Love story, romance novel written in Tagalog

Wednesday, August 27, 2008

Nobelang Tagalog: Page 31

“Incridible! Ang galing…very impressive” napatawa si Jerick. Hindi pa rin kumikibo si Irene at wari’y walang narinig sa usapan ng dalawa. Pero alam ni Josh na naghintay lang si Irene na lapitan at kausapin niya.
Naudlot ang usapan ng magkaibigan nang mag-umpisa ang kanilang kasunod na klase. Tahimik ang lahat na nakinig sa lecture ng kanilang professor. Ngunit walang naintindihana si Josh sa kanyang narinig tungkol sa diskusyon. Sabik na siyamg matapos ang klase upang makausap ang dalaga. Napatitig siya ng madalas nito, sa halip na mag-jot down sa kanyang notes.

Nobelang Tagalog: Page 30

Bumalik sa kanyang upuan si Josh. “Great! You did it pare. Ang galing mo talaga…” kinamayan siya ni Jerick habang nakangiti sa kanya. Ngunit hindi man lang lumingon si Irene sa kanya at tila wala itong narinig sa usapan nilang dalawa ni Jerick. Gano man kalaki ang pagseselos na nasa kanyang loob ay nagawa pa rin nitong magkunwari kay Jerick at magpakita ng masayang mukha sa kaibigan.
“Kumusta…?” ani niya kay Jerick.
“Well, eto… okay lang kahit masakit pa ang ulo dahil sa inuman noong nakaraang gabi.” Sagot ni Jerick na bahagyang tumawang napakamot sa kanyang noo.
“Siya nga pala, pwede ba tayong magsabay kakain mamaya?”
“Aba! Yan lang pala… bakit hindi, basta libre mo kami…” tumawa ang kaibigan.
“Of course, magyaya ba ako kung hindi ko kayo libre?” napangiti si Josh. Ngunit wala pa ring imik ang dalaga.
“Oh, ano Irene… kanina ka pa d’yan na parang ang layo ng iniisip ah, may narinig ka ba?” kinukulit ni Jerick si Irene. Lumingon lamang ng bahagya ang dalaga kay Jerick. “Ano ba Jerick, ang kulit mo.” Wika ng dalaga. Tumatawa si Jerick habang kinikiliti nito si Irene hanggang sa ‘di nakapagtiis ang dalaga at tumawa na rin ito. Nanonood lamang ang nagseselos na si Josh sa dalawa.
“Kausapin mo nga ‘yang kaibigan natin Josh, kanina pa ‘yang walang imik.” Pangungulit ni Jerick. Kahit gusto ng binata na kausapin ang dalaga pero pinigilan niya ito dahil alam niyang hindi iyon ang tamang oras at lugar upang kausapin si Irene.
“So, kumusta ang pakiramdam?” wika ni Josh kay Jerick na halatang pinaparinggan nito ang dalaga. “Well, kung ako ang tatanungin mo, okay na ako, alam mo namang sanay ako d’yan… Ewan ko kay Irene kasi matagal ‘yang nagising kanina. Kung hindi ko ‘yan pinuntahan sa kanila, naku… hindi yan papasok.”
“Hinayaan mo na lang sana siyang makapagpahinga”
“Yon nga sana eh. Ako nga ang sarap pa sanang matulog… Eh paano ‘yong assignment natin para bukas, ‘di ko alam ‘yon kaya gusto kong magpatulong sa ’yo.” Napangiti si Josh.
“Everything is okay guys… eto na ‘yon, kayo na ang bahala.” Inabot ni Josh kay Jerick ang kanyang ginawang research paper para sa dalawa.

