Love story, romance novel written in Tagalog

Saturday, July 12, 2008

Nobelang Tagalog:Page 6

Marami pa sanang itatanong ang binata kay Irene ngunit nagsidatingan na ang kanilang mga kaklase kaya nahiya na itong magsalita pa. Tumahimik na lang siya habang hinihintay si Jerick.

Ngunit nagumpisa na lang ang talakayan wala pa rin si Jerick hanggang sa matapos ang klase. ‘Di pumasok ang best friend ng binata. Kaya nang mag-uwian na’y mag-isa na lang si Josh na lumabas at umakyat ito sa library upang magpalipas muna ng oras. Tuesday, kaya 5:00 pm pa ang pasok ng kapatid nitong nagbabantay sa kanilang shop. Walang problema kahit 4:00 pm na ito uuwi.

Tulad ng dati, lagi na naman siyang laman ng library ngayong may pasok na. Sa bandang dulo ng library, ay nag-iisa lang siyang nakaupo sa mesang iyon. Seryoso ang lahat sa pag-aaral kaya tahimik ang buong silid. Hindi namalayan ni Josh ang pagpasok ni Irene at lumapit ito sa kanya.

“Hi, can I join?”

“Yes… yeah,” tugon ng binatang nabigla sa kanyang nakita dahil hindi niya inaasahang pumunta din ng library ang dalaga pero wala na siyang magawa dahil nasa kanyang bandang gilid na si Irene.

“Have a seat please,” anyaya ng binata kay Irene at tumigil ito sa pagbabasa. Umupo ang dalaga sa tabi niya. Hindi malaman ni Josh kung ano ang kanyang naramdaman. Natutuwa na kinabahan ang binata.

“Ang galing mo kanina sa klase. Agad mong nasagot ang tanong ng prof natin,” wika ng dalagang may paghanga. Gumaan ang pakiramdam ni Josh at tila lumutang siya sa kanyang kinauupuan.

“Ha… ah… wala po ‘yon, ah… nag… nagkataon lang,” pakumbaba ng binata. Halos ‘di makahinga si Josh ng napansin niyang nakatitig sa kanya si Irene.

“Wow, ang humble huh,” ani Irene na ngumiti sa kanya. Hindi mapalagay si Josh at napadalas ang pagpunas nito ng kanyang panyo sa kanyang pisngi kahit ‘di ito pinapawisan.

“Something wrong,” tanong ng dalaga.

“Ha? Ah… wala po,” tugon ng binatang pilit tinatago ang naramdaman.

“Have you eaten your lunch?” tanong ni Josh na nais maiba ang usapan.

“Hindi pa po.”

No comments: