“Ang ganda niya kahit nakatalikod siya” wika sa sarili. Nag-isip na siya kung paano niya makausap ang dalaga. “May boyfriend na kaya siya?” tanong sa sarili kasabay ang buntong hininga. “Oo naman, imposibleng wala sa ganda niyang ‘yan.” Sa isip lamang. Ngunit nahihiya din si Josh kasi kaklase niya ito. Sa isip niya kung bakit pa sila magkaklase. Ngunit hindi ito binigyan ng mabigat na attention ng binata. “This is not what I want to do this today. This is silly.” Sumunod ang mga buntong hininga ng binata.
Ganon pa man ay naramdaman niyang masaya siya at nawa’y ‘wag na lang matapos ang klase. Subalit ang pangarap na iyon ay naudlot nang magdismiss na ang kanilang professor.
Uwian na para sa unang araw ng klase. Kailangang umuwi ng maaga ni Josh dahil magbabantay pa ito ng kanilang computer shop. May dalawang computer shop ang kanyang kuya at siya ang nagbabantay sa isa tuwing hapon. Kaya galing sa school ay dederetso na sa shop ang binata. Lagi itong maunang umuwi kaysa sa kanyang kaibigang si Jerick.
Tanghaling tapat kaya sobrang init. Sa labas ng gate ng school ay may mga punong-kahoy na malalaki. Nagpahinga muna ang binata at umupo ito sa bench sa ilalim ng puno. Malamig doon kahit nasa tabi ng highway.
Nagpahinga muna si Josh sa upuang nakaharap sa gate ng school. Mayamaya ay may napansin siyang babaeng lumabas sa gate. Si Irene. Nag-iisa lang itong naglalakad at segurado siya na sa kanyang harapan ito dadaan. Kunwari nagbabasa ng notes ang binata at nakayuko itong tila walang napansin. Nang nasa harapan na niya ang dalaga ay bahagya nitong inangat ang ulo at umayos mula sa pagkaupo.
“Hi… umm… u-uwi ka na ba?” Wika ng binata na halos ‘di maibuka ang bibig.
Napatingin sa kanya si Irine at bahagya itong ngumiti.
“Ha… ah…opo” sagot ng dalagang di man lang huminto sa kanyang paghakbang.
“Pwede bang sumama?” biro ni Josh sa dalaga. Hindi na sumagot pa si Irene at tuluyan itong lumalayo mula sa kanyang kinauupuan. Walang nagawa si Josh, tumayo na lang ito kasabay ng buntong hininga at nagpasyang umuwi. Agad itong pumara ng jeep at sumakay.
No comments:
Post a Comment