Love story, romance novel written in Tagalog

Friday, September 26, 2008

Nobelang Tagalog: Page 40

tinututulan ng kanyang nararamdaman para sa kasintahan. Hindi niya pinapansin ang mga sinasabi ni Hernan tungkol kay Irene.
Hindi na pumasok pa ng library si Hernana kaya iniwan na siya nito. Sa loob ng library habang siya’y nakaupo, binuksan niya ang cell phone ng dalaga. Sa phone book ay napansin niyang hindi nakasulat ang kanyang pangalan doon at ang mga message nito’y pawang nakapangalan kay Jerick, Brandon at iba pang pangalang hindi niya kilala. Napansin rin ni Josh na iba ang sim na nakasalpak, hindi iyon ang kadalasang ginagamit ng dalaga kaya wala doon ang kanyang pangalan at mga message. Ngunit bakit nandoon ang pangalan ni Jerick?
Kunti lang ang tao na nandoon sa silid ng library, pagkakataon upang makapag-aral siya para sa pasulit mamaya. Ngunit sa mga oras na iyon ay hindi man lang siya nagkaroon ng gana upang magbasa sa kanyang lesson at sa isa sa mga librong nakahilera sa bookshelf na siyang paborito niyang basahin sa tuwing may bakanteng oras. Hindi man niya pinansin ngunit naguguluhan si Josh tungkol sa sinasabi ni Hernan sa kanya.




Chapter V


Oras na para sa pangalawang subject nila kung saan magkakaroon ng major exam. Nagsidatingan na ang mga kaklase. Ang kaninang bakanteng upuan ay okupado na ito ngayon. Lumingon siya sa bandang kanan kung saan nakaupo si Hernan na nakikipagkwentuhan sa kanilang mga kaklase.
Hindi mapalagay ang binata laging detretso sa labas ng pinto ang kanyang paningin. Bakante ang upuang nasa kanyang bandang kaliwa, ang upuan ni Jerick. Hindi ganoon ang pag-aalalang nararamdaman ni Josh sa tuwing absent ang kaibigan subalit sa kapag maging bakante rin ang upuang nasa kanyang harapan ay hindi na ito normal para sa kanya.

Nobelang Tagalog: Page 39

“Tapos na, magdamag nga ako kagabi eh,” tumawa si Hernan, “Magdamag sa paglalaro ng computer games.” Natawa na rin si Josh sa sinasabi ni Hernan, ang isa sa makukulit din niyang kaklase. Patuloy sa paglalakad ang dalawa.
“Maiba tayo Josh,” wika ni Hernan na natigil sa kakangiti. “Gaano mo kamahal si Irene?” Hindi sumagot si Josh. “Alam kong napakahalaga sayo si Irene at ‘di mo yan pwedeng ilihim sa akin dahil halata na kayo sa buong klase. At isa pa, halos magkapareho kayo ng scores sa tuwing may mga pasulit tayo. Napansin ko rin na kahit absent siya, mayroon pa ring naipasang assignment.”
“Natural lang ‘yon dahil magkaibigan kami,” pangatwiran ni Josh. “At dahil isa siya sa best friend ko, oo, mahalaga siya sa akin,” dagdag niya.
“Okay, karapatan mo yan na hindi sasabihin sa akin ang totoo. Tama man kami o mali, isa lang masasabi ko sayo. Pare, payong kaibigan lang, h’wag ka sanang magalit,” napahinto si Hernan. Huminto rin si Josh sa paglalakad. Lumingon ito sa kausap. Napapansin niyang seryoso si Hernan. “Kung nakakabuti sa akin, walang dahilan para magalit.”
“Kilala kita Josh, isa kang matalinong tao, at alam ‘yan ng lahat. Napakaswerte ni Irene na naging malapit sa ’yo. Nakita namin kung paano mo siya pinapahalagahan. H’wag mong ibigay ang lahat, magtira ka naman kahit kunti man lang para sa sarili mo. Maraming humahanga sa kagandahan niya, pero sa tulad kong kapitbahay niya,” umiiling si Hernan, “Not all glitters are diamond Mr. Santillan.”
“At bakit mo ‘yan nasabi?”
“Simply lang, dahil kilala ko siya. Magkalapit lang ang bahay namin. Nasabi ko na, ‘wag mong isipin na nakialam ako sa inyong dalawa, at lalong hindi ko sinisiraan si Irene, kung hindi, gusto ko lang imulat ang iyong mga mata.”
“Gaano ba siya kasama para sa’yo.” Wika ng binata na sinasabayan lamang ang mga sinasabi ni Hernan.
“Ayaw kong maghusga ng kapwa, dahil isa rin ako sa makasalanang sinasabi nila. Matalino ka, time will come at malalaman mo rin ang totoo. Let us see kung ano ang masasabi mo.”
Bumalik sa isipan ni Josh ang mga nakapanibagong kilos ni Irene noong nakaraan. Mga kilos na ‘di niya inaasahang magawa ng dalaga. Ngunit pilit itong