Nobelang Tagalog: Page 29

Kinabukasan sa klase naihanda na ni Josh ang kanyang mga visual aids para sa reporting sa umagang iyon. Nandoon na si Mr. Santiago ang kanilang professor sa subject na iyon. Ang matandang professor na mahigit dalawampung taon na sa pagtuturo kaya madali nitong malaman ang mag-aaral na hindi handa sa kanyang pinapagawa.
Nabaling ang tingin ni Josh sa dalawang bakanteng upuan sa bandang likuran ng klase. Wala pa si Jerick at Irene na kanina pa niyang hinihintay. Ika-walo na ng umaga at oras na para mag-umpisa ang binata sa kanyang pagrereport, ngunit wala pa si Irene. Kulang ang lahat para sa kanya kapag ‘di nito makita ang dalaga. Ilang sandali na lang at matapos na ang cheking of attendance ni Mr. Santiago at marahil ay magsimula na siya. Gusto niyang makausap ang dalaga tungkol sa kanilang lakad noong nakaraang araw at hihingi ng sorry dahil hindi siya nakasama sa party na pinuntahan nila ni Jerick.
“So, what’s the topic for this morning?” umpisa ng professor nila. Tumayo si Josh sa harapan, “ It’s all about Article III of the Philippine Constitution sir,” sagot ng binata. Umayos ang lahat sa pagkaupo at handa na itong makinig sa kanya. Naging malaya ang kanyang mga mata na matanaw ang kabuuan ng klase. Sa kanya ngayon nakatuon ang mga mata ng kanyang mga kaklase at ang bawat bibitawan niyang salita ay babalot ito sa katahimikan ng mga kaisipang nakikinig.
“Article III is all about people’s right,” umpisa niya. Ngunit naudlot ang diskusyon ni Josh nang biglang bumukas ang pintuan sa kanyang bandang kanan. Napatingin ang lahat sa dalawang pumasok sa klase. Si Irene at Jerick ang pumasok. “How sweet…!” bulyaw ng mga kaklase at sinundan pa iyon ng tawanan. Napangiti ang kanilang professor sa naging reaksyon ng kangyang mga studyante. Ngunit para sa binata, ito ang pinakamasaklap sa kanya. Paiba-ibang hilaw na ngiti ang gumuhit sa kanyang pisngi. Ngumiti lamang si Irene na tumingin sa kanya. Ang tawanan ng kanyang mga kaklase ay mas lalo pang lumakas. Pilit na pinapatuloy ng binata ang kanyang pagsasalita sa likod ng kanyang naramdamang pagseselos sa dalawa. Pilit niya itong itinago sa karamihan dahil walang dapat makakaalam sa relasyon nila ni Irene.
Maayos ang pagkapaliwanag ni Josh kaya wala ng masyadong nagtatanong pa pagkatapos ng kanyang report. Kalahating oras lang ang kanyang pagsasalita at natapos na ang kanyang report. Walang tanong ang kanyang matandang Prof. dahil maayos ang pagtalakay sa paksang kanyang binigay sa binata.

Nobelang Tagalog: Page 28

come across on your way?” ngumiti ng bahaya ang inang nakatitig sa kanya. Hindi nakapagsalita si Irene at namangha ito sa narinig.
“Mom, are you kidding?”
“No, I’m not…” napahinto ng sandali at huminga ng malalim, “I’m not kidding my beloved princess,” patuloy niya.
“Nagpatingin na naman ako sa doctor kahapon, at ayon sa findings niya ay mas lumala daw ang aking sakit.” Namutla at napanghinaan ng loob ang dalaga nang narinig niya ang sinabi ng ina. Alam niyang isa siya mga mga dahilan kung bakit nagkaroon ng ganitong sakit ang kanyang ina.
“Regular ka bang umiinom ng iyong gamot Mom?” wika niya habang hinahaplos ang likod ng ina. “Don’t worry Mom, walang mangyari sa’yo… Nandito ako, ‘di kita pababayaan.”
“Hindi pababayaan? Minsan ka na nga lang umuwi ng bahay dahil sa barkada mo. Noong nakaraang Sabado’t Linggo wala ka, kagabi, wala na naman. So what can I expect from you Irene… I saw my fate, one day, as I lay down on my bed, I will leave without your presence.” Hindi namalayan ng dalaga na tumulo na ang luha sa kanyang mga mata. Mahigpit nitong niyakap ang kanyang ina kasabay ng mga pangakong hindi na uulit sa kanyang pagsama sa barkada.
Mas dumami ngayon ang gamot na nakaimbak sa medicine cabinet sa kwarto ng kanyang Mommy at Daddy. Sa ibabaw ng mesa ay kapansin-pansin ang dyaryong nakabuklat at halatang tapos na itong nabasa. Isa pa rin sa mga tambak na isyu ang mga sundalong nagkaroon ng relasyon sa ibang babae bukod sa kanilang asawa. Kung saan ito nakadistino may asawa. Tinupi ito ni Irene dahil ‘di niya nagustuhan ang naturang isyu. Naalala niya ang kanyang ama na laging umaalis ng bahay na hindi nila alam ang totoong patutunguhan.
Mahimbing na nakatulog si Martha pagkatapos itong painumin ng gamot ng dalaga. Ayaw niyang mawala ang nag-iisang tagapagmahal at tagapagtanggol sa kanya sa tuwing pagalitan siya ng kanyang Daddy Arthur. Binantayan niya ito‘t doon na rin siya natulog as gabing iyon upang makasama man lang ng buong gabi ang inang uhaw sa kanyang pagmamahal.

