“Promise mine?”
“Promise, now, pwede ko na bang malaman kung ano ‘yong hinihingi mo?”
“Kailangan ko kasi ng pera. Mga limang-libo lang mine.” Nagulat ang binata sa kanyang narinig.
“Ha? Pero mine ang laki naman ng halagang ‘yan, ano bang bibilhin mo?”
“”Pwede bang ‘wag mo na akong tanungin pa, sabihin mo na lang kung may maibigay ka o wala ‘yan lang ang gusto kong marinig!” Napabuntong hininga si Josh habang kagat nito ang kanyang labi. Napaisip ng ilang sandali. Malapit na sila sa mall.
“Ano ba! Ang hirap mong kausap. Bibigyan mo ba ako o hindi, bababa na ako!”
“Sandali lang okay?” medyo napataas ang boses ni Josh.
“Manong pakitabi na lang po d’yan sa may kanto,” ani Josh sa driver ng taxi.
Naunang bumaba si Irene dahil nagbabayad pa ang binata ng pamasahe nila sa taxi.
“Lets go mine, nagbago na ang isip ko,” wika ni Josh matapos itong makababa sa taxi.
“Nagbago? Hindi mo na tutuparin pa ang promise mo kanina? ‘Di mo na ako bibigyan sa hinihingi ko sa ’yo, ganon ba?”
“Hay naku! Sino bang nagsabi sa’yo niyan?” bahagyang napangiti si Josh.
“Ang ibig kong sabihin, hindi na tayo matuloy sa Mall.”
“Bakit, saan tayo pupunta?” napatanong ang dalaga.
“Uuwi na doon na lang tayo maglunch sa shop namin. I’m sorry sa disisyon ko na ‘di na tayo matuloy pa sa Mall.”
“Hindi mo pa sinabi sa akin kung may maibigay ka ba sa akin o wla.”
“’Yan ang dahilan kung bakit kailangan nating umuwi ngayon kasi wala naman akong dalang pera dito,”
Tuwang-tuwa ang dalaga sa kanyang narinig. Ang kaninang masungit na mukha ay napalitan ng matamis na ngiti.
Sa bus na kanilang sinakyan pauwi ay gulong-gulo ang isip ng binata. Hindi man lang sinabi sa kanya ng dalaga kung ano ang gagastusan nito sa sa limang-libong hinihigni sa kanya. Pinagmasdan ng maiigi ni Josh ang mukha ni Irene na nakatulog sa kanyang upuan. Kailan ma’y hindi niya magawang tanggihan ang dalaga sa ano mang hihilingin nito sa kanya.
Love story, romance novel written in Tagalog
Friday, September 26, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment