sa library.

Umorder ng burger si Irene kaya sa halip na kanin, ay burger na rin ang inoorder ng binata at dalawang soft drink. Inabot niya ang isang bote kay Irene. Umayaw sana ang dalaga pero pinilit niya ito hanggang sa pumayag.

Umupo sila sa isang mesa at magkaharap ang dalawa. Walang imik si Josh at dahan-dahan nitong kinagat ang burger ng kanyang hawak. Gayon din si Irene, tila nagkahiyaan ang dalawa. Ilang minuto ang lumipas at hindi nakatiis ang dalaga at nagtanong ito kay Josh.

“Mag-isa ka lang ata ngayon, wala ba ‘yong kasama mo?”

“Si Jerick, ah… absent po siya kaya ako lang mag-isa.” Paliwanag ni Josh sabay kuha sa bote ng soft drink.

“Marunong ka po ba sa computer?” mahinahong tanong ni Irene.

“Medyo po,” nagmamadaling tugon ni Josh.

“Kung okay lang sana sa’yo, magpatulong ako doon sa gagawin nating research. Hindi kasi ako masyadong marunong sa computer.” Pakiusap ng dalaga.

“Yan lang po ba ang problema mo?”

“Opo. Kaya po pumunta ako ng library kanina para maghanap sana ng libro. Pero naisip ko kasi na mas madali kung nakabase sa internet.”

“Kung ganoon, don’t worry, I’ll help you.”

“Talaga po?”

“Yeah, tutulungan kita, promise!” wika ng binatang may ngiting gumuhit sa kanyang pisngi.

“Salamat ha,” masayang wika ni Irene at hinawakan nito ang kamay ni Josh na may hawak na soft drink. Nabigla ang binata at sobrang saya ang naramdaman ng nahuli.

“Wala pong anuman, basta ikaw,” ani Josh na hindi na naubos ang pagkain at ‘di alam ang gagawin.

“Umm… don’t be mad ha, pwede magrequest?” tanong ni Irene sa tunong nakikiusap.

“Yeah, wha… what is it?”