kanyang pisngi. Hindi niya alam ang kanyang nararamdaman sa tuwing dumarampi ang mainit na hininga ng dalaga sa kanyang pisngi.
Lumuwag ang mga braso na iyon sa paggapos sa kanya. Ngunit patuloy pa rin ang malayang mga halik ng dalaga. Napapikit ang mga mata ng binata at napaupo sa upuan nang humarap ang dalaga sa kanya. Hindi niya namalayang napayakap na rin siya sa malambot na katawan ni Irene.
Sumakay ang dalaga sa kandungan ni Josh kasabay ng pagdikit ng dibdib ni Irene sa kanyang dibdib. Hindi na nakaimik pa si Josh nang naramdaman niyang dumapo ang mainit na labi ng dalaga sa kanyang mga labi. Dahan-dahang bumaba ang kamay ni Irene sa pinakapribadong bahagi ng kanyang katawan.
“Wait, no…. ‘wag mine,” wari’y natauhan si Josh. Nagulat ang dalaga at napatigil ito sa kanyang ginagawa. “This is not the right time,” dagdag ng binata. Nakatitig sa kanya si Irene at halatang napahiya ito. “I’m sorry,” ani ng dalagang dahan-dahang tumayo mula sa pagkaupo nito sa kanlungan ni Josh. Inayos ang sarili. Niyakap siya ng binata.
“I’m sorry din. Sana maintindihan mo ako. Iingatan kita, upang kung sa sakaling hindi man maging tayo sa bandang huli, wala kang maisumbat sa akin. Hangga’t hindi pa tayo kasal, walang dahilan para gawin natin ang bagay na ito.”
“Nahihiya ako sa ’yo mine. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Pakiramdam ko, malaki na ang pagbabagong nangyari sa aking pagkatao. Hindi na ako ang dating Irene na nakilala mo.”
Napakunot ng noo si Josh. “What do you mean,” lumuwag ang kanyang pagyakap sa dalaga. Tinitigan nito ang lumuluhang mga mata ni Irene. Dahan-dahan niya itong pinunsan sa pamamagitan ng kanyang mga palad ang pisngi ng dalagang dinadaluyan ng luha. Hindi sumasagot ang dalaga sa tanong ni Josh, sa halip ay umiiling lang ito.
Pagkalipas ng ilang sandali, ay tumunog ang cell phone ng dalaga. Agad niya itong sinagot. Napapansin ni Josh na parang sekreto ang usapan nila ng taong nasa kabilang linya kaya hinayaan na lang ito ng binata. Pumunta itong kusina upang maghanda ng kanilang makain. Ngunit ilang minuto lang ang nakalipas nang sumunod sa kusina ang dalaga at dala na nito ang kanyang bag.
Love story, romance novel written in Tagalog
Friday, September 26, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment