Love story, romance novel written in Tagalog

Monday, July 14, 2008

Nobelang Tagalog:Page 23

computer mo. Mas binigyan mo pa sila ng panahon kaysa sa akin. Okay fine! ‘wag mo akong problemahin ayos lang kami ni Jerick… mabuti pa siya may panahon para sa akin na kaibigan niya. Hindi tulad mo!”

Magsalita pa sana si Josh ngunit pinutol na ni Irene ang linya. Sinubukan niyang tawagan ngunit nabigo ang binata dahil naka-off ang phone ng dalaga. Batid ni josh na galit sa kanya si Irene. At ngayon lang nalaman ni Josh na umiinom pala si Irene. Mahilig sa party, sa mga sosyal na lugar. Siguradong lasing iyon pag-uwi. Sino ang aakay sa kanya sa paglakad? Sa pagsakay ng taxi at ang maghahatid sa kanya hanggang bahay nila. “She doesn’t understand my sintuation. My God, what is she doing right now?” Hindi siya dapat mag-alala dahil nandoon naman si Jerick ang kanyang best friend sa college, pero iba ang pakiramdam ng binata habang kasama nito si Irene.

Sumikat na ang araw at masakit ang sinag nito na pumasok mula sa bintana ng kanyang kwarto. May napapansin kaya ang tulad niyang kanina pang nakatitig sa monitor ng kanyang laptop at ang paghiga’y di man lang naisipan?

Samantalang si Irene ay tulog na tulog at wala pa sa sarili nang gisingin ito ng kanyang ina para kumain. Galit na galit ang kanyang ama nang nalamang umaga na dumating ang anak. Ngunit dahil tulog sa sobrang lasing nang umuwi ay ‘di na ito nakausap pa ng ama. “Bumalik na naman ‘yang anak mo sa barkada ha, sabihin mo sa kanya kung ano ang gusto niya sa buhay niya!” galit na wika ni Arthur sa asawa habang pinupunasan nito si Irene. “Ano ka ba Arthur, ngayon lang ‘yan kasi may party ang kaibigan niya kagabi,” pangatwiran ng inang nais ipagtanggol ang anak sa maling nagawa.

Kung hindi lang dahil sa barkada ay patapos na sana ang dalaga sa pag-aaral. Isang taon itong nahinto dahil sa galit ng ama nang nalaman nitong hindi pala pumapasok si Irene sa school. Natuto itong magbisyo at sumama sa barkada hanggang sa napabayaan nito ang pag-aaral. Bilang parusa ay ipinadala siya sa probinsya ng kanyang ama kasama ng kanyang ina. Isang taon itong di nakabalik ng Manila.

Lahat ng gusto ng dalaga’y ibibigay ng kanyang ina kaya kinausap niya ang kanyang Mommy dahil gusto niyang mag-aral ulit kaya binigyan siya ng isa pang pagkakataon ng kanyang ama. Mga bagay na tinatago ng dalaga kay Josh dahil nahihiya siyang malaman ng binata ang kanyang mga ginagawa noon.

Nobelang Tagalog:Page 22

ganang pumasok pa kaya umuwi na rin ito. Tumawag si Jerick sa kanyang cell phone at nagtanong kung bakit hindi na siya bumalik pa sa klase. Nagkunwaring masakit ang kanyang ulo kaya umuwi na ito.

Ilang beses na siyang nagpadala ng text messages pero wala man lang reply kahit isa. Halos hindi makatulog si Josh sa pag-iisip na nagtampo sa kanya si Irene. Ayaw niyang magalit sa kanya ang dalaga. Ilang beses na ba siyang tumawag? Sa telepono katulong ang sumasagot, ayaw namang sagutin sa cell phone.

Wala ng nagawa pa si Josh kung hindi ang maghintay sa susunod na mangyari. Kasabay sa ritmo ng orasan ang bawat tibok sa kanyang dibdib. Hindi makatulog ang binata kaya naisipan niyang tawagan si Jerick, ngunit wala ring sumasagot nakailang tawag na rin siya.

Sabado ng gabi, ngunit sa mga oras na iyon ay ‘di man lang tumunog ang kanyang cell phone o di kaya’y ang telepono na kanyang hinihintay. Hindi niya alam kung natuloy ba ang sinasabing party na pinuntahan ni Irene. Sinubukan na naman niyang tumawag sa babae ngunit di pa rin niya ito makontak. Lumipas na ang hatinggabi, ngunit dilat na dilat pa ang mga mata ng binata. Pinilit niya ang makatulog ngunit laging bumabalik sa kanyang isipan ang dalaga. Tumayo ang binata mula sa pagkahiga upang kumuha ng tubig sa kusina. Subalit nahinto siya nang tumunog ang kanyang cell phone na nakalagay sa ilalim ng lampshade ng kanyang kwarto. Tumawag si Irene. Agad niya itong sinagot.

“Hello… mine, saan ka ngayon?” nag-alalang tanong binata.

“Saan pa eh di sa party.” Sa pandinig ni Josh ay lasing ang dalaga kaya mas lalong nag-alala ito.

“Oh my God! S-sinong kasama mo d’yan ha?”

“Sino pa bang ibang kasama ko kundi si Jerick. Alangan naman ikaw diba?”

“Anong oras ba kayo uuwi niyan?”

“Mamaya pa, nasa kalagitnaan pa lang ng program.” Nag-alala ng husto ang binata sa kanyang narinig.

“Saan ba kayo?”

“Sa Bay Walk. Bakit pupunta ka ditto? H’wag na Mr. Santillan, ‘wag mong iwanan yang pinakamamahal mong shop baka nakawin pa yan. Magsama kayo ng mga

Nobelang Tagalog:Page 21 Chapter 3

Chapter III

Sabado kinabukasan at may party na pupuntahan ang dalaga kaya nakiusap ito kay Josh na samahan siya. Ngunit sa kabila ng paglalambing ng dalaga’y tumanggi pa rin ang binata at sinabing ‘di siya makasama at inulit-ulit nitong pinaliwanag na hindi niya pwedeng iwan ang shop nila. Matagal ng alam ni Irene ang sitwasyon ng binata na kahit Sabado’t Lingo ay ‘di siya maaring umalis at iwanan ang shop. Bagay na lubhang kinalungkot ni Irene at nagtampo ito kay Josh. Hindi na ito pumasok sa klase at maagang umuwi. Sinundan ng binata dahil baka kung saan ito pumunta. Nilakad lang ni Irene ang bahay nila dahil medyo malapit lang ito sa school. Hindi alam ng dalaga na sinundan siya ni Josh. Nang matiyak na ng binata na sa bahay nila ang punta ni Irene, agad itong bumalik sa klase.

“Anong nangyari?” tanong ni Jerick sa kanya nang Makita nitong halos maligo sa pawis si Josh. “nasaan si Irene,” dagdag niya.

“Umuwi na.”

“Umuwi na? Bakit, ‘di ba siya papasok?”

“Ewan ko sa kanya. Nagtampo kasi ‘yon sa akin.”

“Nagtampo? Bakit?” namalayan ni Josh na mukhang nagtaka si Jerick at kakaiba ang expression ng mukha nito.

“Magpasama sana sa akin sa party bukas, alam naman niyang hindi ako pwedeng sumama at pinaliwanag ko sa kanya ang dahilan ngunit ayaw niyang makinig.”

