Pagkatapos ng kanilang usapan ay bumalik ito sa harapan ng monitor, binuksan ang multi media player ng kanyang computer kung saan nakalagay ang kanyang mga paboritong kanta at pagkatapos ay pinagpatuloy ang kanyang ginagawa.
Gabi na kaya hininto niya ang kanyang ginagawa at oras na ng kanyang pagsasara. Minadali nito ang pagliligpit ng mga gamit sa shop upang makapagpahinga na’t makatulog ng maaga baka malate na naman sa pasok kinabukasan. Ayaw na niyang mangyari pa ulit ang nangyari sa kanya sa unang araw ng pasukan.
Kinabukasan, maagang gumising ang binata. Excited itong pumasok kaya maaga pa lang ay nandoon na ito sa kanilang classroom. Wala pang ibang tao doon kaya binabasa lang muna niya ang kanyang dala-dalang libro.
Maya-maya’y may pumasok. Si Irene. Nagkunwari na namang walang nakita si Josh at patuloy lang ito sa pagbabasa ng kanyang libro. Palapit na ng palapit ang dalaga sa kanyang kinauupuan. Ngunit patuloy pa rin siyang nagbabasa na parang walang nakita.
Umupo ang dalaga sa mismong upuan sa harapan ng binata at nakatalikod ito sa kanya. Dinukot nito ang suklay sa kanyang bag at di inaasahang malaglag ang kanyang pabango sa sahig at napunta sa may paanan ng binata. Napatigil si Josh sa pagbabasa at dahan-dahan niya itong pinulot. Nang naangat na nito ang ulo mula sa pagkayuko’y halos matunaw si Josh nang magkasalubong ang kanilang mga mata ni Irene. Kapansin-pansin ang matamis na ngiti mula sa mga labi ng dalaga. Inabot ni Josh ang pabango ng dalaga.
“Thanks ha…” wika ni Irine habang binalik niya ito sa loob ng kanyang bag.
“Its okay.” sagot ni Josh na nakaramdam ng kakaibang kaba sa kanyang loob.
“Umm, do you have friends here?” ani ng binata na di na makatingin ng diretsahan sa dalaga at nakayuko itong nagsasalita kunwari nagbabasa.
“Wala po”, sagot ni Irene. “Lumipat po kasi ako ng section”, dagdag ng dalaga habang sinusuklay nito ang kanyang buhok.
“Ganon po ba?” patango-tango ang binata.
“Ikaw, I’m sure marami kang kaibigan dito,” pasulyap sa kanya ang dalaga.
“Si Jerick lang, kasi dati ko na siyang kaklase last year at best friend ko,” paliwanag ni Josh.
“You mean, bagong lipat din kayo sa section na to?”
“ Exactly,” umayos sa pagkakaupo ang binata at napasulyap sa dalaga.
No comments:
Post a Comment