ay naramdaman na naman niyang dumapo ang labi ng dalaga sa kanyang pisngi. Halos di makagalaw ang binata nang hinalikan ito ng babae. “I love you too Josh,” bulong ng labing dumapo sa kanyang tainga. “Alam kong nagseselos ka sa tuwing kasama ko si Jerick, pero kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. At wala ‘yon kumpara sa’yo, magaling lang ‘yon sa kalukuhan. Matagal ko ng alam na mahal mo ako, at napakasaya ko ngayon dahil sa wakas, nasabi mo rin ang matagal ko ng hinhintay na ipagtapat mo sa akin ang lahat,”dagdag ng dalaga.
Sa pagkakataong ito’y nagkaroon na ng katuparan ang pangarap ni Josh na mayakap ng mahigpit si Irene na matagal na niyang pinapangarap. At ang mga halik nito sa dalaga ay nagkaroon na ng kalayaan at nawala na ang selos na nagging dahilan ng puot sa kanyang dibdib.
Napagkasunduan ng dalawa na hangga’t maari ay itago nila ang kanilang relasyon ay manatiling lihim sa mga tao sa kanilang paligid pati kay Jerick. Napakasaya ng dalawa sa mga oras na iyon. Ngunit paglipas ng ilang minuto’y tumunog ang cell phone ni Josh, message mula sa kanyang kapatid na si Jerome. Nagtatanog kung bakit wala pa siya sa shop ikatlo na ng hapon. May pasok ang kapatid baka mahuli na ito sa klase. Kaya humingi ito ng paumanhin sa dalaga dahil kailangan na niyang umuwi. Naintindihan ni Irene ang lalaki kaya magkasabay na lumabas sa park ang dalawa at sinabayan sa sakayan ng jeep pauwi sa kanila. Hinatid muna ng binata ang dalaga hanggang bahay at pagtapos ay umuwi na rin ito.
Padabog na magsalita si Jerome at batid ni Josh na naiinis at galit ang kapatid dahil matagal siyang nakauwi. ‘di niya ito pinapansin sa halip ay kumakanta pa si Josh habang nagpalit ito ng damit. Nagtaka ang kapatid sa pinakita ng kuya nito. Ngayon lang niya nakitang lagging nakangiti ang kanyang kuya at kumakanta pa. Gusto man niyang magalit ay walang magawa kaya umalis na lang ito upang pumasok kahit late na sa unang subject.
Hindi mapakali si Josh ilang oras pa lang ang nakalipas ay namis na niya si Irene. Tinawagan sa telepono at tinatanong kung kumain na ba ang kanyang mahal. Gusto niyang lagi silang magkasama, kaya sa pagtulog ang pangarap ay bumilis na
No comments:
Post a Comment