“Gano’n ba? Bakit ‘di niya sinabi sa akin, kung ‘di ka pwede, nandito naman ako ah? Huwag kang mag-alala Josh, sasamahan ko ‘yong kaibigan natin bukas sa party niya.” Hindi nagustuhan ni Josh ang mungkahi ng kaibigan. Naiinis ito, gusto niyang tutulan at pigilan si Jerick at sabihing hindi pwedeng sumama kay Irene, ngunit ayaw niyang mahalata na nagseselos at baka maghinala pa si Jerick na may relasyon sila ni Irene kaya ‘di na lang ito kumibo.

Lumabas ng school si Josh dahil hindi ito mapalagay sa sitwasyon nila ng dalaga. Tumawag sa telepono, ngunit ang sumagot ay ang katulong nina Irene at sinabing ayaw daw makipag-usap ang dalaga sa kanya. Walang nagawa ang binata at nawalan ito ng

Nobelang Tagalog:Page 20

Balik sa shop, tumunog ang telepono at agad itong sinagot ni Josh. Basag na boses ang narinig ni Josh mula sa kabilang linya. Boses ng isang lalaki at parang lasing ito. Halos magkasalubong ang kilay ng binata dahil masakit sa tainga pakinggan ang boses na iyon. Kitang-kita ni Irene ang expression ng mukha ng kanyang kasintahang si Josh kaya lumapit ito sa kinatatayuan ng binata.

“Sino ‘yan mine?” tanong niya. Tinignan lamang siya ni Josh at patuloy itong nakikinig sa nagsasalita mula sa kabilang linya. Nanatiling nakatayo ang dalaga sa tabi ni Josh at hinihintay ang sagot ng kanyang katanungan. Hindi na nagsalita si Josh, pinakinggan lang nito ang kausap sa kabilang linya. Paglipas ng ilang minuto’y ibinaba ang telepono. Malalim na buntong hininga ang narinig ni Irene.

“Sino ‘yon mine?” inulit ng dalaga ang kanyang tanong sa binatang bumalik sa pagkaupo. “Wala… kaibigan yata ni Jerick hinahanap siya at parang lasing.”

“S-si Jerick? Diba umuwi na?”

“Oo nga eh, baka saan na naman ‘yong madaldal na iyon pumunta kaya ‘di nahanap ng barkada.”

“Pero, paano niya nalaman ang telephone number ninyo dito?”

“Matagal na kaming magkakilala ni Jerick at alam ng mama niya ang telephone number namin dito baka nagtanong ‘yong kaibigan niya sa mama ni Jerick.”

“Ano naman ang sabi ng lalaki sa ’yo mine?” usisa ng dalaga.

“Wala, may usapan lang daw sila ni Jerick pero ‘di dumating ang koneho kaya ‘yon tumawag dito.” Sagot ng binata.

“Teka lang, sino ba yang mine na tinukoy mo ha, kanina ka pa mine ng mine d’yan eh?” tanong ni Josh. Ngumiti si Irene sa kanya.

“Eh… s-sno pa ba kung ‘di ikaw.”

“Ako?” matamis na ngiti ang gumuhit sa labi ng binata.

“Oo, may iba pa ba?”

“Ang sweet ah,” ginapos ng yakap ni Josh si Irene.

“Mula ngayon, mine na itawag mo sa akin. Okay?”

“Okay… mine.” Sinundan iyon ng mga matatamis na halik ng binata. Larawan ng kasiyahan ang pagsasama ng dalawa ngunit nanatili pa rin itong sekreto sa mga mata na nakapaligid sa kanila.

Nobelang Tagalog:Page 19

Masaya si Josh nang natiyak na niya ang tunay na naramdaman ng dalaga na siya ang mahal nito at hindi si Jerick. Ngunit sa kabila ng pagiging masaya niya’y guilty siya sa kanyang pagseselos kay Jerick. Inamin niya sa sarili na galit siya kay Jerick dati dahil sa pagiging malapit nito kay Irene. Ngunit ngayong tiyak na ang lahat gusto niyang humingi ng patawad sa kaibigan pero hindi maari baka malaman ni Jerick na sila ni Irene at malabag niya ang kasunduan nila ng dalaga.

Sa klase kinabukasan ay late na nang dumating si Jerick namumula pa ang mata at parang wala pang tulog. Iba ang itsura kaysa sa dating porma nito. Amo’y alak at ang kahapo’y madaldal na Jerick ay tahimik ngayon at mukhang wala sa kanyang sarili, nakatunganga ito at lagging blanko kapag kinakausap ng mga kaibigan.

Tapos na ang klase pero di ito batid ng isang tulog na si Jerick. Nagalala ang dalawa at nagtaka sa pinkita ni Jerick sa oras na iyon. Tinatanong nina Irene at Josh kung anong nangyari sa kanya ngunit di ito sumagot ng maayos. Napainom lang daw siya dahil birthday ng kaibigan niya kahapon. Walang nagawa ang dalawa kung di ang samahan si Jerick sa may sakayan ng jeep pauwi sa bahay ng binata. Hindi umalis ang dalawa hangga’t di nakasakay si Jerick sa jeep.

Naiwan ang dalawa at nakapagpasyang mamasyal muna sa mall bago umuwi. Masayang kumakain ng lunch ang dalawa sa food court ng Mega Mall. Manood pa sana sila ng movie ngunit di na natuloy dahil kinapos na sila sa oras kaya dumeretso na lang ang dalawa sa shop kung saan naghihintay si Jerome. Walang problema kay Irene at gusto pa nga nitong lagi siyang pumupunta sa shop nina Josh para makasama niya ito lagi.

Maghapong kasama ni Irene si Josh. Tinuturuan ng binata si Irene kapag mayroon itong hindi naintindihan sa kanilang lesson at ginawan ng assignments. Napakasweet ng dalawa magkasama man o hindi. Oras oras ay tumatawag si Josh kay Irene sa telepono. Nagpapaalala kung kumain na ba o hindi ang dalaga at lagging may kasamang “ingat, ‘wag mong pabayaan ang sarili mo” mga katagang lagging laman ng mga textmessages ni Josh.

Balik sa shop, tumunog ang telepono at agad itong sinagot ni Josh. Basag na boses ang narinig ni Josh mula sa kabilang linya. Boses ng isang lalaki at parang lasing ito. Halos magkasalubong ang kilay ng binata dahil masakit sa tainga pakinggan ang

Nobelang Tagalog:Page 18

ay naramdaman na naman niyang dumapo ang labi ng dalaga sa kanyang pisngi. Halos di makagalaw ang binata nang hinalikan ito ng babae. “I love you too Josh,” bulong ng labing dumapo sa kanyang tainga. “Alam kong nagseselos ka sa tuwing kasama ko si Jerick, pero kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. At wala ‘yon kumpara sa’yo, magaling lang ‘yon sa kalukuhan. Matagal ko ng alam na mahal mo ako, at napakasaya ko ngayon dahil sa wakas, nasabi mo rin ang matagal ko ng hinhintay na ipagtapat mo sa akin ang lahat,”dagdag ng dalaga.

Sa pagkakataong ito’y nagkaroon na ng katuparan ang pangarap ni Josh na mayakap ng mahigpit si Irene na matagal na niyang pinapangarap. At ang mga halik nito sa dalaga ay nagkaroon na ng kalayaan at nawala na ang selos na nagging dahilan ng puot sa kanyang dibdib.