Nobelang Tagalog: Page 38

naiwan ni Irene ang kanyang cell phone dahil sa sobrang pagmamadali hindi na namalayan nito na may nakaligtaang gamit.
Kinuha ito ni Josh at ibinulsa lang muna dahil humahapdi na ang kanyang tiyan sa gutom. Ngunit habang kumakain ay ‘di niya inaasahang tumunog ito. Tiningnan ni Josh kung sino ang tumawag. Brandon ang pangalang naka-display sa LCD ng cell phone. “Sinong Brandon?” sa isip niya. Sagutin na sana niya ito, ngunit naisip niyang baka magalit na naman sa kanya ang dalaga kapag nalaman nitong pinakialaman ang kanyang gamit kaya hinayaan na lang niya itong tumunog. Makailang beses tumunog pero natigil ito sa paglipas ng ilang sandali nang walang sumagot.
Sa kabilang dako, nag-aalala ng husto ang ina ni Irene dahil anong oras na ngunit wala pa rin ang anak. Nakailang beses na rin siyang tumawag sa cell phone nito pero hindi niya makontak ang dalaga. Lalong nanghina ang katawan ni Martha lalo na ngayong umuwi na ng probinsya ang kanilang katulong na si Cilia upang magbakasyon. Napadalas ang pag-iyak ng ina sa kanyang kalagayan. Halos hindi na umuwi pa ng bahay ang anak. Mahigit isang buwan na rin ang nakaraan buhat nang umalis ang asawa subalit hanggang ngayo’y hindi pa rin umuwi. Walang tawag kahit sa telepono man lang. Bagay na ikinasama ng loob ng ina.
Ang dami ng gamot na nakaimbak sa kanyang medicine cabinet noong nakaraang lingo ay hindi nagbago. Hindi na ito nabawasan pa at wari’y kinalimutan na ni Martha ang pag-inom sa mga iyon salungat sa payo ng doctor.
Sa school kinabukasan habang nagmamadaling naglalakad si Josh ay nasalubong niya ang isa sa kanyang mga kaklase at nalaman niyang walang pasok sa unang subject nila. Isang pagkakataon upang makapagreview pa siya sa susunod na subject. Papunta na sana siya sa library nang tawagin siya ni Hernan ang kaklase na kanyang nakausap ilang minuto pa lang ang nakalipas.
“Josh, sandali.” Lumingon ang binata. Si Hernan ang kanyang nakitang humahabol sa kanya. Huminto si Josh upang hintayin ang kaklase. “ Saan ba ang punta mo?” ani Hernan na humihingal. “Ang bilis mo namang maglakad.”
“Nagmamadali kasi ako para makapag-aral sa susunod nating subject. Nakapag-review ka na ba para sa pasulit mamaya?”