Nobelang Tagalog: Page 27

niya ang boses ng Daddy niyang nagmamadaling pumasok sa kanilang kwarto ng Mommy niya. Bumaba ang ina. Tulad ng lagi niyang inaasahan na laging pumapawi ng kanyang sama ng loob sa tuwing pagalitan siya ng kanyang Daddy ang inang kailan ma’y lagi niyang kasama at handang umintindi sa mga pagkakamaling kanyang nagawa.
“Sa labas na ako magdinner ‘wag nyo na akong hintayin mamaya,” nakabihis ang amang mabilis nagpatakbo ng kanyang sasakyan palayo ng bahay. Napailing si Martha habang sinisilip sa bintana ng sala ang asawang papalayo sa kanila. Mabagal nang kumilos si Martha dahil nagkaroon ito ng sakit sa puso at pinagbawalan na siya ng doctor na magbuhat ng mabibigat at hangga’t maari ay iwasan ang malungkot at sobrang masaya.
Si Cilia ang kanilang katulong sa bahay ang nag-aasikaso sa lahat ng gawaing mabibigat sa bahay. May pera ang pamilya dahil bukod sa pagiging mataas na opisyal si Arthur sa Philippine Army, ay may malawak silang lupain sa Nueve Ecija na namana ni Martha mula sa kanyang mga yumaong mga magulang. Malaki ang bahay nila ngunit dalawa lang madalas ang tao nito dahil ngayong nakabalik na si Irene sa Manila ay barkada na naman ang punta nito lalo na nang nakilala niya si Jerick.
Nandoon pa rin ang sabaw sa mesa na hinain ni Cillia na kanina’y maiinit ngunit ngayo’y kasing lamig na ng nararamdaman ng kanyang mga magulang sa isa’t isa. Matagal ng ganyan ang kanyang Mommy at marahil ay sanay na rin itong ‘di makausap ang asawa kahit ngayong wala na ito sa serbisyo. Kung umalis ng Biyernes ng gabi, Biyernes na rin ng gabi ito darating. Kinikimkim ng ina ang lahat ng sama ng loob dalawampung taon na ang nakalipas.
Nabunutan ng tinik ang dalaga nang umalis ang amang ilang taon lang niya nakasama sa bahay kung tutuusin. “Mom, are you okay,” wika niya sa inang nakatitig sa larawan ng kasal nila ng kanyang asawa na nakasabit sa wall. ‘Di niya inaasahang may namumuong luha sa mga mata ng kanyang ina at umiiling ito at sinundan iyon ng mga buntong hininga.
Sa halip na kakain ay nawalan siya ng gana kaya sinamahan na lang nito ang kanyang Mommy sa kanilang kwarto ng Daddy niya. “Where will you be tomorrow if I’m gone? Can I rely you to manage yourself without expecting any helping hand to