Napagkasunduan ng dalawa na hangga’t maari ay itago nila ang kanilang relasyon ay manatiling lihim sa mga tao sa kanilang paligid pati kay Jerick. Napakasaya ng dalawa sa mga oras na iyon. Ngunit paglipas ng ilang minuto’y tumunog ang cell phone ni Josh, message mula sa kanyang kapatid na si Jerome. Nagtatanog kung bakit wala pa siya sa shop ikatlo na ng hapon. May pasok ang kapatid baka mahuli na ito sa klase. Kaya humingi ito ng paumanhin sa dalaga dahil kailangan na niyang umuwi. Naintindihan ni Irene ang lalaki kaya magkasabay na lumabas sa park ang dalawa at sinabayan sa sakayan ng jeep pauwi sa kanila. Hinatid muna ng binata ang dalaga hanggang bahay at pagtapos ay umuwi na rin ito.

Padabog na magsalita si Jerome at batid ni Josh na naiinis at galit ang kapatid dahil matagal siyang nakauwi. ‘di niya ito pinapansin sa halip ay kumakanta pa si Josh habang nagpalit ito ng damit. Nagtaka ang kapatid sa pinakita ng kuya nito. Ngayon lang niya nakitang lagging nakangiti ang kanyang kuya at kumakanta pa. Gusto man niyang magalit ay walang magawa kaya umalis na lang ito upang pumasok kahit late na sa unang subject.

Hindi mapakali si Josh ilang oras pa lang ang nakalipas ay namis na niya si Irene. Tinawagan sa telepono at tinatanong kung kumain na ba ang kanyang mahal. Gusto niyang lagi silang magkasama, kaya sa pagtulog ang pangarap ay bumilis na sana ang oras upang muli’y makita’t makasama ang dalaga.

Nobelang Tagalog:Page 17

Hindi naintindihan ng binata ang mga sinasabi ng dalaga. Naawa siya sa kanyang nakita dahil umiyak na ang babae. Dinukot ni Josh ang kanyang panyo sa kanyang bulsa at dahan-dahan nitong pinunasan ang bawat kumpol ng luhang dumaloy sa makinis na pisngi nito. Ayaw man ngunit hindi napigilan ni Josh na dumapo sa braso ni Irene ang kanyang mga kamay habang humingi ito ng patawad sa dalaga.

“I’m sorry kung medyo tumaas ang boses ko kanina. Sa totoo lang, hindi ko kagustuhan ang layuan ka, pero pakiramdam ko nabobored ka kapag ako ang kasama mo. Ngunit kapag si Jerick, masaya ka. Don’t worry masaya na rin ako ‘pag nakita kitang masaya.”

Patuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata ng dalaga. Hindi inaasahan ng binata na isandal ni Irene ang kanyang likod sa kanyang dibdib. Natigilan ang binata sa pagsasalita nang naramdaman nito ang init na nanggaling sa katawan ng babae. Ang hiya niyang naramdaman ay hanggang isip na lamang. Sa halip na iwasan ang mga gapos ng mga braso na iyon ay ‘di na niya magawa. Napayakap sa kanya si Irene.

“Oo, maaring lagi mo akong nakitang tumatawa kapag siya ang kasama ko, pero kahit kailan ay hindi ‘yon ang sukatan ng pagiging masaya ko, kung hindi, sukatan ng sakit kong naramdaman. Dahil sa tuwing kasama ko siya, lumalayo ka sa akin. Ngayon, sabihin mo sa akin kung bakit mo ‘yon ginawa?”

“Oo… ginawa ko ‘yon hindi dahil gusto kitang iwasan, kun’di, di ko kaya ang sakit kong naramdaman sa tuwing Makita kitang kasama mo siya at malambing ka sa kanya. Marahil ay ‘di mo ako maintindihan at natakot ako na kapag malaman mo ay iiwas ka na sa akin.”

“Bakit, ano ba ang hindi ko dapat malaman, at bakit naman ako iiwas sa’yo?” bahagyang lumuwag ang pagkayakap ng dalaga. Napabuntong hininga ang binata.

“I’m sorry…” wari’y nanginginig si Josh sa kabang dumurog sa kanyang dibdib.

“Sorry for what?” tanong ng babae.

“For loving you… mahal kita. But… but… its okay, wag mo ng bigyang pansin mga sinasabi ko okay? I mean… ahhhmmm… I know, di ako bagay sa’yo.” Namumula ang binata. Ngumiti si Irene sa kanyang reaction at ang mahigpit na yakap na iyon ay bumalik sa pakiramdam ni Josh at mas lalong hinigpitan pa ito kaysa sa dati. Mayamaya

Nobelang Tagalog:Page 16

Dapat bang magisip siya ng ganon sa kanyang kaibigan?

Kinabukasan sa loob ng klase, ay nahuling dumating si Josh. Nandoon na ang dalawa magkatabi. Pumasaok ang binata, tahimik, maamo ang mukha. Dumeretso sa likuran ng dalawa hindi man alng lumingon sa magkatabing Jerick at Irene. Napansin ng dalawa si Josh na dumaan sa kanilang gilid. Kaya pagkaraan ng ilang minuto lumapit ang dalaga sa kanya at umupo ito sa kanyang tabi.

“Uhhm, Jo… Josh, can I disturb you for awhile?” mahinong tanong ng dalaga.

“Bakit? May problema ba kayo ni Jerick?” makahulugang ngiti ang gumuhit sa pisngi ni Josh at tinitigan nito ang dalaga. Hindi maalis sa kanyang isip ang mga pangyayaring kanyang nakikita sa dalawa kaya sa loob-looban niya’y inis ang tanging laman.

Ngunit ganoon pa ma’y di niya matanggihan ang dalaga kaya nang breaktime na nila’y humiwalay si Jerick sa dalawa upang makapag-usap ng maayos sina Irene at Josh.

Sa may park sa labas ng school ay nakaupo ang dalawa sa ilalim ng punong acasia.

“So…? Any problem the two of you?” umpisa ni Josh habang humihinga ito ng malalim na tila walang ganang makipag-usap.

“We don’t have problem Mr. Santillan!”

“And then, why do we need to talk each other?”

“Alam mo Josh, nakakainis ka, di mo ba alam na… na…” di itinuloy ng dalaga ang gusto niyang sabihin.

“Na nainis ka sa akin? Hindi. Akala ko kasi ako lang ang naiinis sa sarili ko. At bakit ka naman naiinis sa akin, may nagawa ba akong mali sa’yo?”

“Meron! At hindi mo iyon napapansin dahil manhid ka!”

“What do you mean?”

“Pinapahirapan mo ako Josh…” wika ni Irene na namumula na ang mga mata palatandaan ng pagdungaw ng mga luha.

“Hindi ako ang manhid, hindi kita pinapahirapan…”

“Ang paglayo mo sa akin, nakakatuwa ba ‘yon? Akala mo ba na natutuwa ako sa tuwing umiwas ka sa aming dalawa ni Jercik ha…!” napabulyaw ang dalaga kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha at tuluyan na itong umiyak.

Nobelang Tagalog:Page 15

“Pero tol, kain ka muna bago ka umalis, maaga pa nman ah,” pilit ni Jerick sa kanya.

“Oo nga Josh, kainin mo muna yang pinabili mo sa amin sayang naman yan,” dagdag pa ni Irene.

“Di bale na lang, sa bahay na lang ako kakain,” tanggi ng binata.

“Oh segi na nga, hayaan na natin siya Jerick na makipagkita sa kanyang babae,” biro ni Irene.