Nobelang Tagalog: Page 37

“Mine, hindi na ako pwedeng magtagal, kailangan ko nang umalis.” Nabigla si Josh sa naging disisyon ni Irene. Biglang nagbago ang lahat pagkatapos makausap ang tumawag sa kanyang cell phone kanina.
“Hindi ka na ba kakain”
“’Wag na, sa bahay na lang. Naghihintay na kasi si Mommy” balisa ang dalaga.
“Bakit may problema ba si Tita?” kinabahan si Josh dahil alam niyang may sakit ang ina.
“Guto mo, samahan na kita, wala naman akong gagawin ngayon.”
“Ha? ‘wag na. Magpahinga ka na lang mine, okay?”
Walang nagawa si Josh. “Okay, sandali lang,” dinukot nito ang perang nasa kanyang bulsa ng kanyang shorts at inabot ito kay Irene. Napangiti ang dalaga. “Akala ko ba nakalimutan mo na.”
“I am a man of my own word. Siya nga pala may major exam tayo bukas, huwag kalimutang pumasok.”
“Of cource mine, asahan mo. I love you mahal ko,” humalik muna ito kay Josh bago umalis. Ihatid na sana ni Josh hanggang sa akayan ng jeep ngunit tunmanggi ang dalaga. Sa ilang beses na raw niyang bumabalik sa lugar na iyon , alam na raw niya ang umuwing mag-isa pangatwiran ni Irene kay Josh. Ganoon pa man hindi mapalagay ang binata kaya lihim niya itong sinundan.
Nagtaka si Josh sa kanyang nakita nang dumeretso lamang si Irene at dinaanan lang nito ang terminal ng jeep na sakayang papunta sa kanila. Pagdating sa kabilang kanto mabilis itong pumara ng taxi, bagay na huling nakita ng binata. Sinundan pa iyon ng kanyang mga mata hanggang sa tuluyan ng naglaho sa kanyang paningin ang sinasakyang taxi ng dalaga. Sa isip ng binata ay napaka-importante ng lakad ni Irene dahil sa sobrang pagmamadali nito.
Bumalik na si Josh sa shop nang masiguro niyang nakauwi na si Irene. Nang nasa loob na si Josh, nakaramdam siya ng gutom kaya naalala niya ang pagkaing kanyang naihanda kanina bago umalis ang kasintahan. Isinara niya ang pinto upang hindi makapasok ang ingay na gawa ng paligsahan sa labas. Tahimik na ulit ang buong silid. Pumunta na sana siya sa kusina upang kumain nang napansin niyang may nakapatong na cell phone sa keyboard ng server kaya nilapitan niya ito. Tama ang kanyang hinala na

Nobelang Tagalog: Page 36

kanyang pisngi. Hindi niya alam ang kanyang nararamdaman sa tuwing dumarampi ang mainit na hininga ng dalaga sa kanyang pisngi.
Lumuwag ang mga braso na iyon sa paggapos sa kanya. Ngunit patuloy pa rin ang malayang mga halik ng dalaga. Napapikit ang mga mata ng binata at napaupo sa upuan nang humarap ang dalaga sa kanya. Hindi niya namalayang napayakap na rin siya sa malambot na katawan ni Irene.
Sumakay ang dalaga sa kandungan ni Josh kasabay ng pagdikit ng dibdib ni Irene sa kanyang dibdib. Hindi na nakaimik pa si Josh nang naramdaman niyang dumapo ang mainit na labi ng dalaga sa kanyang mga labi. Dahan-dahang bumaba ang kamay ni Irene sa pinakapribadong bahagi ng kanyang katawan.
“Wait, no…. ‘wag mine,” wari’y natauhan si Josh. Nagulat ang dalaga at napatigil ito sa kanyang ginagawa. “This is not the right time,” dagdag ng binata. Nakatitig sa kanya si Irene at halatang napahiya ito. “I’m sorry,” ani ng dalagang dahan-dahang tumayo mula sa pagkaupo nito sa kanlungan ni Josh. Inayos ang sarili. Niyakap siya ng binata.
“I’m sorry din. Sana maintindihan mo ako. Iingatan kita, upang kung sa sakaling hindi man maging tayo sa bandang huli, wala kang maisumbat sa akin. Hangga’t hindi pa tayo kasal, walang dahilan para gawin natin ang bagay na ito.”
“Nahihiya ako sa ’yo mine. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Pakiramdam ko, malaki na ang pagbabagong nangyari sa aking pagkatao. Hindi na ako ang dating Irene na nakilala mo.”
Napakunot ng noo si Josh. “What do you mean,” lumuwag ang kanyang pagyakap sa dalaga. Tinitigan nito ang lumuluhang mga mata ni Irene. Dahan-dahan niya itong pinunsan sa pamamagitan ng kanyang mga palad ang pisngi ng dalagang dinadaluyan ng luha. Hindi sumasagot ang dalaga sa tanong ni Josh, sa halip ay umiiling lang ito.
Pagkalipas ng ilang sandali, ay tumunog ang cell phone ng dalaga. Agad niya itong sinagot. Napapansin ni Josh na parang sekreto ang usapan nila ng taong nasa kabilang linya kaya hinayaan na lang ito ng binata. Pumunta itong kusina upang maghanda ng kanilang makain. Ngunit ilang minuto lang ang nakalipas nang sumunod sa kusina ang dalaga at dala na nito ang kanyang bag.

