Love story, romance novel written in Tagalog

Wednesday, August 27, 2008

Nobelang Tagalog: Page 26

kapag sinabi niya ito kay Jerick, ay marahil magtaka ang nahuli kung bakit pa nya kailangang gawin ang itago ang lahat kay Josh sa katutuhanang alam ni Jerick na magkaibigan lang silang dalawa ni Josh.
Lumabas ng kwarto ang dalaga pagkatapos mag-ayos ng sarili. “Mabuti nama’t lumabas ka na. Kanina ka pa hinihintay ng iyong ama sa baba dahil gusto ka niyang kausapin.” Kinabahan si Irene nang marinig niya ang sinabi ng kanyang Mommy na kausapin siya ng kanyang Daddy. ‘Di na ito nakipag-usap pa’t dumeretso sa baba ng sala.
Nasa kalagitnaan pa lang siya ng hagdan ay napapansin na niya ang kanyang amang nakaupo sa sofa. Kapansin-pansin pa rin ang matipunong katawan nito kahit matanda na. Magbago ang paligid ni Irene kapag umuwi ang ama galing trabaho. Isang taon itong hindi umuwi ng bahay galing Mindanao, isang taong malaya sa lahat niyang gagawin ang dalaga. Ngunit nagayong retiro na ang ama sa pagiging sundalo’y katapusan na ng lahat niyang kasiyahan.
Kasindak sindak ang mukha ng ama nang ito’y humarap sa kanya. “Saan ka galing?” halos ‘di makakibo si Irene nang marinig ang boses ng Daddy niya. Hindi na ito bago para sa kanya noong panahong bata pa siya’y talagang ganyan na ang kanyang pagkakilala sa taong nasa kanyang harapan ngayon. Nakinig lamang ang ina sa may itaas ng hangdan at alam niyang handa ito sasalo sa galit ng kanyang Daddy tulad ng lagi niyang inaasahan mula pa noong bata pa siya.
“D-dadd”, nanginginig ang dalaga, “G-galing po sa kaibigan ko,” wika niya. Alam niyang may mga kasunod pa itong mga katanungan tulad ng “Anong ginawa ninyo doon? Sino ang kasama mo nang umalis ka ng bahay? Ngunit hindi nangyari ang inaasahan nang tumunog ang telepono. Tumayo ito at agad tinungo ang telepono. Mahina ang boses habang ito’y nakipag-usap ng taong nasa kabilang linya. Hindi na rin ito bago para sa kanya dahil mula pa noong bata pa siya’y marami na itong tinatago sa kanila ng Mommy niya. “Tungkol sa trabaho, at walang ibang dapat makakaalam” katagang laging bukambibig ng ama sa tuwing ito’y lumalabas ng bahay kahit hatinggabi. Naiintindihan ng ina ang asawa kaya hindi na ito nagtatanong pa. Hindi naman sila pinapabayaan nito kahit ilang araw itong hindi umuwi kahit wala itong duty.
Dumaan sa harapan ang amang nagmamadali paakyat ng hagdan at tinitigan lamang siya nito na para bang nagbabanta sa kanya. “I have things to do” dinig na dinig

No comments: