“Tamang-tama. Kung okay lang sa’yo, sabay na lang tayong kakain,” anyaya ng binata. Sumang-ayon naman ang dalaga sa sinabi ni Josh kaya magkasabay ang dalawang bumaba mula sa library.
Umorder ng burger si Irene kaya sa halip na kanin, ay burger na rin ang inoorder ng binata at dalawang soft drink. Inabot niya ang isang bote kay Irene. Umayaw
Umupo sila sa isang mesa at magkaharap ang dalawa. Walang imik si Josh at dahan-dahan nitong kinagat ang burger ng kanyang hawak. Gayon din si Irene, tila nagkahiyaan ang dalawa. Ilang minuto ang lumipas at hindi nakatiis ang dalaga at nagtanong ito kay Josh.
“Mag-isa ka lang ata ngayon, wala ba ‘yong kasama mo?”
“Si Jerick, ah… absent po siya kaya ako lang mag-isa.” Paliwanag ni Josh sabay kuha sa bote ng soft drink.
“Marunong ka po ba sa computer?” mahinahong tanong ni Irene.
“Medyo po,” nagmamadaling tugon ni Josh.
“Kung okay lang
“Yan lang po ba ang problema mo?”
“Opo. Kaya po pumunta ako ng library kanina para maghanap
“Kung ganoon, don’t worry, I’ll help you.”
“Talaga po?”
“Yeah, tutulungan kita, promise!” wika ng binatang may ngiting gumuhit sa kanyang pisngi.
“Salamat ha,” masayang wika ni Irene at hinawakan nito ang kamay ni Josh na may hawak na soft drink. Nabigla ang binata at sobrang saya ang naramdaman ng nahuli.
“Wala pong anuman, basta ikaw,” ani Josh na hindi na naubos ang pagkain at ‘di alam ang gagawin.
“Umm… don’t be mad ha, pwede magrequest?” tanong ni Irene sa tunong nakikiusap.
“Yeah, wha… what is it?”
No comments:
Post a Comment