Nobelang Tagalog: Page 35

“H’wag na, maupo ka na lang d’yan at magpahinga.” Nagpupumilit pa rin ang dalaga. “Okay, your wish is my command darling.” Hinayaan niya ang dalaga na mag-ayos sa mga nakakalat na bond papers sa mesa.
Pumasok na ng kwarto si Josh para magbihis. Pagbukas niya ng ilaw ay sumalubong sa kanyang mga mata ang drawer na lagayan ng perang kita ng dalawa nilang shop sa loob ng dawalang lingo bago ito maidiposit sa bangko. Siya lang ang pwedeng magbukas nito dahil sa kanya lang pinagkatiwala ang susi ng drawer bago umalis papuntang ibang bansa ang kanyang kuya. Naalala niya ang hiningi ni Irene sa kanya. Nanghinayang ang binata sa halagang kukunin niya mula sa drawer na iyon. Naiisip niyang kahit siya mismo ay hindi nagawang kumuha ng ganong kalaking halaga para sa isang hindi tiyak na patutunguhan ng pera.
Binuksan ni Josh ang drawer. Napabuntong hininga ang binata. Kumuha siya ng halagang sinabi sa kanya ni Irene. Hindi niya lubos maisip na magagawa niya ang bagay na kailan ma’y hindi niya nagawa. Ganyan ba kalaki ang pagpapahalaga niya sa babae?
Pagkatapos magbihis ni Josh ay lumabas na ito ng kwarto. Lumamig ang buong silid. Nakabukas ang aircon pati ang server ay bukas din. Wala ang dalaga. Napansin ni Josh ang nakadisplay sa screen ng monitor, ang friendster ni Irene na kanyang ginawa noong bago palang silang magkakilala. Tiningnan ng binata ang mga pictures nilang dalawa na magkayakap. Kompleto pa rin ito at walang nagbago sa background na kanyang nilagay doon.
“Mine, nasaan ka ba?” ilang beses niyang sinambit ang pangalan ni Irene ngunit walang sumasagot. Naisip niyang baka lumabas ito, pero paano, hawak ng binata ang susi kaya ‘di mabubuksan ng dalaga ang pinto kung gustuhin man niyang lumabas. Puntahan na sana niya sa kusina nang may biglang yumakap sa kanya.
“Huli ka!” sinundan iyon ng mga halakhak ng dalaga. Ramdam ni Josh ang init ng katawan ni Irene na mahigpit na nakayap sa kanyang likuran. Nalalanghap niya ang mabangong buhok ng dalaga na tumakip sa kanyang mukha. Magkadikit ang kanilang mga pisngi. Muntik ng matumba ang dalawa.
“Mine, tigilan mo nga ‘yan, matumba tayo.” Nakiliti ang binata nang hinalikan ng dalaga ang kanyang batok at leeg. Patuloy ang paggapang ng mga labi ng babae sa

