Balik sa shop, tumunog ang telepono at agad itong sinagot ni Josh. Basag na boses ang narinig ni Josh mula sa kabilang linya. Boses ng isang lalaki at parang lasing ito. Halos magkasalubong ang kilay ng binata dahil masakit sa tainga pakinggan ang boses na iyon. Kitang-kita ni Irene ang expression ng mukha ng kanyang kasintahang si Josh kaya lumapit ito sa kinatatayuan ng binata.
“Sino ‘yan mine?” tanong niya. Tinignan lamang siya ni Josh at patuloy itong nakikinig sa nagsasalita mula sa kabilang linya. Nanatiling nakatayo ang dalaga sa tabi ni Josh at hinihintay ang sagot ng kanyang katanungan. Hindi na nagsalita si Josh, pinakinggan lang nito ang kausap sa kabilang linya. Paglipas ng ilang minuto’y ibinaba ang telepono. Malalim na buntong hininga ang narinig ni Irene.
“Sino ‘yon mine?” inulit ng dalaga ang kanyang tanong sa binatang bumalik sa pagkaupo. “Wala… kaibigan yata ni Jerick hinahanap siya at parang lasing.”
“S-si Jerick? Diba umuwi na?”
“Oo nga eh, baka saan na naman ‘yong madaldal na iyon pumunta kaya ‘di nahanap ng barkada.”
“Pero, paano niya nalaman ang telephone number ninyo dito?”
“Matagal na kaming magkakilala ni Jerick at alam ng mama niya ang telephone number namin dito baka nagtanong ‘yong kaibigan niya sa mama ni Jerick.”
“Ano naman ang sabi ng lalaki sa ’yo mine?” usisa ng dalaga.
“Wala, may usapan lang daw sila ni Jerick pero ‘di dumating ang koneho kaya ‘yon tumawag dito.” Sagot ng binata.
“Teka lang, sino ba yang mine na tinukoy mo ha, kanina ka pa mine ng mine d’yan eh?” tanong ni Josh. Ngumiti si Irene sa kanya.
“Eh… s-sno pa ba kung ‘di ikaw.”
“Ako?” matamis na ngiti ang gumuhit sa labi ng binata.
“Oo, may iba pa ba?”
“Ang sweet ah,” ginapos ng yakap ni Josh si Irene.
“Mula ngayon, mine na itawag mo sa akin. Okay?”
“Okay… mine.” Sinundan iyon ng mga matatamis na halik ng binata. Larawan ng kasiyahan ang pagsasama ng dalawa ngunit nanatili pa rin itong sekreto sa mga mata na nakapaligid sa kanila.
No comments:
Post a Comment