“Kung meron man akong kadate, ikaw ang pinakaunang makakaalam,” wika ng binata sa dalaga habang nag-umpisang humakbang papalayo ang mga paa.

“Tol ingat…”

Hindi na nakinig pa si Josh, mabilis itong naglakad palabas ng mall. Naiwan ang dalawa dahil gustong mamasyal ni Irene kasama si Jerick.

Nasa labas ng ng mall si Josh nang tumunog ang kanyang cell phone, message galling kay Irene.

“Bakit mo kami iniwan? May problema ba? Ingat ka ha… I miss you”

Halos nahihimutok ang dibdib ni Josh sa inis nitong naramdaman. “Bakit mas masaya siya kapag si Jerick ang kasama,” tanong niya sa sarili. Naiinis siya kay Irene, kay Jerick, at sa kanyang sarili. Hindi natuloy ang nais niyang mangyari na magtapat na sana sa dalaga.

Sa shop, mabigat ang pagmumukha ng binata nang ito’y dumating. Nagtaka si Jerome kung bakit ang aga ng kuya niya para sa kadalasang oras ng pag-uwi nito. Kinausap ng kapatid, ngunit di sumasagot ang binata. Tahimik itong nakaharap sa computer. Hindi na lang pinakialaman ni Jerome si Josh at pumasok na lang ang kapatid.

Kaugalian na ni Josh na sa tuwing magalit ito o nagtatampo ay sumusulat ito ng mga composition na naglalaman ng kakaibang damdamin at reflection, galit, at imanihasyong naglalayon na maibsan ang puot na kanyang naramdaman.

Isa sa mga composition na iyon ay ang kanyang sinulat na; “The Human Curse” na nanalo sa compitition sa pagsusulat noong high school pa siya.

Ngunit sa mga oras na iyon, ay walang nagawa si Josh kung di ang maghintay ng message mula sa kanyang cell phone galling kay Irene. Hindi mapakali at kung anu-ano na lang ang pumapasok sa kanyang isip tungkol sa dalawa.

Nobelang Tagalog:Page 14

“Tol, ikaw na ang bahala n’yan, bumili ka ng makain natin kahit anong magustuhan mo ok lang sa akin,” ani Josh habang ibininalik ang wallet sa kanyang bulsa.

“Kahit ano? Wala atang kahit ano ditto ah, eh panu yan kung walang kahit ano?”

tawang-tawa si Irene sa kanyang narinig.

“Ok, hintayin n’yo ako rito bibili lang ng kahit ano,” wika ni Jerick habang patayo ito sa kanyang upuan.

“Teka lang sasamahan kita Jerick,” habol ng dalagang humawak sa braso ni Jerick. Hindi alam ni Josh ang kanyang naramdaman sa kanyang nakita. Magkasabay ang dalawa na bumuili ng pagkain samantalang naiwan si Josh sa upuan.

Hindi mapakali ang ang binata, dinukot nito ang kanyang cell phone at naglalaro na lang ito habang hinihintay ang dalawa. Matagal nakabalik sina Jerick at Irene, pero walang magawa si Josh kung ‘di ang hintayin ang dalawa kahit naiinis na ito.

Halos isang oras bago nakabalik ang dalawa. Malayo pa lang ay kitang kita na ni Josh na masaya ang dalaga habang kasama nito si Jerick. Bakit nasasaktan ang binata sa kanyang nakita?

“Josh, sorry ah, medyo matagal kaming nakabalik, si Jerick kasi ang daming kalukuhan kaya tuloy ‘di kami nakapagisip kung ano ang bibilhin,” ani Irene na nakangiting lumingon kay Jerick.

“Pasensya ka na tol ha, he, he, he, ang hirap kasing hanapin ng kahit ano eh,” tumawa ang dalawa. Ngumiti lamang ng bahagya si Josh kahit hindi nakakatuwa para sa kanya ang ginagawa ng dalawa.

Kumain na ang tatlo, ngunit tahimik pa rin ang binata. Nakahalata ang dalawa na mukhang may problema sa kanilang kaibigan kaya natigil sa kanilang kadaldalan.

Pagkaraan ng ilang minuto ay tumayo na si Josh at nagpaalam na umuwi hindi man lang kumain sa pinabili niyang pagkain. Soft drink lang ininum niya.

“Ah… pasensya na kayo ha, kailangan ko ng umuwi,” wika niya sabay suot ng kanyang bag.

“Sorry… but I have to go,” dagdag niya.

“Josh, may problema ba?” tanong ng naguguluhang si Irene.

“ Wala, ano kasi… ah,…ah… ah, oo may lakad kasi ang kapatid ko ngayon kaya hindi ako maaring magtagal,” pangatwiran niya sa dalawa.

Saturday, July 12, 2008

Nobelang Tagalog:Page 13 Chapter 2

Chapter II

Tuwang-tuwa si Irene sa mga jokes ni Jerick nang maabutan sila ni josh na nagkwentuhan sa canteen ng school. Naging malapit na kaibigan na rin ni Irene si Jerick ang best friend ni Josh dahil laging magkasama ang tatlo sa klase man o sa labas ng school. Sa lahat ng activities ay laging magkasabay ang tatlo at kapag may mawala isa man sa kanila ay nalulungkot ang grupo.

Samantalang si Josh habang tumatagal ay tumitindi ang kanyang nararamdaman para sa dalaga pero lihim niya ito kahit sa kanyang best friend na si Jerick. Natatakot siya na baka layuan siya ni Irene kaya hanggang sa mga oras na ‘yon ay di pa rin niya nasabi ang kanyang totoong naramdaman sa kaibigan.

Ngunit sa kabila ng lahat, sa kabila ng pagtatago ng binata sa kanyang nararamdaman ay hindi niya ito napigilan at sa di inaasahang pagkakataon ay nasabi niya ito. “Bahala na” ang tanging nasa isip niya. Hanggang kailan niya matitiis ang pagkukunwari?

Walang pasok sa last subject ang tatlong magkakaibigan. Maaga ang uwian kaya napag-usapan nilang mamasyal muna sa Mega Mall.

Halos maluha sa katatawa si Irene sa mga jokes ni Jerick, tahimik at walang kibo naman si josh na nakikinig sa dalawa.

“Tol, wake up! Nakatulog ka na yata d’yan eh…” panggulat ni Jerick nang makita niyang walang kaimik-imik si Josh.

“Josh, umm… may… problema ka ba?” mahinahong tanong ni Irene sa kaibigan.

“Wala, okay lang ako don’t worry,” sagot ng binata sa dalawa habang nakasandal sa upuan ng buss.

Patuloy sa pagkukuwentuhan ang dalawa hanggang sa dumating sila sa Mall. Bumaba na ang tatlo at dumeretso na sa food court upang kumain muna bago mamasyal. Ang saya ng dalawa, subalit ang di nila alam kung bakit walang kabuhay-buhay ang pagmumukha ni Josh.

Naghanap ng mesa ang tatlo at umupo. Dumukot ng pera si Josh mula sa kanyang wallet at ibinigay niya ito kay Jerick.

Nobelang Tagalog:Page 12

“Ang alin doon?” tanong niyang nagkukunwaring nakalimot.

“Ang last part ng sentence mo kanina,” paalala ng dalaga.

“Ah ‘yon ba, ang ibig kong sabihin, ay… magpaalam ka muna sa boyfriend mo bago ka pupunta dito baka magalit ‘yon sa akin,” pagtatapat ng binata.