Nobelang Tagalog: Page 34

May bumabang pasahero kaya huminto ang bus. Nagising si Irene.
“Malayo pa ba tayo mine?” tanong niya sa binatang nakahawak sa kanyang kamay.
“Mga ten minutes na lang nandoon na tayo sa amin.” Bulong sa kanya ni Josh. Hinigpitan pa ng lalaki ang pagkahawak sa kanyang kamay at sinundan iyon ng isang mainit na halik sa kanyang pisngi. Pinikit ulit ng dalaga ang kanyang mga mata.
Sa likod ng kasiyahang nadarama ni Josh ay nandoon pa rin ang pagtatanong sa kanyang isipan. Ayaw din niyang pilitin ang dalaga na sabihin sa kanya kung saan mapunta ang perang hiningi sa kanya dahil ayaw niyang magalit na naman ito sa kanya.
Huminto ang bus. Ikalawa na ng hapon nang sila’y nakarating. Mula sa kanilang binabaan ay may ilang metro pa ang layo bago mkarating sa shop ng binata. Naglakad ang dalawa. Kahit maiinit pa ang araw ay ‘di na napansin pa ni Josh dahil sa lambing na pinakita at pinadama sa kanya ni Irene.
“Mine, gusto ko ngayong monthsary natin doon ta’yo sa bahay.”
“Hindi ba nakakahiya sa Mommy mo?”
“Trust me mine, okay? Walang problema si Mommy pagdating sa relasyon nating dalawa. Gusto nga niya na lagi kang bumibisita sa bahay para may makausap siya.” Napangiti lang ang binata dahil alam niyang hindi ‘yon mangyari sa kalagayan niya.
Malayo pa lang sila sa shop ngunit napansin na ni Josh na nakasara ang shop nila. Maingay ang paligid at maraming tao. Naalala niyang fiesta pala sa kanila. Wala si Jerome dahil may presentasyon sila sa school na kanyang pinapasukan. Magaling si Jerome sa larangan ng sayaw kaya lagi itong kasama sa kanilang grupo lalo na sa tuwing may okasyon tulad ng fiesta.
Dinukot ni Josh ang susi sa kanyang bulsa. Nang nakapasok na sila sa loob ay isinara ulit ito ni Josh ang pinto dahil alam niyang walang maglalaro sa araw na iyon. Madilim ang loob ng shop kaya agad nitong binuksan ang ilaw.
“Have a seat mine, aayusin ko lang ‘tong nakakalat na bond papers,” ani Josh sabay abot ng upuan sa dalaga.
“Ako na ang mag-ayos niyan, magbihis ka nalang muna mine,” inagaw nito ang mga papel na hawak ni Josh.

Nobelang Tagalog: Page 33

“Promise mine?”
“Promise, now, pwede ko na bang malaman kung ano ‘yong hinihingi mo?”
“Kailangan ko kasi ng pera. Mga limang-libo lang mine.” Nagulat ang binata sa kanyang narinig.
“Ha? Pero mine ang laki naman ng halagang ‘yan, ano bang bibilhin mo?”
“”Pwede bang ‘wag mo na akong tanungin pa, sabihin mo na lang kung may maibigay ka o wala ‘yan lang ang gusto kong marinig!” Napabuntong hininga si Josh habang kagat nito ang kanyang labi. Napaisip ng ilang sandali. Malapit na sila sa mall.
“Ano ba! Ang hirap mong kausap. Bibigyan mo ba ako o hindi, bababa na ako!”
“Sandali lang okay?” medyo napataas ang boses ni Josh.
“Manong pakitabi na lang po d’yan sa may kanto,” ani Josh sa driver ng taxi.
Naunang bumaba si Irene dahil nagbabayad pa ang binata ng pamasahe nila sa taxi.
“Lets go mine, nagbago na ang isip ko,” wika ni Josh matapos itong makababa sa taxi.
“Nagbago? Hindi mo na tutuparin pa ang promise mo kanina? ‘Di mo na ako bibigyan sa hinihingi ko sa ’yo, ganon ba?”
“Hay naku! Sino bang nagsabi sa’yo niyan?” bahagyang napangiti si Josh.
“Ang ibig kong sabihin, hindi na tayo matuloy sa Mall.”
“Bakit, saan tayo pupunta?” napatanong ang dalaga.
“Uuwi na doon na lang tayo maglunch sa shop namin. I’m sorry sa disisyon ko na ‘di na tayo matuloy pa sa Mall.”
“Hindi mo pa sinabi sa akin kung may maibigay ka ba sa akin o wla.”
“’Yan ang dahilan kung bakit kailangan nating umuwi ngayon kasi wala naman akong dalang pera dito,”
Tuwang-tuwa ang dalaga sa kanyang narinig. Ang kaninang masungit na mukha ay napalitan ng matamis na ngiti.
Sa bus na kanilang sinakyan pauwi ay gulong-gulo ang isip ng binata. Hindi man lang sinabi sa kanya ng dalaga kung ano ang gagastusan nito sa sa limang-libong hinihigni sa kanya. Pinagmasdan ng maiigi ni Josh ang mukha ni Irene na nakatulog sa kanyang upuan. Kailan ma’y hindi niya magawang tanggihan ang dalaga sa ano mang hihilingin nito sa kanya.

