Pagdating sa shop kumain na ito agad ng lunch at nagmamadali upang pumalit sa pagbantay. May pasok ang kanyang kapatid na siyang nagbabantay tuwing umaga. Pagkatapos ng magbihis ng binata ay nagpaalam na si Jerome ang kanyang nakababatang kapatid upang pumasok. Siya na naman ang naiwan tulad ng inaasahan.
Hindi siya makalabas sa shop at makapagpasyal kahit sa araw ng Sabado at Linggo. Mula umaga hanggang abutin ng gabi ay nandoon siya na walang ibang kaharap kung ‘di ang mga computer.
Nabobored ang binata kaya naisipan niyang ifinalized ang librong kanyang sinulat noong high school pa lang siya. Sulat kamay pa lang ito kaya inumpisahan niyang i-encode sa computer ang mahigit dalawang-daang pahina ng kanyang libro. Pangarap niyang maging isang professional writer someday. Mahilig siyang magsulat mapatula man o nobela. English man o tagalog. Kaya
Madilim na ang paligid ngunit nandoon pa rin siya nakaharap sa monitor kasama ng iilang nagrerent ng computer. Napatigil ng sandali si Josh nang tumunog ang kanyang cell phone. Si Jerick ang tumawag. Nagbalita sa mga nangyari habang nakipagmeet ito sa kanyang textmate kaninang tanghali.
“Oh, ano na koneho… anong nangyari sa pagtatagpo ninyo ng textmate mo?” pabirong tanong niya kay Jerick habang binitawan nito ang keyboard at tumayo papuntang kusina upang kumuha ng tubig.
“Tol, ang ganda! He, he, he, nakakaloka” pagmamalaki ni Jerick.
“Ha, ha, ha, loko talaga nito. Anong cource niya?”
“Nursing Josh… at super ganda!”
“Ganon ba? Eh ‘di… ayos pala ang lakad mo kanina?”
“Oo naman. Kaya kung ako sa ’yo, maghanap ka na rin ‘wag kang manatiling nakatunganga sa harapan ng monitor mo” sinundan ‘yon ng mga halakhak ng kaibigan. Hindi lamang umiimik si Josh habang nagpatuloy sa pagkwento si Jerick.
Bumalik sa isipan ng binata si Irene ang bago nilang kaklase. Pero ayaw niyang mahati ang oras sa kanyang pag-aaral dahil lang sa isang babae. Kaya ‘di na nito binigyan pa ng pansin ang mga sinasabi ng palabirong si Jerick.
0 comments:
Post a Comment