“Boyfriend?”

“Yeah… boy friend mo. Mahal mo, or whatsoever you call him.”

“Hindi ko na kailangang magpaalam pa sa kanya,” tugon ng dalaga.

“Bakit? Nag-away ba kayo?” tanong ulit ng binata.

“Sino namang aawayin ko, eh… wala naman akong boyfriend,” pagtatapat ng dalaga.

“Ha, ha, ha, funny Miss Mendoza,” hindi napigilan ng binata ang mapatawa ng bahagya.

“Sa ganda mong ‘yan, wala? Hello, it’s imposible,” dagdag niya.

“Well, its up to you kung ayaw mong maniwala Mr. Josh Santillan, pero ‘yan ang totoo” ngumiti ang dalaga.

Tuwang-tuwa ang binata sa narinig ngunit ayaw niya itong mapansin ng dalaga dahil natakot siyang baka magbago ang pagtingin ni Irene sa kanya’t lalayo ito.

Maybe I’m just a friend for her,” wika sa sarili habang pinagmasdan ang dalaga.

Hindi nagtagal at natapos nila ang kanilang hinahanap na kailangan nila sa kanilang project. Kaya nagpapapgawa ng account sa friendster si Irene kay Josh. Agad naman itong ginawan ng nahuli. Matatanggihan ba niya ang dalaga?

Nalibang ang dalawa sa kanilang ginagawa kaya hindi na nila napansin ang paglipas ng oras. Gabi na, kaya hindi nagtagal at nagpaalam na si Irene upang umuwi. Sinamahan ito ni Josh sa sakayan ng Jeep at hinintay ng binata na makasakay ang dalaga bago ito bumalik sa shop nila.

Unang pagkakataong nakasama niya ang babaeng pinapangarap sa buong buhay niya. Hindi niya makakalimutan ang araw na ‘yon at ang kasiyahang kanyang nadarama.

Nobelang Tagalog:Page 11

“Ang sipag mo naman Josh. Ang swerte ng maging asawa mo.”

“Ha, hindi naman po ganon, kailangan lang talaga kaya ko ‘to ginagawa.”

“ Pumupunta din ba dito ang girlfriend mo?” tanong ng babae.

“Girl friend?” bahagyang tumawa si Josh.

“Oo, girl friend mo. H’wag mong sabihin sa akin na wala.”

“Exactly! I mean, wala pa yan sa isip ko.”

“Ganon ba? Ah… sorry for asking you that.”

“No, its okay, don’t say sorry.” Tumayo ang binata upang ligpitin ang kanilang kinakainan. Tumulong pa sana ang dalaga ngunit pinigilan ito ng binata.

Nang matapos na si Josh sa paglilinis, ay inanyaya na nito si Irene na mag-umpisa na sila sa kanilang gagawing research tungkol sa kanilang project.

Di masyadong marunong si Irene sa operation ng computer kaya laging nasa kanyang likod si Josh upang turuan ang dalaga. Sobrang kasiyahan ang nadarama ng binata habang kasama niya ang dalaga.

“Hindi ka ba nabobored dito?” tanong ni Irene sa binata habang tinuturuan siya nito.

“Sobra, pero walang magawa,’di ko naman maaring iwan ‘to,” tugon ni Josh.

“ Gusto mo lagi kitang pupuntahan dito?” alok ng dalaga. Nagulat ang binata sa kanyang narinig. Mas lalong gumaan ang kanyang pakiramdam nang sabihin ito kanya ng dalaga.

“Bakit hindi? Pero… kailangang magpaalam ka ng maayos sa Daddy at Mommy mo, at saka sa… sa…,” tumigil sa pagsasalita si Josh habang nagdodownload ng picture mula sa internet. “Ang ganda oh, gusto mo ba ‘to?” Tanong niya kay Irene. Nakita ni Irene ang picture na ‘yon, red rose, ang kanyang paborito. Gumuhit ang matamis na ngiti ng dalaga habang pinagmasdan ang rose na nasa monitor.

“Ang sweet ha, alam mo, paborito ko yan,” wika niyang lumingon ng bahagya sa binata’t muntik magkasalobong ang kanilang pisngi sa sobrang lapit nito.

“Pero ‘di mo pa natapos ang gusto mong sabihin kanina.”

“Ha?” sandaling napatigil ang binata habang inabot nito ang sukli sa kanyang customer na nagbabayad. Wala ng naglalaro kaya wala ng makakadisturbo sa usapan nilang dalawa. Bumulik sa pagkaupo si Josh.

Nobelang Tagalog:Page 10

“Mamaya na ‘yang mga tanong mo, kain muna tayo binibini… okay?” wika niyang nakangiti kay Irene. Hindi natapos ng dalaga ang gusto niyang sabihin dahil naunahan na ito ni Josh kaya kumain na lang ito.

“Bakit ka pa naghanda, eh busog pa naman ako kakakain ko lang ng lunch namin.”

“Iba ‘yong sa inyo’t iba rin dito sa amin. At saka, ayaw kong magutom ka,” pilit ng binata. Hindi kumibo si Irene sa sinabi ni Josh. Inabot niya ang isang basong juice sa dalaga at kumain na ang dalawa.

“Feel at home okay? Pasensya ka na dito ha… wala tayong maayos na mesa.”

“Sino ang may-ari nito?” habang kumakain ay nagsimulang magtanong ang dalaga.

“Kuya ko ang may-ari nito,” ani Josh.

“Ganon, kayo pala ang may-ari nito,” anya habang umiikot ang paningin sa paligid ng silid.

“Wow, ang sarap namang magkaroon ng ganito,” dagdag ni Irene.

“Eh di, magpagawa ka rin sa Daddy mo para magkaroon ka ng ganito,” mungkahi ni Josh. “Sana, pero mahirap ang may ganitong business kapag wala kang alam,” tugon ng nahuli.

“Kung sa bagay, may point ka rin,” sang-ayon ng binata.

“Hindi rin kasi ako madalas makalabas ng bahay kaya, ‘yon… ‘di ako makapagrent ng computer doon sa shop na malapit sa amin.”

“Bakit naman?” tanong ni Josh na may halong pagtataka.

“Strict masyado ang Daddy ko,”

“Ganoon ba,” sandaling napatigil ang binata. Napaisip na naman siya tungkol sa sinasabi ni Irene.

“Kapatid mo ba ‘yong nandito kanina?”

“Si Jerome, oo, kapatid ko ‘yon at siya ang nagbabantay nito tuwing may pasok ako sa umaga,” paliwanag ni Josh.

“Kaya ‘di ako pwede matagalan sa pag-uwi galing sa school. Sabado at Linggo, dito lang ako, ako kasi ang nagmamanage nito at siya naman sa kabilang shop namin,” dagdag niya.

Nobelang Tagalog:Page 9

isang anak nila.” Tumagilid ng bahagya si Irene sa kanya at nalalahanghap nito ang bango ng buhok ng dalaga na nadadala ng hangin at sumagi ito sa pisngi ng binata.

Hindi na makapagsalita pa si Josh ngayong magkalapit na ang kanilang mukha at dikit na dikit ang kanilang mga braso.

Tulad ng kadalasan, kalahating oras lang at nandoon na sila kina Josh. Sa pagbaba ng jeep ay pinaunang pinababa ni Josh si Irene at pagkatapos ay sumunod na rin ito.

“Malayo pa ba mula rito ang bahay n’yo Josh?” tanong niya sa lalaki habang tinatakip sa kanyang mukha ang kanyang panyo dahil mainit ang sinag ng araw.

Hinubad ni Josh ang kanyang sombrero at isinuot ito sa ulo ni Irene. Hindi tumanggi ang dalaga.

“Malapit na tayo,” sabi niya. Sumunod lamang si Irene kay Josh. May nakitang computer shop ang dalaga, at nang dumating sila sa tapat nito ay niyaya siya ni Josh na pumasok sa loob. Sumunod naman si Irene. Malawak sa loob ng shop at napakalamig nito. May ilang nagrerent, nagchahcat at ang iba naman’y naglalaro ng online games.

“Mabuti naman at nandito kana kuya, hinihintay na kasi ako ng mga kaklase ko sa school para sa practice ng sayaw namin,” wika ng binatilyong nakabihis sa may pinakadulo ng nakahilerang computers. Naguguluhan si Irene.

“Segi iwan mo na kami, ako na ang bahala rito. Maaga kang uuwi mamaya ha, magpatulong ako sayong maglipat ng unit dito may papalitan tayong monitor,” paalala ni Josh sa lalaking iyon habang binibigyan ng upuan ang dalaga.

Umalis na ang binatilyo, napalingon kay Irene at ngumiti lamang ito habang papalabas sa pinto. Kapansin-pansin ang pagkahawig ng mukha nila ni Josh.

Nawala sa paningin ni Irene si Josh kaya lumilingon ito sa kanyang likuran.

“May problema ba?” wika ng boses na galing sa kusina. Lumingon si Irene at si Josh ang kanyang nakitang may dala-dalang dalawang basong puno ng juice at tinapay na nakapatong sa malaking platter at palapit ito sa kanya.

“Halika, meryenda muna tayo bago tayo magresearch,” ani Josh at nilagay nito ang dalang platter sa maliit na mesa. Lalong naguguluhan ang dalaga sa kanyang nakita.

“Josh… sino ang…”

Nobelang Tagalog:Page 8

“Huwag mo naman akong tawaging po, pinapatanda mo ako eh,” bahagyang tumawa ang dalaga.

“Alright! Your wish is my command… Ms. Irene Mendoza.” Nagtawanan ang dalawa.

Mula noo’y naging close na ang dalawa at kahit saan magpunta si Josh ay kasama niya si Irene. Tinutulungan niya ang babae sa mga assignment nila, sa mga project at lagi na ring pumupunta ang binata sa bahay ng dalaga.

Araw ng sabado. Naisipan ni Irene na pumunta sa bahay nina Josh upang magpatulong sa binata magresearch hinggil sa kanilang term paper. Hindi niya alam kung paano pumunta sa bahay ng lalaki kaya tinawagan niya ito sa telepono.

“Hello good afternoon,” wika ng boses na nasa kabilang linya.

“Good noon din po, pwede po bang makausap si Josh?” tanong ng dalaga.

“Yes, speaking. Sino po sila?”

“Hi, si Irene to. Josh, pupunta sana ako d’yan sa bahay n’yo, okay lang ba?”\

“Sure! Segi. Pero… alam mo ba ang pagpunta rito?” tanong ng nahuli na halatang excited sa sinasabi ni Irene.

“Yan nga ang problema ko eh kasi ‘di ko pa alam.”

“No problem, hintayin mo ako d’yan at sunduin kita sa bahay ninyo,” ani Josh.

“Talaga? Segi, hintayin kita dito ha…” wika ng dalaga at ‘di nagtagal ay nagpaalam si Josh sa kabilang linya at nagmamadali para sunduin si Irene.

Kalahating oras ang nakalipas nang dumating si Josh sa bahay nina Irene. Handa na ang dalaga, kaya pagkatapos makapagpaalam sa ina ni Irene ay agad na silang umalis.

“Makailang beses na akong pumunta sa inyo, pero ‘di ko pa nakita ang Tatay mo,” tanong niya sa kanyang katabing si Irene habang nakasakay sila sa jeep.

“Lagi po kasing may lakad ang Daddy ko lalo na ngayong kakaretero lang niya sa trabaho,” tugon ng dalaga.

“Ah, ganon ba. Anong trabaho pala ng Daddy mo dati?”

“Isa siyang sundalo, Kapitan, pero wala na retired na siya.”

Natahimik si Josh pagkatapos niyang marinig ang sinabi ng dalaga. “Ganon ba? Ilan ba kayong magkapatid?” tanong ulit ng binata pagkatapos ng ilang sandali. “Ako lang mag-

Nobelang Tagalog:Page 7

“Tamang-tama. Kung okay lang sa’yo, sabay na lang tayong kakain,” anyaya ng binata. Sumang-ayon naman ang dalaga sa sinabi ni Josh kaya magkasabay ang dalawang bumaba mula sa library.

Umorder ng burger si Irene kaya sa halip na kanin, ay burger na rin ang inoorder ng binata at dalawang soft drink. Inabot niya ang isang bote kay Irene. Umayaw sana ang dalaga pero pinilit niya ito hanggang sa pumayag.

Umupo sila sa isang mesa at magkaharap ang dalawa. Walang imik si Josh at dahan-dahan nitong kinagat ang burger ng kanyang hawak. Gayon din si Irene, tila nagkahiyaan ang dalawa. Ilang minuto ang lumipas at hindi nakatiis ang dalaga at nagtanong ito kay Josh.

“Mag-isa ka lang ata ngayon, wala ba ‘yong kasama mo?”

“Si Jerick, ah… absent po siya kaya ako lang mag-isa.” Paliwanag ni Josh sabay kuha sa bote ng soft drink.

“Marunong ka po ba sa computer?” mahinahong tanong ni Irene.

“Medyo po,” nagmamadaling tugon ni Josh.

“Kung okay lang sana sa’yo, magpatulong ako doon sa gagawin nating research. Hindi kasi ako masyadong marunong sa computer.” Pakiusap ng dalaga.

“Yan lang po ba ang problema mo?”

“Opo. Kaya po pumunta ako ng library kanina para maghanap sana ng libro. Pero naisip ko kasi na mas madali kung nakabase sa internet.”

“Kung ganoon, don’t worry, I’ll help you.”

“Talaga po?”

“Yeah, tutulungan kita, promise!” wika ng binatang may ngiting gumuhit sa kanyang pisngi.

“Salamat ha,” masayang wika ni Irene at hinawakan nito ang kamay ni Josh na may hawak na soft drink. Nabigla ang binata at sobrang saya ang naramdaman ng nahuli.

“Wala pong anuman, basta ikaw,” ani Josh na hindi na naubos ang pagkain at ‘di alam ang gagawin.

“Umm… don’t be mad ha, pwede magrequest?” tanong ni Irene sa tunong nakikiusap.

“Yeah, wha… what is it?”

Nobelang Tagalog:Page 6

Marami pa sanang itatanong ang binata kay Irene ngunit nagsidatingan na ang kanilang mga kaklase kaya nahiya na itong magsalita pa. Tumahimik na lang siya habang hinihintay si Jerick.

Ngunit nagumpisa na lang ang talakayan wala pa rin si Jerick hanggang sa matapos ang klase. ‘Di pumasok ang best friend ng binata. Kaya nang mag-uwian na’y mag-isa na lang si Josh na lumabas at umakyat ito sa library upang magpalipas muna ng oras. Tuesday, kaya 5:00 pm pa ang pasok ng kapatid nitong nagbabantay sa kanilang shop. Walang problema kahit 4:00 pm na ito uuwi.