Nobelang Tagalog: Page 26

kapag sinabi niya ito kay Jerick, ay marahil magtaka ang nahuli kung bakit pa nya kailangang gawin ang itago ang lahat kay Josh sa katutuhanang alam ni Jerick na magkaibigan lang silang dalawa ni Josh.
Lumabas ng kwarto ang dalaga pagkatapos mag-ayos ng sarili. “Mabuti nama’t lumabas ka na. Kanina ka pa hinihintay ng iyong ama sa baba dahil gusto ka niyang kausapin.” Kinabahan si Irene nang marinig niya ang sinabi ng kanyang Mommy na kausapin siya ng kanyang Daddy. ‘Di na ito nakipag-usap pa’t dumeretso sa baba ng sala.
Nasa kalagitnaan pa lang siya ng hagdan ay napapansin na niya ang kanyang amang nakaupo sa sofa. Kapansin-pansin pa rin ang matipunong katawan nito kahit matanda na. Magbago ang paligid ni Irene kapag umuwi ang ama galing trabaho. Isang taon itong hindi umuwi ng bahay galing Mindanao, isang taong malaya sa lahat niyang gagawin ang dalaga. Ngunit nagayong retiro na ang ama sa pagiging sundalo’y katapusan na ng lahat niyang kasiyahan.
Kasindak sindak ang mukha ng ama nang ito’y humarap sa kanya. “Saan ka galing?” halos ‘di makakibo si Irene nang marinig ang boses ng Daddy niya. Hindi na ito bago para sa kanya noong panahong bata pa siya’y talagang ganyan na ang kanyang pagkakilala sa taong nasa kanyang harapan ngayon. Nakinig lamang ang ina sa may itaas ng hangdan at alam niyang handa ito sasalo sa galit ng kanyang Daddy tulad ng lagi niyang inaasahan mula pa noong bata pa siya.
“D-dadd”, nanginginig ang dalaga, “G-galing po sa kaibigan ko,” wika niya. Alam niyang may mga kasunod pa itong mga katanungan tulad ng “Anong ginawa ninyo doon? Sino ang kasama mo nang umalis ka ng bahay? Ngunit hindi nangyari ang inaasahan nang tumunog ang telepono. Tumayo ito at agad tinungo ang telepono. Mahina ang boses habang ito’y nakipag-usap ng taong nasa kabilang linya. Hindi na rin ito bago para sa kanya dahil mula pa noong bata pa siya’y marami na itong tinatago sa kanila ng Mommy niya. “Tungkol sa trabaho, at walang ibang dapat makakaalam” katagang laging bukambibig ng ama sa tuwing ito’y lumalabas ng bahay kahit hatinggabi. Naiintindihan ng ina ang asawa kaya hindi na ito nagtatanong pa. Hindi naman sila pinapabayaan nito kahit ilang araw itong hindi umuwi kahit wala itong duty.
Dumaan sa harapan ang amang nagmamadali paakyat ng hagdan at tinitigan lamang siya nito na para bang nagbabanta sa kanya. “I have things to do” dinig na dinig

Nobelang Tagalog: Page 25

“Hey! Look Jerick, akala ko ba naintindihan mo ako sa haba na ng panahong magkasama tayo? Sa tingin mo ba’y makakaalis ako dito? Alam mo bang naturing silda ‘tong silid na ‘to para sa akin tuwing weekends? ‘Ni paglabas para bumuli ng kung anu-ano d’yan sa labas ay ‘di ko magawa, sasama pa ako sa lakad niyong first and foremost, ay walang kwenta? Now give me atleast one concrete reason na maging dahilan upang samahan ko ka’yo sa lakad n’yo kagabi?” namumula ang binata at tila nabuhos nito ang lahat ng galit at inis na nararamdaman sa dalaga at sa kaibigang nasa kanyang harapan. Hindi makakibo si Jerick at nagulat sa mga sinasabi ng binata. Natahimik ang madaldal na Jerick at parang nabasang sisiw na nakaupo sa tabi ni Josh. Natahimik ang paligid at naghintay lamang si Jerick na magsalita si Josh na noon ay panay ang buntong hininga.
Ilang minuto ang nakalipas, dahil hindi sanay magtampo ang binata sa sobrang bait nito’y naghingi ng patawad sa kaibigan. Hindi niya magawa ang hindi makipagkibuan kay Jerick dahil kahit papaano’y may pinagsamahan silang dalawa. At isa pa, walang batayan ang kanyang pagseselos sa kaibigan kung pagseselos man ang kanyang nararamdaman na puot sa kanyang dibdib. Alam niyang ‘di pa kumakain ng tanghalian si Jercik kaya inanyaya niya itong kumain.
Wala pa ring kibo si Jerick habang kumakain at sa isip niya’y bakit ganoon na lamang ang naging reaksiyon ni Josh nang nalaman niya ang nangyari tungkol sa lakad nila ni Irene kagabi. “May relasyon kaya sila?” sa isip lamang niya dahil hindi siya sigurado. Ano kaya ang maging reaksyon niya kapag malaman niyang totoo ang kanyang hinala na may relasyon ang dalawa?
Masakit ang ulo ni Irene nang ito’y nagising dahil sa katok ng pintuan ng kanyang kwarto. Nag-alala ang ina dahil hindi pa ito kumain ng agahan at anong oras na’y ‘di pa lumalabas sa kanyang kwarto. Tulala ang dalagang nakaupo sa kanyang higaan. Hindi niya maalala kung paano siya nakarating ng bahay sa sobrang lasing. Si Jerick, siya ang naalala niyang kasama sa party at naisip niyang ang binata rin ang naghatid sa kanya pauwi ng bahay.
Ngunit biglang natauhan ang dalaga nang maalala niyang hindi dapat malaman ni Josh ang tungkol sa kanilang lakad kagabi. Agad nitong tinawagan si Jerick upang pagsabihang hangga’t maari ay hindi ipaalam kay Josh ang tungkol sa kanilang lakad dahil alam niyang magagalit ito sa kanya. Subalit ay nagdalawang isip ang dalaga dahil

