Chapter 1
Patakbong naglalakad sa pasilyo ng University habang nakatitig sa dala-dala niyang papel kung saan nakalagay ang kangyang schedule of classes. Ika-walo na ng umaga samantalang
Nasa pangalawang palapag ng gusali ang silid na iyon. Hindi nagtagal at nakita rin niya ang kanyang hinahanap. Room # 201 ang nakasulat sa itaas ng pinto na siya ring nakalagay sa schedule. Sarado ito at halatang nag-umpisa na ang klase. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at pumasok siya.
“Good morning sir”. Bumulabog ang kanyang tinig sa buong klase na
Bago sa kanya ang lahat ng mga mukhang kanyang nakikita maliban na lang kay Jerick na dati na niyang kilala at best friend pa niya ito. Tuwang-tuwa ang dalawa dahil magkapareho sila ng schedule sa klase. Pabulong na nagkwentuhan ang dalawa kunwari’y nakikinig sa nagsasalita nilang kaklase.
Ang sumunod na tinawag ay ang nakaupo sa kanilang harapan. Di niya makita ang mukha sapagkat nakatalikod ito sa kanila. Tama lang ang katayuan ng babae, mahaba ang buhok na ang kulay nama’y Filipina ang dating. Nakinig ang lahat. Malumanay ang boses at medyo mahina kaya natigil ang kwentuhan ng dalawa upang marinig ang sinasabi ng babae. Bahagya itong lumingon sa likuran kung saan nakaupo ang dalawa. Habang nagsasalita ang dalaga ay bumulong siya kay Jerick, “ She’s cute”. Tumango lamang si Jerick na nakangiti.
Umupo na ang dalaga. Hindi maiwasan ni Josh ang mapatitig sa babae.
“What’s her name?” Bulong niya kay Jerick.
“ Hay naku, yan ka na naman. Iba kasi inisip mo kaya di mo narinig ang sinabi niya” pakli ni Jerick sa kaibigan.
0 comments:
Post a Comment