Tulad ng dati, lagi na naman siyang laman ng library ngayong may pasok na. Sa bandang dulo ng library, ay nag-iisa lang siyang nakaupo sa mesang iyon. Seryoso ang lahat sa pag-aaral kaya tahimik ang buong silid. Hindi namalayan ni Josh ang pagpasok ni Irene at lumapit ito sa kanya.

“Hi, can I join?”

“Yes… yeah,” tugon ng binatang nabigla sa kanyang nakita dahil hindi niya inaasahang pumunta din ng library ang dalaga pero wala na siyang magawa dahil nasa kanyang bandang gilid na si Irene.

“Have a seat please,” anyaya ng binata kay Irene at tumigil ito sa pagbabasa. Umupo ang dalaga sa tabi niya. Hindi malaman ni Josh kung ano ang kanyang naramdaman. Natutuwa na kinabahan ang binata.

“Ang galing mo kanina sa klase. Agad mong nasagot ang tanong ng prof natin,” wika ng dalagang may paghanga. Gumaan ang pakiramdam ni Josh at tila lumutang siya sa kanyang kinauupuan.

“Ha… ah… wala po ‘yon, ah… nag… nagkataon lang,” pakumbaba ng binata. Halos ‘di makahinga si Josh ng napansin niyang nakatitig sa kanya si Irene.

“Wow, ang humble huh,” ani Irene na ngumiti sa kanya. Hindi mapalagay si Josh at napadalas ang pagpunas nito ng kanyang panyo sa kanyang pisngi kahit ‘di ito pinapawisan.

“Something wrong,” tanong ng dalaga.

“Ha? Ah… wala po,” tugon ng binatang pilit tinatago ang naramdaman.

“Have you eaten your lunch?” tanong ni Josh na nais maiba ang usapan.

“Hindi pa po.”

Nobelang Tagalog:Page 5

Pagkatapos ng kanilang usapan ay bumalik ito sa harapan ng monitor, binuksan ang multi media player ng kanyang computer kung saan nakalagay ang kanyang mga paboritong kanta at pagkatapos ay pinagpatuloy ang kanyang ginagawa.

Gabi na kaya hininto niya ang kanyang ginagawa at oras na ng kanyang pagsasara. Minadali nito ang pagliligpit ng mga gamit sa shop upang makapagpahinga na’t makatulog ng maaga baka malate na naman sa pasok kinabukasan. Ayaw na niyang mangyari pa ulit ang nangyari sa kanya sa unang araw ng pasukan.

Kinabukasan, maagang gumising ang binata. Excited itong pumasok kaya maaga pa lang ay nandoon na ito sa kanilang classroom. Wala pang ibang tao doon kaya binabasa lang muna niya ang kanyang dala-dalang libro.

Maya-maya’y may pumasok. Si Irene. Nagkunwari na namang walang nakita si Josh at patuloy lang ito sa pagbabasa ng kanyang libro. Palapit na ng palapit ang dalaga sa kanyang kinauupuan. Ngunit patuloy pa rin siyang nagbabasa na parang walang nakita.

Umupo ang dalaga sa mismong upuan sa harapan ng binata at nakatalikod ito sa kanya. Dinukot nito ang suklay sa kanyang bag at di inaasahang malaglag ang kanyang pabango sa sahig at napunta sa may paanan ng binata. Napatigil si Josh sa pagbabasa at dahan-dahan niya itong pinulot. Nang naangat na nito ang ulo mula sa pagkayuko’y halos matunaw si Josh nang magkasalubong ang kanilang mga mata ni Irene. Kapansin-pansin ang matamis na ngiti mula sa mga labi ng dalaga. Inabot ni Josh ang pabango ng dalaga.

“Thanks ha…” wika ni Irine habang binalik niya ito sa loob ng kanyang bag.

“Its okay.” sagot ni Josh na nakaramdam ng kakaibang kaba sa kanyang loob.
“Umm, do you have friends here?” ani ng binata na di na makatingin ng diretsahan sa dalaga at nakayuko itong nagsasalita kunwari nagbabasa.

“Wala po”, sagot ni Irene. “Lumipat po kasi ako ng section”, dagdag ng dalaga habang sinusuklay nito ang kanyang buhok.

“Ganon po ba?” patango-tango ang binata.

“Ikaw, I’m sure marami kang kaibigan dito,” pasulyap sa kanya ang dalaga.

“Si Jerick lang, kasi dati ko na siyang kaklase last year at best friend ko,” paliwanag ni Josh.

“You mean, bagong lipat din kayo sa section na to?”

“ Exactly,” umayos sa pagkakaupo ang binata at napasulyap sa dalaga.

Nobelang Tagalog:Page 4

Pagdating sa shop kumain na ito agad ng lunch at nagmamadali upang pumalit sa pagbantay. May pasok ang kanyang kapatid na siyang nagbabantay tuwing umaga. Pagkatapos ng magbihis ng binata ay nagpaalam na si Jerome ang kanyang nakababatang kapatid upang pumasok. Siya na naman ang naiwan tulad ng inaasahan.

Hindi siya makalabas sa shop at makapagpasyal kahit sa araw ng Sabado at Linggo. Mula umaga hanggang abutin ng gabi ay nandoon siya na walang ibang kaharap kung ‘di ang mga computer.

Nabobored ang binata kaya naisipan niyang ifinalized ang librong kanyang sinulat noong high school pa lang siya. Sulat kamay pa lang ito kaya inumpisahan niyang i-encode sa computer ang mahigit dalawang-daang pahina ng kanyang libro. Pangarap niyang maging isang professional writer someday. Mahilig siyang magsulat mapatula man o nobela. English man o tagalog. Kaya noon pa man ay tuwang-tuwa na sa kanya ang kanyang teacher sa elementarya nang binigyan niya ito ng sample sa kanyang mga story.

Madilim na ang paligid ngunit nandoon pa rin siya nakaharap sa monitor kasama ng iilang nagrerent ng computer. Napatigil ng sandali si Josh nang tumunog ang kanyang cell phone. Si Jerick ang tumawag. Nagbalita sa mga nangyari habang nakipagmeet ito sa kanyang textmate kaninang tanghali.

“Oh, ano na koneho… anong nangyari sa pagtatagpo ninyo ng textmate mo?” pabirong tanong niya kay Jerick habang binitawan nito ang keyboard at tumayo papuntang kusina upang kumuha ng tubig.

“Tol, ang ganda! He, he, he, nakakaloka” pagmamalaki ni Jerick.

“Ha, ha, ha, loko talaga nito. Anong cource niya?”

“Nursing Josh… at super ganda!”

“Ganon ba? Eh ‘di… ayos pala ang lakad mo kanina?”

“Oo naman. Kaya kung ako sa ’yo, maghanap ka na rin ‘wag kang manatiling nakatunganga sa harapan ng monitor mo” sinundan ‘yon ng mga halakhak ng kaibigan. Hindi lamang umiimik si Josh habang nagpatuloy sa pagkwento si Jerick.

Bumalik sa isipan ng binata si Irene ang bago nilang kaklase. Pero ayaw niyang mahati ang oras sa kanyang pag-aaral dahil lang sa isang babae. Kaya ‘di na nito binigyan pa ng pansin ang mga sinasabi ng palabirong si Jerick.

Nobelang Tagalog:Page 3

Ang ganda niya kahit nakatalikod siya” wika sa sarili. Nag-isip na siya kung paano niya makausap ang dalaga. “May boyfriend na kaya siya?” tanong sa sarili kasabay ang buntong hininga. “Oo naman, imposibleng wala sa ganda niyang ‘yan.” Sa isip lamang. Ngunit nahihiya din si Josh kasi kaklase niya ito. Sa isip niya kung bakit pa sila magkaklase. Ngunit hindi ito binigyan ng mabigat na attention ng binata. “This is not what I want to do this today. This is silly.” Sumunod ang mga buntong hininga ng binata.

Ganon pa man ay naramdaman niyang masaya siya at nawa’y ‘wag na lang matapos ang klase. Subalit ang pangarap na iyon ay naudlot nang magdismiss na ang kanilang professor.

Uwian na para sa unang araw ng klase. Kailangang umuwi ng maaga ni Josh dahil magbabantay pa ito ng kanilang computer shop. May dalawang computer shop ang kanyang kuya at siya ang nagbabantay sa isa tuwing hapon. Kaya galing sa school ay dederetso na sa shop ang binata. Lagi itong maunang umuwi kaysa sa kanyang kaibigang si Jerick.

Tanghaling tapat kaya sobrang init. Sa labas ng gate ng school ay may mga punong-kahoy na malalaki. Nagpahinga muna ang binata at umupo ito sa bench sa ilalim ng puno. Malamig doon kahit nasa tabi ng highway.

Nagpahinga muna si Josh sa upuang nakaharap sa gate ng school. Mayamaya ay may napansin siyang babaeng lumabas sa gate. Si Irene. Nag-iisa lang itong naglalakad at segurado siya na sa kanyang harapan ito dadaan. Kunwari nagbabasa ng notes ang binata at nakayuko itong tila walang napansin. Nang nasa harapan na niya ang dalaga ay bahagya nitong inangat ang ulo at umayos mula sa pagkaupo.

“Hi… umm… u-uwi ka na ba?” Wika ng binata na halos ‘di maibuka ang bibig.

Napatingin sa kanya si Irine at bahagya itong ngumiti.

“Ha… ah…opo” sagot ng dalagang di man lang huminto sa kanyang paghakbang.

“Pwede bang sumama?” biro ni Josh sa dalaga. Hindi na sumagot pa si Irene at tuluyan itong lumalayo mula sa kanyang kinauupuan. Walang nagawa si Josh, tumayo na lang ito kasabay ng buntong hininga at nagpasyang umuwi. Agad itong pumara ng jeep at sumakay.

Nobelang Tagalog:Page 2

“Irene…oh ayan, baka sabihin mo na namang ‘di mo narinig ang sinasabi ko’t sapatusin na kita!” tumawa ng patago si Josh dahil baka makita ito ng bagong prof. nila.

“Irine? Umm…nice name huh!” wika ng binata kay Jerick na may halong biro.

Hindi natapos ang pagpapakilala ng bawat isa dahil inabot na ito ng oras.

Magkasabay na lumabas ang magkaibigang Josh at Jerick mula sa silid na yaon. May mahigit isang oras pa bago ang kasunod na klase ng dalawa kaya napagpasyahan nilang magsnack na lang muna sa labas ng school. Agad nilang tinungo ang dati nilang suking tindahan ng palamig upang bumili ng mainom.

Subalit sandaling napatigil si Josh nang makita niya ang papalapit sa kanila na babae. “Who’s that?” itinuro ni Jerick ang kanang kamay na may hawak na boco juice. “Tol, si… ano nga ba pangalan niya?” wika ni Josh na napakamot sa kanyang ulo. Hindi na nasagot ni Jerick ang tanong ng kaibigan dahil kaharap na nila ang babae.

Nahiya ang magkaibigan at walang nagawa kung ‘di ang tumabi upang makadaan ang dalaga. Nagkatinginan lang ang magkaibigan.

Bumili rin ng juice ang dalaga. At pagkatapos nito ay umalis na. Mag-isa lang siya at tila walang kaibigan. Samantalang maiging pinagmasdan ni Josh ang katawan ng dalaga habang ito’y papalayo.

“Perfect! Oh my God, I like her” wika sa sarili. Napapangiti si Josh. Hindi niya pinapakita sa kaibigan na nagustuhan niya ang babae. “So, where are we going now?” tanong ni Josh kay Jerick.

“I never was, and I never will be. I was not my father.”

“Ha, ha, ha, ha, old saying… and then?”

“Experience makes a good soldier.”

“Hay naku, ewan ko sa ’yo Jerick, lahat na lang ng bagay ay hinahaluan mo ng kalukuhan.” Namumula ang pisngi ni Josh sa katatawa. “Oh s’ya, ubusin mo na yang juice mo’t papasok na tayo.” Anyaya ni Jerick sa kaibigan.

Pumasok na ang magkaibigan sa klase. Pagdaka’y nandoon na halos lahat ang kanilang mga classmates. Balik sa dating upuan. Tahimik si Josh habang nakikinig sa mga kwento ni Jerick tungkol sa kanyang mga girl friends. Pasulyap at nakaw tingin si Josh kay Irene.

'Till My Last Breath Ends: Nobelang Tagalog

Chapter 1

Patakbong naglalakad sa pasilyo ng University habang nakatitig sa dala-dala niyang papel kung saan nakalagay ang kangyang schedule of classes. Ika-walo na ng umaga samantalang 7:30 ang umpisa ng kanyang klase. Agad nitong hinanap ang silid na nakalagay sa schedule.

Nasa pangalawang palapag ng gusali ang silid na iyon. Hindi nagtagal at nakita rin niya ang kanyang hinahanap. Room # 201 ang nakasulat sa itaas ng pinto na siya ring nakalagay sa schedule. Sarado ito at halatang nag-umpisa na ang klase. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at pumasok siya.

“Good morning sir”. Bumulabog ang kanyang tinig sa buong klase na noon ay nagpakilala sa isa’t isa. Napatingin sa kanya ang lahat lalo na ang kanyang professor na si Mr. Valdez. Nahiya ang binata kaya umupo ito sa bandang likuran ng klase.

Bago sa kanya ang lahat ng mga mukhang kanyang nakikita maliban na lang kay Jerick na dati na niyang kilala at best friend pa niya ito. Tuwang-tuwa ang dalawa dahil magkapareho sila ng schedule sa klase. Pabulong na nagkwentuhan ang dalawa kunwari’y nakikinig sa nagsasalita nilang kaklase.

Ang sumunod na tinawag ay ang nakaupo sa kanilang harapan. Di niya makita ang mukha sapagkat nakatalikod ito sa kanila. Tama lang ang katayuan ng babae, mahaba ang buhok na ang kulay nama’y Filipina ang dating. Nakinig ang lahat. Malumanay ang boses at medyo mahina kaya natigil ang kwentuhan ng dalawa upang marinig ang sinasabi ng babae. Bahagya itong lumingon sa likuran kung saan nakaupo ang dalawa. Habang nagsasalita ang dalaga ay bumulong siya kay Jerick, “ She’s cute”. Tumango lamang si Jerick na nakangiti.

Umupo na ang dalaga. Hindi maiwasan ni Josh ang mapatitig sa babae.

“What’s her name?” Bulong niya kay Jerick.

“ Hay naku, yan ka na naman. Iba kasi inisip mo kaya di mo narinig ang sinabi niya” pakli ni Jerick sa kaibigan.