Nobelang Tagalog Page 24

Abalang-abala ang walang tulog na si Josh sa paggwa ng kanilang report para
sa klase kinabukasan. Gumagawa ito ng visual aid bilang isa sa mga requirements ni Mr. Santiago ang kanilang Prof sa Political Science class. Dahil araw ng Linggo, ay punong –puno ang kanilang shop kaya natagalan ang binata na tapusin ang kanyang ginagawa.
“Too much work, makes Peter lazy.” Nagulat si Josh nang marinig niya ang boses na iyon. Lumingon ang binata at si Jerick ang kanyang nakita na nakangiti sa kanyang likuran. “Hey, whats the matter?” huminto ang binata sa kanyang ginagawa at niligpit nito ang mga papel na nakakalat sa mesa. “Napaaga ka yata sa pagpasyal Jerick?” wika niya habang binibigyan ng upuan si Jerick. “Ha, ha, ha, maaga pa ba sa’yo tong tanghaling tapat?” tumawa si Jerick.
“Umalis ako ng bahay. Sino ba namang makakatulog habang binabalot ka ng sermon. Pabalikbalik parang ‘di nakakaintindi ang kinakausap. Hay naku, oh, ano Josh kumusta ka na?” pinagmasdan lamang ni Josh si Jerick at unti-unti nitong nakilala ang totoong pagkatao.
Walang gana si Josh na makipag-usap sa kaibigan lalo pa’t wala itong tulog. Nakikinig lamang ito sa mga kwento ni Jerick tungkol sa lakad nila ni Irene noong nakaarang gabi. Ayaw na ayaw sana ni Josh na pag-usapan nila ang mga bagay na iyon dahil naiinis lang siya sa tuwing maalala niya si Irene at ang lalaki sa kanyang harapan ngayon, ay siya pang binabalikbalik ni Jerick sa kanyang pandinig.
“Ibig mong sabihin, lasing na lasing si Irene kagabi?”
“Ewan ko sa babaeng ‘yon, malakas palang uminom? Wari’y sanay sa inuman. Sayang Josh, kung nandoon ka lang kagabi, siguro maenjoy ka rin lalo na’t kasama mo siya.”
“Ganon ba? Anong oras na ka’yo nauwi? I mean, magkasabay ba kayo?”
“Maiwanan mo ba ang kasama mong ‘di na malakad?”
“What?” kumunot ang noo ni Josh at halos magkasalubong ang dalawang kilay nito. “Oo, kaya hinatid ko na lang siya hanggang sa kanila. Hay naku, ‘di ko inaasahang magbuhat ako ng lasing kaninang madaling araw. Ang bigat!” napailing si Josh sa sinabi ni Jerick. Matagal bago nakapagsalita ang binata.
“Nagtatampo yon sa’yo, bakit kasi ‘di mo siya sinamahan…”