Nobelang Tagalog: Page 31

“Saan ba tayo? Ihatid mo na ba ako sa bahay? Ayaw ko pang umuwi” ani Irene na biglang naiba ang expression ng mukha at bigla itong nakasimangot.
“No, I mean, kakain tayo sa labas, sa Mall.”
“Sa Mall?” napatanong ang dalaga. Lumingon ito kay Josh.
“Yea, ‘di mo ba ako sasamhan?”
“Pero…” hindi na natapos pa ni Irene ang kanyang gustong sabihin nang naramdaman niyang hinawakan nang mahigpit ni Josh ang kanyang kanang kamay.
“Come on mine, wala kang dapat ikabahala.” Tumawag ng taxi si Josh. Huminto ang taxi sa kanilang harapan at agad namang binuksan ni Josh ang pinto upang makapasok si Irene.
“Saang Mall ba tayo?” habang tumatakbo ang taxi.
“Sa dating tagpuan.”
“Sa Mega Mall?”
“Yup!” ginapos ng kaliwang kamay ng binata ang dalaga kaya hindi na nito nagawa pang umilag sa nakaw na halik ng binata.
“H’wag ka ngang makulit mine, akala mo nakalimutan ko ang malaking atraso mo as akin.”
“Ang hindi pagsama sa’yo sa party?” hindi sumagot ang dalaga.
“Okay, aaminin kong mali ko ‘yon at isang uri ng pagkukulang. ‘Di mo ba ako mapatawad?”
“O sige, patawarin kita pero sa isang kondisyon”
“Kondisyon?” napakunot ng noo ang binata.
“At ano naman ‘yang kondisyon na yan?”naguguluhan si Josh. Sumandal si Irene sa kanya at nilapit nito ang kangyang mga labi sa pisngi ng binata.
“Alam mo mine, nahihiya sana ako sa’yo, pero… wala na akong ibang tao pang malapitan maliban sa ’yo na alam kong mabait at mapagkatiwalaan.” Hindi mintindihan ni Josh ang pinagsasabi ng kasintahan.
“So what is it?”
“Promise mo muna sa akin na pagbigyan mo ako.” Hindi masagot ang binata. Iniisip kung ano ang hihilinging ng dalaga sa kanya.
“Kung kaya kong ibigay bakit hindi?”

Page 31

Chapter IV


Hindi na nakasabay pa si Jerick sa tanghalian na sinasabi ni Josh dahil may tumawag sa kanyang sa cell phone at naghihintay na raw sa kanilang bahay ang nasabing tao. Kailangan na niyang umuwi.
Open si Jerick kay Josh sa ano mang lakad nito lalo na kung patungkol sa babae maliban na lang sa pagkakataong katulad sa mga oras na iyon. Matagal nang napansin ni Josh na may tinatago ito sa kanya ngunit ‘di na niya ito binigyan pa ng pansin.
Nais sanang pigilan ni Josh si Jerick upang makasabay ito sa lunch na kanyang pangako sa dalawa. Subalit mukhang napakaimportante ang lakad ni Jerick kaya hinayaan na lang niya. Sa kabila ng kanyang pagpigil sa kaibigan ay masaya siyang naging ganon ang nangyari parang sinasadya ng tadhana ang lahat para makasama niya si Irene.
Palabas na ng campus ang magkasintahan ngunit wala pa ring kibo ang dalaga at iniiwasan nito ang titig ni Josh sa kanyang mga mata.
“Umm… how’s my mine?” umpisa ni Josh habang naglalakad.